[ HINDI SA AKEN ITONG STORY NA TOH-Nc]
LOVE-PHOBIAC
© missSHAKEspeare012
how can one find their true love?
is their destiny found at first sight
or...
is it just there, waiting all this time?
PROLOGUE
Haay nako. Nu nga ba naman magagawa ko kung mahirap hanapin si Mr. Right? It's not that I care pero, somehow nacucurious ako. Anong feeling pag nandyan siya? Masaya ba ako? Makikilala ko ba siya agad? O magtatanga-tangahan muna ako kasi ayoko nang masaktan pa ulit?
"Hay nako, Ria. Hindi mo dapat sinasara yung puso mo for chances. Malay mo, nandyan lang pala siya sa tabi-tabi... si Mr. Right mo. " Sabi niya nung hindi ako nakasagot agad sa langyang tanong niya.
"Hay nako ka rin." Kapal kasi ng mukhang magsabi na nandyan lang si Mr. Right. Eh bakit di ko pa siya nakikita? Di ko pa siya nakikilala? Siya ba, hinihintay din ako? O ako lang nagiging ewan dito na naghihintay sa kanya.
"Alam mo Drew, ayoko nang maniwala sa Mr. Right na yan. Masasaktan lang ako ulit." May epek pa yan nang pagtayo sa swing at walk-out. Geez, kung ganyan lang din naman ang pag-uusapan naming ni Drew eh wag na lang.
"Hoy, Ria! Wait!" Hinabol pa niya ako ah. Infernis, mabilis humabol si bispren.
"Sorry na. Di ko naman sinasadya eh."
BOINK!
Ayun ang mukha ko na sumubsob sa lupa.
"Ow!!" Ang sakit nun ah.
Di ko napansin na tumatawa pala si Drew nun. Grr. Kapalmuks nito ah!
"HOY! BITIWAN MO NGA AKO!" To the max yung boses ko nyan. Eh pano ba naman kasi, binuhat ba naman ako ng lokong tao na to, tapos grabe pa tumawa.
Pero somehow, comforting yung tawa niya. Sarap pakinggan.
"Hehehehehe. Yan kasi di tumitingin eh. Masyado kasing spaced out." Aba aba aba. Kapal talaga nito ah. Pasalamat ka bestfriend kita nako. Kung hindi...
"Nagbubulag-bulagan ka kasi eh, yan tuloy. Nasaktan ka." Nako. Wala na akong pake kung bestfriend ko to, game! Uupakan ko na to ha..
"Wag mo kasing isara yung mata mo. Para marami kang makita. Malay mo, yung isa sa mga nakita mo, tutulungan ka para di ka na masaktan ulit. Di naman purket nasaktan ka once, di mo na ittry ulit di ba?" Ooowkaay. Medyo nagoverboard ata yung usapan.
Ayun. May nagets ako sa sinabi niya pero di ko sure kung yun nga yung gusto niyang iparating kasi iba yung pinaparating niya sa sinasabi niya. Gets niyo ba? Igets niyo. Nagets ko eh. Hahaha.
"Pag binangon ka niya, marerealize mo na siya na pala yung hinahanap mo. "
CHAPTER 1-[[THE START]]
RIA SPEAKS:
"Good morning Ria. "
Haaay nako. Eto na naman po tayo. Ok. Isang araw na naman. Isang araw ko na naman siyang makikita. Sino? Si Carlo.
"Ah, eh, good morning din Carlo. " Ay jusmeyo, magblush daw ba ako? Hihi. Ipapakilala ko sa inyo si Carlo Villamor. Si Carlo lang naman ang longest crush ko sa kasaysayan ng aking hayskul layp. Eh pano since first year ko pa yan kras eh. Hahahaha. Ano nga bang nagustuhan ko kay Carlo?
"Namumutla ka ata. Ok ka lang?" Concerned siya sa mga tao sa paligid niya. Pag may something wrong sa isang tao, tatanungin niya kung ok lang yung pipol na yun.