Ang Manika ni Aika

319 3 2
                                    

Abalang-abala si Aling Lorna sa paghahanda ng pagkain nang maulinigan niya ang si Aika, na papalit sa kaniya.

"Inay, tingnan po ninyo, o... May napulot po akong manika sa may puno," masayang balita ni Aika

"Ano ka ba, anak, itapon mo nga iyan?! Ang baho-baho at dumi-dumi pa!"

"Huwag naman po, Inay. Paliliguan ko na lang po para bumango at maging malinis. Sige na po, Inay, para may laruan ako. Please..." Nayakap ni Aika ang manika.

"Sige, doon ka sa banyo. Huwag mag-aaksaya ng tubig at sabon, ha?" mabait na tugon ng ina.

"Opo, Inay!"

Tuwang-tuwa at dali-daling tumungo sa banyo si Aida, bitbit ang kaniyang madusing na manika. Pinaliguan niya ito nang husto hanggang sa malinis na malinis at sobrang bango nito.

Matapos paliguan, binihisan niya ito ng napakagandang damit, nilagyan ng diaper, pulbos, at baby cologne upang lalong bumango, at nilagyan ng laso ang buhok terno sa kulay ng damit na pink.

"O, ayan, Baby Annika, ang ganda-ganda at ang bango mo na! Tara na, punta tayo kay Inay. Ititimpla kita ng gatas mo at ipapakilala kita sa kaniya."

Tumungo na sa kusina si Aika. Ingat na ingat niya itong kalung-kalong, na animo'y taong masasaktan kapag nahulog.

"Inay, tingnan po ninyo si Baby Annika."

Namangha si Aling Lorna nang makita niya ang manika na dati ay sobrang dungis at baho. Ibang-iba na ang itsura nito kaysa kanina.

"Anak, 'yan ba ang manika kanina?"

"Opo, Inay. Ganito ko po aalagaan at mamahalin ang aking magiging kapatid na babae." Nginitian niya nang kay tamis ang ina, gayundin si Annika. "O, halika ka na baby ko... Ipagtitimpla na kita ng gatas para makatulog ka na."

Inihiga na ni Aika si Annika sa kutson at nang tila tulog na ang manika niya, tinabihan niya ito at pumikit na rin siya habang yakap-yakap ang kaniyang manika.

Mga Kuwentong Pambata ni GinaWhere stories live. Discover now