Kabanata 10
"I want us back."
Natulala ako sa narinig ko kay Sean. Maya-maya pa ay natawa na lamang ako.
"Isang taon na ang lumipas, Sean. Is this part of your game again? Sorry but I'm not interested with your shits anymore" akmang isasarado ko ang pinto nang pigilan niya ako. Nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Hindi ko 'yon binigyan ng kahit anong dahilan.
"Should I call the guards, Mr. Romero?" I did my best to make my voice sound formal. Mukhang nagtagumpay naman ako dahil nanlaki ang mata niya sa paraan ng pagsasalita ko.
"Please Lois. Give me another chance. Nagbago na 'ko. I can prove it. Gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang sayo na mahal talaga kita. What do you want me to do? Ligawan ka ulit? Assurance? Should I earn your trust again? Gagawin ko lahat Lois. Gagawin ko kahit ang imposible huwag mo lang akong alisin sa buhay mo."
"First, bihira ako magbigay ng second chance. At sa kaso mo, hindi kita bibigyan 'non. Second, wala ka dapat patunayan dahil hindi ako interesado. Third,hindi ko kailangan ng assurance dahil ngayon pa lang, I'm already assured that you won't do anything good to me. Fourth, my trust is only for those who deserves it and you don't. Fifth, you're already out of my life one year ago."
"In short, hindi mo na kailangan manligaw dahil hindi ako tumatanggap ng manliligaw na dati nang nanligaw pero niligaw lang ako."
"Lois—
Wala na akong narinig pa nang mabilisan kong isinara ang pinto. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata saka huminga nang malalim. Ayoko na. Pagod na ako. Tama na yung isang beses akong nagkamali. Ayoko nang maulit pa 'yon.
Tamad kong inabot ang cellphone ko sa bed side table saka pinindot ang lock button para i-decline ang tawag. Hindi ko alam kung anong oras na ako natulog at wala pa atang tatlong oras at may nambubulabog na sa'kin.
"Damn it," bulong ko nang makakatulog na sana ako ulit nang may tumawag na naman. Paniguradong si Kersley lang naman to.
Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag. Ni-loud speak koi yon at nilapag sa tabi ko bago muling pumikit. Hinintay kong may magsalita.
"Sigurado ka bang ito angg number niya? Walang nasasalita e,"
"Iyan 'yon. Mauna ka na kasing magsalita," rinig ko sa kabilang linya ang boses ni Shanaiah. Ang hindi ko kilala ay ang unang nagsalita.
"Sino ka bang istorbo ka? Bawal istorbohin ang tulog ko. Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na bago ko pa ibato ang cellphone ko."
"It's Von, Amethyst." Von?
"Von? Von Dutch? Yung clothing brand? Next week pa ako magsho-shopping." Pikit kong sabi. San naman nakuha ng Von Dutch ang number ko?
Von? Teka.
"Lienzo?" sabi ko ulit sa kabilang linya. Ang tanga lang Lois. Seriously? Von Dutch? What's wrong with you?
"Dati enervon, ngayon naman Von Dutch?" nasundan pa 'yon ng tawa niya. Tss...
"Ano bang kailangan mo?"
"May emergency. Hindi kasi na-save yung video clip ng kissing scene natin kagabi kaya pumunta ka na dito."
"What the hell!" agad akong napabangon sa narinig. Ang sarap magmura! Ibig sabihin uulitin na naman?
Pinatay ko na ang tawag at agad naligo. I thought it was still early! 5pm na pala!
BINABASA MO ANG
Burning ROSES (ON-GOING)
Ficção AdolescenteRoses are RED... Violets are BLUE... Let us be together... And I'll stay with you FOREVER... Roses are Red... Violets are BLUE... Play with your feelings... That's how I'll break you... She is Lois Amethyst Endrina. Keep her or break her?