"Bhe, alam mo namang mahal na mahal kita at ipaglalaban kita sa kahit sinong aapi sa'yo, pero tingin ko wave na natin white flag natin this time. Wala tayong laban doon."
Yapos ako ni Jem habang nag-aabang ng Grab namin sa labas ng office. Uwian na hindi pa rin kami maka-recover sa mga ganap ngayong araw.
Ang ex-girlfriend ni Sir Chuck ang kaka-promote lang namin na Deputy General Manager. The boss of the boss' boss – ika nga ni Ana Grey sa Fifty Shades.
Ini-shake off ko ang arms ni Jem na nakabalot sa akin.
"Bhe, 'wag ka ngang O.A. diyan, wala naman akong balak 'di ba? Ikaw 'tong kung ano-anong pinagsasasabi sa akin na kesyo may gusto sa akin yung tao, obviously wala naman."
Wala naman talaga kasi. Kakatapos ko lang sa isa, papasok na ulit sa masalimuot na mundo ng pag-ibig? Pahi-pahinga rin.
Humarap ako kay Jem at nilagay ang mga kamay ko sa baywang ko.
"Jem, utang na loob kasi tigilan mo muna ang pambubugaw sa 'kin, hindi pa ako ready. Wala pang kapasidad ang puso ko para magmahal ulit."
Humarap ako sa kalsada habang hinahanap ang cellphone ko.
"Nasaan na ba si manong driver, sabi kanina three minutes nandito na."
Sakto may sasakyang tumigil sa harap ko at binunggo ako ni Jem sa likod na parang tinutulak na ako para sumakay.
Taragis na 'to ayaw magsalita, pwede naman magsabi ng maayos.
I tried opening the passenger side pero naka lock ang door, heavily tinted ang kotse so 'di ko makita ang driver. Kinatok ko ang bintana.
"Pa-open po manong."
Nag-click open ang pinto at sinabihan ko si Jem.
"Doon ka na sa likod maupo, una ka namang bababa."
Si bakla ang bagal kumilos so pumasok na ako sa kotse at nag-seatbelt. Paglingon ko sa labas nandoon pa rin si Jem at nakatayo ng tuwid na tuwid. Ngumunguso siya sa akin pero 'di ko maintindihan so binaba ko ang bintana ng kotse.
"Hoy sakay na. Anong inaantay mo diyan?"
Umubo si manong driver so napalingon ako.
Hindi siya si manong driver.
Oh My God.
Kill me now.
"Hi ma'am. Saan po tayo?"
Nakatingin sa akin si Sir Chuck at nakangiti.
Dahan-dahan akong lumingon kay Jem at bumulong ng "Help."
Napangiting aso si Jem nilagay ang kamay niya sa noo niya na parang masakit at tumingin sa likod niya sa building namin. Bigla siyang tumakbo palayo sabay sigaw, "May naiwan ako sa itaas! Mauna ka na!"
Iinilabas ko ang ulo ko sa bukas na bintana.
"Hoy! Bumalik ka dito!"
Napaatras na lang ako nang unti-unting tumaas ang bintana ng kotse, automatic akong napa-sorry sabay bitaw sa bintana.
Bigla ko lang na-realize na nakasakay ako sa kotse ni Sir Chuck at isinara na niya ang bintana so anong dapat kong gawin? Napalunok ako at habang medyo shaky pa ang kamay pinindot ang release ng seatbelt ko, bago pa mag-retract no'ng seatbelt biglang lumitaw ang kamay ni Sir Chuck at pinigilan ito. Hinatak niya ulit ang seatbelt at ibinalik sa pagkaka-lock.
Napalingon na lang ako sa kanya at napanganga pero sabi niya lang, "Safety first."
Nakatingin na siya sa kalsada at umandar na ang kotse sabay sa pagkakarinig ko ng pag-click ng locks ng doors.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...