Kabanata 6. Sabado

412 23 8
                                    


Natasha's POV

Sabado ng umaga at wala akong ibang ginawa kundi ang tapusin ang librong All You Need To Know About Bicol Dialect.

Ang dami din nilang mga slang at shortcut na words. I am really thankful though dahil namana ko ang pagiging fast learner ko sa parents ko. Kaya ngayon, kahit isang linggo pa lang ako dito sa Bicol ay fluent na talaga ako.

Kinuha ko ang phone ko at naisipang mag-selfie. Kung nasa Maynila ako ay paniguradong may mga post na naman ako sa Instagram, Snapchat, at twitter. Pero kahit siguro may signal dito, hindi ako pwedeng magpost. Hindi ko pwedeng ipaalam na may mission ako at isa akong trainee na papasok sa SAC. That cannot happen. Walang kahit na sino ang nakakakilala sa mga member ng kompanya ni dad. It's confidential.

Tinitignan ko ang mga selfies ko nang bigla akong napatigil sa sumunod na picture. It's my photo with my little sister, the day before I left our house in Manila para bumyahe papunta dito. Her arms were clinging on my neck while she's facing the camera and smiling. Pero yung eyes nya namamaga. Umiyak sya nun dahil mamimiss nya daw ako. Haha. I miss them.

Ang sumunod na picture ay yung kaming tatlong magkakapatid, napagigitnaan nila ako. Si Nico na two years younger than me ay naka-akbay sakin. Pareho kaming nakatingin sa bunso namin na si Natalie na nakatakip ang dalawang kamay at naka lean sa balikat ko. Umiiyak. Haha.

Gusto ko silang tawagan kaso walang signal. Kung pupunta naman ulit ako sa parang, baka may makakita sakin dahil magtatanghali na at marami nang tao sa labas. Lalo na't Sabado. Next time na lang siguro.

Magtatanghali na ng makabalik si Oyang mula sa pangangahoy. Tumulong ako ng konti sa paghahanda ng tanghalian yung hindi ko kailangan gamitin ang mga paa ko. Dahil gumagaling na at ayaw ko naman biglain. And I still can't believe na nasugatan ako.

"Mag-iingat kayong dalawa ha. At ikaw naman Oyang, magpaka jintilman ka naman kay Tasyang. Wag mo hayaang magkasugat ulit, at ikaw ang susugatan ko sinasabi ko sa'yo." natawa ako sa bilin ni ante tuya.

"Wag po kayong mag-alala. Magiingat po kami."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man ako magpapakuha ng picture. Alam daw ni Oyang kung san yun e.

"Oyang. Ano bang klaseng mga lugar ang gusto mo?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Tahimik." sagot nya. Waah I still can't get used to this. But I'm glad he's improving.

"Hmm. Ako rin e. Gusto ko rin ng tahimik. Lalo na kapag gabi. Gustong gusto ko ang gabi. Kaso nga lang kapag tinamaan na ako ng mga malulupit kong imagination, nako magpapanic ako." pagkekwento ko. "Nae-enjoy ko ang dilim. Pero kapag naaalala ko ang mga horror na napanood ko, goodluck na lang sakin. Minsan nga nagt-toothbrush ako noon sa harap ng salamin sa lababo. Tapos bigla kong naalala yung annabelle. Alam mo yun? Yung sikat na doll sa conjuring? Di ko na natapos pagt-toothbrush ko at kumaripas ako ng takbo papunta sa sala kung nasan si mama at papa." natawa ako sa alaala na kinikwento ko.

Napatingin ako ng makitang napatawa ng konti si Oyang.

(≧∇≦)

Gosh. Simpleng pag ngiti nga lang nya, nakakapag patunaw na. Yang tawa pa kaya nya? This is a miracle. Yess! Unti unti ko na syang napapalapit sa akin!

"Naalala ko pa minsan Oyang, nasa kama ako sa kwarto ko tapos biglang may umihip na malakas na hangin. Jusko kabadong kabado ako, nagpailalim ako sa kumot ko. Tinawagan ko yung--" kapatid ko. "yung mama ko para puntahan ako sa kwarto. Di ako makakilos sa takot nun e. Pano ba naman, naalala ko yung insidious. Yung scene na may aninong naglalakad sa labas ng bintana nila. Kaya ayun. Nasigawan ako sa cellphone. Para daw akong timang. Natatakot sa wala. Nagsayang din daw ako ng load para lang tumawag. Nasermunan pa ako." napakamot ako sa ulo ko ng maalala ang mukha ng dalawa kong kapatid na parang sila ang panganay at hindi ako.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon