Proulouge

36 2 0
                                    


~*~

I met an angel, who once changed my life. He is extraordinary. He is different from the characteristics of angels given in the books I read. He's somehow a blessing in disguise. He saved me from death, he let me surpass life myself but he never left me alone. He was always there for me.


I called myself a devil, but he called me an angel..


"Cia, from whom did you got your inspiration in being a public speaker?"


Biglang tumigil ang oras. Bumagal ang panahon. Bumilis ang tibok ni Mr. Heart.


Nakatayo ako sa stage, kaharap ang napakadaming tao. Mga journalists, news personalities; mga mukha ng taong hindi ko kilala ngunit nandirito para makinig. I am flattered. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito.


Ang araw kung saan ko mararamdaman na may halaga ako.


Akala ko, saka lamang ako pakikinggan ng tao kapag malamig na ako at nakahiga na sa isang malambot na higaan na ibinabaon six feet under the ground. That was what I suppose to imagine. I thought the only way for you to feel happiness was to runaway from reality, but I was really wrong.


I have a purpose and that was what he told me.


Muli kong babalikan ang alaala niya na nakatago sa aking isipan. Ang mga alaala kung paano niya ako sinagip mula kay kamatayan, kung paano niya ako tinulungan makaahon mula sa pagkalugmok, kung paano niya pinakurba ang aking labi, kung paano niya napabilis ang tibok ng puso ko, kung paano niya pinatigil ang pagluha ko, kung paano niya binigyang buhay ang sarili ko na akala ko ay matagal nang patay.


Kahit pa alam kong masasaktan si Mr. Heart, gagawin ko ito kasi alam kong ito lang ang paraan para ikalma ang sarili ko.


Hindi ko man mahawakan ang kamay niya, hindi ko man makita ang mga mata niya, hindi ko man siya makita ngunit nararamdaman ko ang presensya niya..


Buhay na buhay pa rin siya sa puso ko.

Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon