Kabanata 5. Little Progress

415 22 4
                                    

Natasha's POV

Lumipas na ang mga araw. Tuesday nung makausap ko si Mister, Friday na ngayon at wala pa rin akong nakukuhang lead. I'm moving ridiculously slow. Pano bang hindi babagal? Eh ang hirap namang kuhanin ang loob ni Oyang. He always ignores me, no matter how much I try on getting him to talk back. But lately tho, I think our relationship is sort of improving. Minsan kasi hindi na sya nakasimangot, and he looks at me for more than two or three seconds now. Hmm...I think that's a progress, isn't it?

Bumangon na ako at naghanda na para maligo. But seriously, this is much worse than getting ignored. How can taking a bath be so traumatizing for me? Ini-stretch ko pa ang katawan ko habang naglalakad ako palabas sa likod ng bahay ko.

Oyang? What is he doing?

Napatingin sya sakin saglit tapos bumalik sya sa ginagawa nya. Totoo ba tong nakikita ko? Hindi ako nananaginip right? I tried slapping myself. Nope, this is definitely not a dream. May bathroom na!!!!

Oyang made a tiny cubicle, apat na kahoy for the foundation, and then pinagtapal-tapal na sako ang pinaka-wall. May pinto rin which is gawa din sa sako at kawayan. Genius indeed.

He finished up by moving the water container inside the cubicle.

"Oyang, ang ganda. Ang galing-galing!" sabi ko kay Oyang sabay taas ng kamay ko para makipag-apir, but guess what he just ignored me, oh well

Umalis sya saglit habang ako naman hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Oyang. He's actually bright, sa pagkakaalam ko, sya din ang nag-design ng bahay at apartment na pinauupahan nila.

Pagbalik ni Oyang ay dala-dala na nya ang mga gamit nya pangligo,

"Eh eh eh--" pinigilan ko sya nung papasok na sya sa loob nung bathroom, naka-pwesto ako nang parang nakikipag-patintero,

"Ako ang mauuna." sabi ko umatras naman sya,

Bago ko pa man maisara ang pinto, narinig ko syang nagsabi ng "Tss," with a little smile

Smile?? He smiled?? Oh my god, did he just? I'm pretty sure he did.

"Bilisan mo na dyan." rinig kong sabi ni Oyang kaya nagdali-dali na ako, I can't help myself from smiling,

...

"Oyang!"

"Hm?" he replied as he looked at me, habang patuloy pa din kami sa paglalakad

Seriously, what's with this day? Parang ang ganda ata ng gising ni Oyang, sasamantalahin ko na to.

"Pangarap ko talagang maging doctor. Doctor kasi yung--" napatigil ako nang ma-realise ko na I was about to say that my mom was a doctor--shittt noo. Wag kang papalpak Tasha. Not today

Napatingin ako kay Oyang na nakatingin lang sakin at naghihintay ng sunod kong sasabihin, "Yung amo ng nanay ko sa Maynila. Sobrang laki daw ng bahay, naliligaw nga daw sya minsan eh." sabi ko at pinilit kong tumawa, wala namang reaksyon si Oyang,

"Ah..ehh ikaw Oyang, anong gusto mong pag-aralan sa college?" tanong ko sa kanya, tinapunan nya ako ng tingin, no reply? Kaylangan ko ng new topic, new topic. What should I say?

"Engineering." nagulat ako nang magsalita sya. I wanna cry right now, I'm seriously weeping inside.

"Talaga?! Sa tingin ko bagay sayo yun. Mahusay ka kasing gumawa ng mga bagay-bagay. Kapag naging engineer ka, sayo ako magpapagawa ng sarili kong hospital." nakangiting sabi ko,

"Baka ma-late na tayo sa flag ceremony." sabi nya tapos binilisan nya na ang lakad, kaya pinilit ko ding sabayan ang paglalakad nya, yung mabilis nyang lakad ay parang takbo na sakin dahil sa haba ng mga biyas nya,

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon