Chapter 27

1.9K 87 33
                                    

Chapter 27: Beauty and the Beast

Malia's POV

Buti naman at naisipan ni Carmela na ilibre kami ng sine bago sila umalis. Unpredictable talaga 'tong babaeng 'to e. May pagka-amazona pero sweet. Akala ko nga at mahuhuli niya ako kanina. Hayop kasi 'tong si Jaeden! Nag-post ng picture ko sa instagram! Napagkamalan tuloy kaming magkasintahan ng nanay ko! Eh sasapakin ako no'n kapag nagkaron ako. Napakabata ko pa ta's three to four years ang age gap namin ni Jaeden! Aba ewan ko ba doon! Lagi nalang ako pinagtitripan! Trip niya siguro ako!

Nakarating kami sa mall at habang naglalakad kami, tumigil siya at ako namang makulit niyang bestfriend, tinignan ko kung sino 'yung nagtext sa kanya. Sina Josh ay busy pumili ng papanoorin namin. Natawa nalang ako ng mahina nang makita kung sino 'yung nag-text. Aba, napaka-clingy talaga nitong lalaking 'to! Mas clingy pa kaysa kay Jaeden!

From: Stitch
Hoy love! Balik ka rito sa bahay! May nakalimutan akong sabihin sa'yo! Tangina, sorry!

Tinitignan ko lang kung paano siya mag-reply pero pinigilan ko tumawa sa kilig dahil baka mabisto niya ako sa likod niya. Tag niyo kung mayroon kayong kaibigan na ganito. I'm proud to be one! Gusto ko lagi akong updated sa lovelife ng kaibigan ko!

To: Stitch
Gago! Napakagaling mo namang nagsinungaling! Papapuntahin mo 'ko dyan pero kitang-kita ka rito sa kinatatayuan ko? White tshirt and pants pa! Sige, DQ pa more. May lagnat ka diba? Napakatigas ng ulo mo!

Bumaling 'yung tingin ko sa DQ at ganun din sila Tristan at nanlaki 'yung mata ko nang makita ko si Nash na nakatingin at papunta sa amin. Kasama niya ang tatlo. Tawa pa nga ng tawa si Jaeden nang makita ako. Inirapan ko lang siya at nagpanggap na may ginagawa sa cellphone pero wala rin dahil kinurot ako ni Carmela. Kailangan niya ng backup para sa F4?

"Oh my god, girll! Ayan na si Prince Charming Stitch mo! Ayieee!" Pang-aasar ko kay Carmela, humarap siya sa akin at binigyan ako ng "Tatahimik ka o tatahimik ka" look. Ginaya ko pa kasi 'yung tono ni Ley at Cathy noong inaasar nila si Cassandra sa room dahil nandoon si Nash.

"Hoy ikaw lalaki ka! May lagnat ka diba! Bakit ka nandito? Isasaksak ko 'yung kutsara ng DQ sa bunganga mo!" Sabi ni Carmela sa kanya. "Tapos kanina maka-drama ka sa'kin na hindi mo magalaw kamay mo! Edi sana hindi na kita sinubuan! Ginawa mo pa akong yaya, tangina!"

Natawa nalang kaming lahat. "Calm down, woman. Nilalambing lang kita kanina!"

"Well, for your information, Nash Villanueva, hindi gumana! Peste ka!"

Tumingin ako kina Tristan, Josh, at Adrian at kinindatan sila dahil may plano kami. Kinasabwat kami ni Nash dahil gusto raw niyang makasama ngayon si Carmela. Akala ko siya lang ang pupunta rito, hindi ko naman alam na kasama 'yung tatlo! Naiinis talaga ako kay Jaeden! Napakapilyo ng tingin sa'kin, mapang-asar!

"Guys, comfort room lang ako ah!" Sabi ni Josh.

"Ay oo nga, tangina, naiihi na rin ako! Josh, wait lang!" Pagpapanggap ni Adrian. Magpoprotesta na sana si Carmela nang magsalita rin si Tristan. Napangisi ako.

"Holy shit! Kailangan ko pala bumili ng regalo para sa pinsan ko! Sige mamaya nalang!" sabi ni Tristan. Sinamahan ni Kyle at Jasper si Tristan kaya umalis na sila.

"Tristan, sasama ako!" sabi ko kay Tristan.

"No! You're coming with me." Ma-awtoridad na sabi ni Jaeden at hinatak ako. What the hell?

"Guys! Guys! 'Wag kayong magpapakita sa'kin! Mga peste!" sigaw ni Carmela pero tumakbo na kami ni Jaeden. Narinig ko pa ang malutong na pagmumura niya. Ano na kayang mangyayari sa dalawang 'yon?

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now