Prologue

3 2 0
                                    

"Bukopie, roses for you nga pala." sabi sakin ng namumulang bata na mas matanda sa akin ng isang taon.

Siya si Kai. Kyle talaga ang name niya pero ayaw niya na tinatawag siyang ganun. I just heaved a sigh. Kawawa naman si Kai. Akala niya kasi girl talaga ako. Sino ba namang hindi mag-aakala na girl ako? May boy bang palaging nakadress, nakaboots, may long hair, at mukha talagang girl? Ang sagot, wala. Tanging mga magulang ko lang ang nakakaalam at ilang kamag-anak.

Seth Ulysses Ulep ang name ko pero hindi nagtataka ang playmates ko kung bakit pang-boy ang name ko kasi uso naman ang ganun, diba?

Tiningnan ko ang eight years old na si Kai. He wears a maong shirt na hanggang tuhod niya lang. Ang cute niya sa black shirt niyang may print na spongebob. Hindi ko maiwasang mainggit dahil dapat ganun din ang suot ko. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang trip ng mga magulang ko. Atsaka nakasanayan ko na rin kasing maging babae.

"T-thank y-you." Sabi ko na lang. Nahihiya talaga ako sa kaniya kasi pakiramdam ko niloloko ko siya. Kababata ko siya, mabait siya sakin at sweet. Bata pa lang naman kami at sa tingin ko mapapatawad niya naman ako, diba?

"Ang cute mo talaga Bukopie. Kaya labs kita eh hihi." Aniya. Inipit niya ang mga takas na buhok sa tenga ko pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa swing. "Tara date ulit tayo."

Naku naman, ang landi niya talaga. Kahit seven years old lang ako ay marami na akong alam sa buhay. Para nga raw akong matanda na mag-isip sabi nila Mommy. Oo nga pala, one month ng preggy si Mommy. Sana baby girl ang maging kapatid ko para maging boy na talaga ako.

Binitawan lang ako ni Kai nang nakarating na kami sa swing. Pinaupo niya ako sa swing na bakal tapos siya ay pumwesto sa likod ko at dinuyan-duyan ang swing. Tulad ng lagi niyang ginagawa. "Bukopie." Pagtawag niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tawag niya sakin. Pero ayaw ko man aminin eh gustong gusto ko talaga pag tinatawag niya akong ganun.
Tiningala ko siya at nginitian.

"Bakit?"

"Wala, ang cute mo kasi." Sabi niya. Pakiramdam ko pumula tuloy ang pisngi ko. Inirapan ko na lang siya tapos pinanuod ang ibang bata sa park. "Gusto ko paglaki natin, magpakasal tayo ha?" Oo, gusto ko rin. Pero papaano kung pareho naman kaming boys?

"Ayoko nga, baka maging salbahe ang maging anak natin." Sabay tingala at belat sa kaniya. Salbahe talaga siya dahil lahat ng gustong magmake friends sakin ay inaaway niya. Sinimangutan niya ko at nilakas ang pagduyan kaya kapit na kapit talaga ako sa magkabilang tali.

"Edi pag laki natin, hindi na ko magiging salbahe!" Bulalas niya.
Tinawanan ko na lang siya at niyayang makipaglaro sa iba. Pero ayaw niya talaga. Tamo sobrang salbahe talaga. "Uwi na nga lang tayo tsk. Ihatid kita sa bahay niyo." Sabi niya tapos nagholding hands ulit kami.

Hays, ang saya saya. Kapag kasama ko talaga siya, sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Nakarating naman agad kami sa house namin na katabi lang ng house nila. "Hello Tita and Tito!" Bati niya kila Mommy at Daddy na nasa kusina. Tanghali na pala at mahilig magluto sila Mommy at Daddy kaya sila talaga ang nagluluto ng mga pagkain namin.
Ngitian siya ni Mommy at Daddy at binati pabalik. Pinanlakihan naman ako ni Mommy ng eyes niyang natural na malaki na. "Kuu, bata ka! Tanghali na at nasa layasan ka na! Hindi ka pa naliligo!"

"Opo Mommy, maliligo na ko." Paalam ko. "Oh pano Kai, uuwi ka na ba?" Tanong ko kay Kai.

"Ah eh pwede bang dito na muna ako?" tanong niya.

Nag-oo lang sila Mommy at pumanhik na ako sa room ko. Room ko na color pink at puro Hello Kitty. Si Mommy ang may gusto nun. Ewan ko ba.

Pumasok na ako sa bathroom at nagshower. Ang init ng tubig, sarap. After 5 mins ay tapos na rin akong magshower. Kinuha ko ang towel pero 'yung para sa hair lang ang andito. Nilabhan siguro ng maid. Naglabas na lang ako ng hubo't hubad. Room ko naman kasi ito eh.
Nakalabas na ako pero ngayon ko lang napansin na may bata pala sa kama.

Si Kai.

Nakatalikod siya sa akin at mukhang naramdaman na niya ang presensya ko. Babalik na sana ako sa bathroom pero huli na ang lahat nang makita niya ako. Nanlaki ang mata niya nang natagpuan ang tingin ko at pulang pula ang mata niya. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa penis ko. Kita ko na mas lalong lumaki ang mata niya at mukhang hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Duon ko nakita na umiiyak na pala siya.
Nang makita ko siyang umiiyak ay nagpanic na ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Gusto ko siyang hawakan pero natatakot ako na baka saktan niya ko.

"B-bakit m-may h-hotd-dog ka?" Iyak niya pa lalo. Pulang-pula ang mukha niya at basang basa ang mukha niya dahil sa pinagsama-samang pawis, luha, at uhog. Kinuha ko ang maliit na towel na nakapatong sa buhok ko upang ipangharang sa penis ko.

Huminga ako ng malalim at lumapit papunta sa kama ngunit nagtira pa rin ng kaunting distansya. "Sorry Kai pero boy talaga ako." paghingi ko ng paumanhin.

Ang paghanga sa kaniyang mata tuwing nakatingin ang mga ito sa akin ay nawala. Napalitan ito ng galit. Galit na alam kong hindi matutumbasan ng kahit anong kapatawaran. Sinubukan kong lapitan siya at hinawakan ko ang kaniyang braso pero tinabig niya lang ito. Nakakatakot ang mga tingin niya sa aking mga mata.

Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at sinambit ang mga pinakamasakit na salit na narinig ko sa buong buhay ko. "Huwag mo na ulit akong kakausapin! Nakakadiri kang bakla ka! Manloloko! Sinungaling" Sabay alis sa bed ko at padabog na sinara ang pintuan. Nahiga ako sa kama at umiyak nang umiyak.

#

Iyon na ang huling beses na nakausap at nakita ko siya. Kanibukasan ng araw na iyon ay nalaman kong nagmigrate na pala sila sa States dahil 'yung Daddy niya na may komplikasyon sa baga ay duon na ipinapagamot.

Sampong taon na nga pala ang nakalilipas, at binabalikan ko lang ang isang masakit na alaala dahil nalaman kong malapit na pala silang bumalik dito sa Pilipinas. Next week daw sabi ni Mommy at good news na nakarecover nga si Tito Elijah. Hindi ko alam kg ano ba dapat ang maging reaksyon ko. Pero siguro mas pipiliin kong gawin 'yung huling pakiusap niya sa akin. Siguro nga iyon ang tama. Hindi ko siya kakausapin kahit uuwi na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Fooling in Love (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon