"kyahhhhhh!!!ang gwapo talaga ni Jungkook!!"
"mas gwapo si Taehyung may labs kyahhhhhh!!!"Yan agad ang bumungad sakin pagpasok ko sa room...
Hayst...Kelan pa kaya sila titigil sa kaka pantasya sa mga koreanong di namn nila kayang abutin?
At saka bat patay na patay sila sa mga transferee's na koreano dito sa school??
Tsk tsk tsk...Puro lovelife inaatupag...Kung nag focus sila sa darating naming exam siguro magkakaroon pa sila ng chance na makakuha ng mataas na grado..By the way..Di ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa inyo...
Ako si Aiecy Montefalco(read as A.C) 17 yrs. old at kasalukuyang nasa 4th year highschool na at nag aaral sa mataas na paaralan ng St. Martins Private Highschool...
Scholar lamang ako sa paaralang ito dahil daw sa mataas ang gradong nakukuha ko..Hindi naman kami mahirap hindi rin kami mayaman Yun bang sakto lng...Nagtatrabaho ang papa ko bilang enginer sa isang pinapagawang gusali sa Manila samantala ang mama ko naman ay sa bahay lang at inaalagaan kaming tatlong magkakapatid na babae...Yep..puro kami babae pero kahit ganon hindi naman nahihirapan yung mama ko sa pag aalaga samen...at saming tatlo ako yung bunso...Jeazel Montefalco ang panganay sa aming magkakapatid...24 yrs old na sya at hindi ko maitatanggi na maganda si Ate Je'... maputi bilugan ang mga mata at may mahabang eye lashes bagsak ang buhok at tama lng ang kurba ng katawan niya...In short para siyang model ng Victorias Secret na product..Hihihi..
Isabel Montefalco 20 yrs old ang pumapangalawa kay Ate Je'...Maganda rin at may pagka pilya si Ate Bel samantalang medyo may pagka birhen namang gumalaw si Ate Je'....Siya namn ay matangkad at morena ang kulay ng kanyang balat na siyang namana niya kay papa..Bilugan din ang mata niya at medyo kulot ang buhok...Matalino rin at mapagmahal kaya hindi talaga nahihirapan si mama sa pag aalaga sa amin...
At syempre hindi ako papahuli...ang bunso at ang pinakamaganda sa lahat..Chos..
maputi ako medyo bilugan na singkit yung mata ko at naka-suot ako ng mala-HARRY POTTER na glasses dahil narin sa malabo ang paningin ko..Mahahaba din ang pilik-mata ko maikli ngunit bagsak at tuwid na tuwid namn ang aking mala uling na buhok...5" flat ang height ko kaya madalas akong mapagkamalang 1st year highschool...."Gosh nandito na silaaaa!!!!
Omigeee!!ang gwapo talaga nila!!!"Back to reality...
Tilian,sigawan at kung ano pang kalandian ang kumakalat na naman na virus dito sa room mapa babae man o bakla nagtitilian dito...Dumating na kase yung mga trasferee's na koreano daw...At itong dalawang maingay na nasa harapan ko ay ang bestfriends ko..Si Sheila Cortez at Claire Martinez...Hayssstt...Tuluyan na silang nahawa sa virus na kumakalat ngayon sa room..Sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila...Ibinaling ko na lng ulit ang mata ko sa librong hawak ko..Wala akong pake sa mga pasikat na transferee's na yan...
"oy Isang..Gugulgulin mo na lng ba sarili mo jn sa librong hawak mo??" pangungulit na tanong ni Sheila saken..
"ulitin mo pa ang pagtawag saken na "isang" mahahampas ko sayo tong libro" sabay tingin ko kay Sheila with matching shut-up-your-mouth look..
"oo nga namn Aiecy..At saka hindi kaba interesado sa mga koreanong transferee's natin?
Ang gu-gwapo nila at ang perfect" sabat namn ni Claire habang kumikislap na ang mga mata nito at tumitingin sa kawalan...Tss..Nagpapantasya na namn siguro...Nilapag ko muna ang hawak kong libro at binaling yung atensyon ko sa kanilang dalawa na pareho na ngayong nagpapantsya...
"first,Oo...Hindi nga ako interesado sa mga dayuhan na yan...pangalawa wala akong pake kung gwapo man sila..At pangatlo pag di kayo tumahimik isasaksak ko tong hawak ko na libro sa bunganga niyo! ang ingay niyong dalawa.."sabay dinuro duro ko yung hawak kong libro sa kanila...
YOU ARE READING
Stuck with this Korean Hotties
FanfictionBts related story fanfiction.. Tungkol namn ang story neto sa isang babae na simple lng hilig sa buhay pero may pagkamasungit at hindi naniniwala sa kwentong pantasya...In short hindi sya naniniwala sa love at kung ano ano na kwento about sa mga pri...