K a b a n a t a 1 • Not him
Bata pa lang ako pinaramdam na nila sa akin na isa akong 'failure' sa pamilya iyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa ko. Ayaw nila sa akin at matuturing ko lang na pamilya ay ang Lolo at Papa ko. Isama ko narin ang kapatid kong mas bata saakin ng dalawang taon.
Natatandaan ko pa na inggit na inggit ako sa kapatid ko kasi natatawag niya na 'mommy' at 'daddy' sila mama. Minsan tinawag ko si mama ng 'mommy' pero nagalit siya. Minsan naman pag may mga pasalubong sila tita dahil galing ng bakasyon lagi nalang akong walang natatanggap. Excited ako lagi noon pero sinasabi nilang nakakalimutan daw nila. Hanggang sa di ko na kinaya sa puder nila at umalis na.
Naglalakad ako pababa ng building at tuwing ganito ang eksena feeling ko may matang nakasunod lagi saakin. Nasanay na rin ako, malay ko bang fan ko pala diba. Narating ko na rin ang main gate ng school at tinawagan na ang lalaking nagpatibok ng puso nang isang magandang babae. Keme.
[Hi babe] everytime na tinatawag niya ako ng 'babe', I swear pulang pula na ako sa kilig. Although matagal na kami feeling ko bago parin. I'm so inlove with him.
"Hello Len, Where are you na ba?" I asked na kunwaring inis but deep inside 'cloud 9'
[Sorry di kita masusundo ngayon babe, may pinapagawa sa akin si Mom]
"Ha? Eh sasabihin ko palang sana na samahan mo ako kila mama. Di pa pwedeng samahan mo muna ako len?" Bakit kasi ngayon pa siya may gagawin e wala akong kasama. Uh okay, wala akong pamasahe dahil di pa ulit nagpasok ng pera si Papa sa card ko. Ayaw ko naman magsabi.
[NO...] nagulat naman ako sa pagtaas ng boses niya [... Uh I mean sorry babe. You know mom, pag sinabi niya di ako makakatanggi] with that, nanlumo ako.
"Per--"
[Wait babe I'll call you later]
*tooot tooot
Aishhhhh ang malas ko!
Isip KC. Malayo dito yun, di ka pwedeng maglakad... Uh well pwede kaso mapapagod ka at di ka pwedeng magmukhang haggard dahil haharap ka sa ex-family mo. Isip... Isip... Ahhhhhhh si Jess nalang pag-asa ko.
Tinawagan ko si jess pero busy parin ang phone niya. Naghanap muna ako ng mauupuan. Sobrang sakit na ng paa dahil hindi ko namalayan na isang oras na ako nag iisip. Hinubad ko ang pumps ko. Mukhang maaalipusta nanaman ako kung sakaling makita nila ang sitwasyon ko ngayon. Ayaw ko naman talagang pumunta pero miss ko na talaga si Lolo at Papa. Halos 4 months ko na rin kasi silang hindi nakikita.
Sa kalagitanaan ng pagkahibang. May pumara sa tapat ko mismo na isang taxi.
"Miss pasok na" sabi ni manong driver.
"Uh hindi na po kuya kasi ano... Ano ahh may inaantay pa po ako. Oo may inaantay hehe" kunwaring ngiti ko. Ayaw kong sabihin na wala akong pera kasi ayokong kaawaan ako.
"Hindi miss libre. Birthday kasi ng may-ari ng agency kaya it's libre day"
Wala naman sigurong mawawala no. Sayang eh, eto na oh, swerte na mismo lumalapit.