Natasha's POV
Nagising ako ng may kumalabit sa balikat ko. Napalingon ako sakanya. Si Lino lang pala.
"Tasyang.. tawag ka ni ma'am."
Nanliliit ang mga mata ko na tumingin sa harapan. Biglang nagising ang lahat ng elemento sa katawan ko, kung meron man. Napa-ayos ako ng upo at napakamot sa ulo.
"Ma'am. S-sorry." mygashh! Nakatulog pala ako. What to do? Bad impression 'to.
Umiling iling ang teacher sa harapan. "unang araw mo pa lamang Tasyang ay natutulog ka na sa klase. Ano ba ang ginawa mo buong magdamag at mukhang hindi ka handa para sa una mong pagpasok sa eskwela?"
You wouldn't wanna know ma'am.
"Palalagpasin ko 'to ngayon kung masasagot mo ang tanong na ito." sabay turo sa blackboard. Naalala ko bigla ang makintab naming whiteboard sa Elite High.
"What is Einstein's explanation of the Photoelectric effect."
Dahan dahan akong tumayo at tumikhim bago sumagot.
"According to Einstein's explanation of the photoelectric effect, light of frequency f consists of photons of energy which is E=hf. And one electron can only absorb the energy from a photon at a time. If energy is insufficient to eject the electron, it will relax back down to a low energy before absorbing another photon." saglit akong tumigil. "the energy carried by each photon--"
"Tasyang." ngumiti sa akin ang teacher. "pwede ka nang maupo. Narinig ko na ang hinahanap kong sagot."
---
"Grabe. Bukod sa ang galing mo na sa mga pinag-aaralan natin, ang galing mo pa mag english!" kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng school. Apparently, magkakilala si Mutya at si Oyang.
"Nakakabilib ka na talaga Tasyang." nakangiting sabi ni Lino.
Actually nakaka-flutter na may nakaka appreciate sa mga bagay na magaling ako. Maliit man o malaki. Back in Manila, kahit anong gawin ko it's never enough. At laging merong hahanap at hahanap ng butas sa talent ko.
"Hilig ko kasi mag aral. Hehe." mag aral ng pagiging secret agent, to be specific.
"Oo nga pala pareng Oyang, diba may peryahan sa Sabado? Gusto mo bang sumama sa amin?" tinatanong ni Lino si Oyang. Sana sumama sya pleaseeee.
"Ay oo nga pala. Di makakasama si Mutya kaya sana naman ay sumama ka, Oyang." sana talaga, kailangan ko ng makahanap ng lead. I need to get out of here as soon as possible.
"Hindi ako mahilig sa peryahan." tipid nyang sagot. Di bale, gagawa ako ng paraan para sumama sya.
"Sus. Di na bago yang sagot mo. Taon taon yan ang sinasabi mo. Wala na bang bago?" singit ni Mutya habang tinatanggal ang balot ng lollipop nya. "Gusto mo?" tanong nya sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya. Umiling na lang ako at ngumiti.
Ilang sandali pa at kailangan ng lumiko ni Lino at Mutya sa ibang dereksyon. Magkapareho pala ang street na tinitirhan nila. Nang maka alis sila ay sinimulan kong daldalin ng daldalin si Oyang.
"Sige na, sumama ka na. Masaya 'yun panigurado."
Kumunot lang ang noo nya kaya nagsilat na naman ako. "Hindi ka pa ba nakakapunta sa peryahan kahit isang beses pa lang?" kasi ako NEVER pa talaganf nakakapag perya e.
To be honest, ayaw ko talagang pumunta sa perya. Tsaka ano bang meron dun? Rides? I don't even like rides. Tsaka hindi ba sobrang crowded dun?
"Alam ko namang sasama ka e." tumawa ko ng konti "Tama ako diba? Yah! Magiging masaya to." I giggled.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...