Chapter 7

66 10 1
                                    

"Try mo kaya lumaklak ng realidad. – Starting all over again"

Kinabukasan mejo lutang pa rin ako sa mga naganap, hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero tingin ko wala naman akong magagawa, siguro kung ako weird ang ugali sa mga ibang bagay, baka sya naman may ka-weirduhan ring tinatago. Anyway, I really don't care, okay na yun, wala naman ako dapat pake sa kung anong problema nya. Move on na din, back to regular programming.

"Good morning, Olga." Napalingon ako sa likod ko nang may nag-greet sa akin. Si May.

Huminga ako ng malalim at hinarap sya, plastered my most convincing fake smile and said, "Good morning, May."

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa braso, "I'm so sorry kahapon ha. I mean, that must have been hard for you to see, kung dati worlds apart na kayo ni Sir Chuck e ngayon universes na ang gap nyo. I feel so sorry for you."

Ay, hiyang hiya naman ako sa babaeng to. Ako rin, I feel so sorry for her poor neglected eyebrows – parang gubat na sa kapal. Sing kapal ng mukha nya para kausapin ako ng ganun e di naman kami close. Pero since nasa office kami and I'm nothing if not professional so I need to play this little game every now and then.

I shook my head, "I don't know what you're talking about." I looked around, "Pero I actually don't have time to chat, marami pa akong trabaho, I'll talk to you later." Sabay layas. Wala akong panahon sa'yo 'te, utang na loob, don't me.

Pag dating ko sa cubicle ko kinuha ko yung stress ball ko at pinagpipisil ko ng paulit ulit, iniimagine ko yung mukha ni May habang nilalamutak ko yung bola. Nung satisfied na akong hindi ko sya sasabunutan pag nakita ko sya I opened up my laptop and started working.

Habang nag-gagawa ng panibagong spreadsheet for my monthly report, nag-ping ang notifications ko sa cellphone. Habang tinitigan ko ang phone ko nag-replay sa utak ko yung kanta ni Sara Bareilles na Gravity – yung may mga taong parang may invisible thread na nakakabit sa puso mo, na pag akala mong nakakalayo ka na ng konti nandun na naman sila sa kabilang dulo hinahatak ka pabalik. Yun ang feeling ko ngayon habang tinitingnan ko ang friend request sa akin ni Kenneth.

Remember him? Siya ang ex-boyfriend kong bukod sa in-unfriend ako, binlock pa ako sa Facebook. So kung ako ang babaeng matino ang pag-iisip, syempre ang sagot ay no, no, hell no! Itinakwil na nga ako at kulang na lang ipa-blotter ako sa barangay, diba? Yun ay kung matino nga ang pag-iisip ko – e hinde. Pero syempre nasaktan ako kaya kailangan ko munang linawin ang utak ko bago mag-pasya, for now, bahala ka jan mag-antay ng acceptance ko, pag-iisipan ko pa kung kelan, baka bukas ganern.

Kaka-trabaho ko nalimutan ko ang pag-kain at 12:30pm nang nakita ko ang orasan – syet nalimutan ko na naman kumain. At ang magaling kong kaibigan di manlang ako tinawagan, so kinuha ko ang wallet ko at pumunta sa elevator, sumakay ako at pinindot ang 7th floor para makapunta sa canteen. Nasa 10th floor pa lang ako nag-open na ang doors at bumulaga sa akin ang napaka-pogi pero napaka-weird naming IT Manager. Pagkakataon nga naman.

Nagbuntong hininga lang ako at umurong palayo sa buttons sa elevator dahil alam kong dun sya papunta, tiningnan nya lang ang buttons pero hindi nya pinindot. Pareho kami ng floor na bababaan. Dammit.

Kung napaka-friendly nya sa akin nung mga nakaraang interactions namin (except yung una), napaka-cold naman nya ngayon. After nyang makitang ako ang sakay ng elevator, di na sya ulet tumingin sa akin. So anong gagawin ko diba? Imbes na mag-iwasan kami ng tingin I took the opportunity para titigan sya ng malupet. Naka-white longsleeved shirt sya na naka-tuck in sa dark grey pants, ang shirt nya nakafold sa napaka-masculine arms nya. Alam mo yung arms na sobrang toned pag gumagalaw sya nag-sstretch ng very light ang shirt nya over his defined muscles. At ano pa ba, syempre naka-tuck in diba? I can't help but check out his ass. Hindi ko napigilan, napalunok ako at tumingin sa reflection nya sa elevator para tingnan ang reaction nya, pero hindi pa rin sya nakatingin sa akin. Bakit ang gwapo mo? Leche ka.

Tinigilan ko na ang pagtitig sa kanya at tumitig na lang sa reflection ko sa elevator, maayos naman itsura ko, naka-wrap up dress ako today hanggang tuhod ko pero pag naglalakad ako ng mabilis mejo nagssplit ang hem ng damit ko at may lumalabas na legs. Sa ibabaw naman hindi sya sobrang skandalosa pero hapit kaya na-eenhance ang size B kong boobs at nagmukhang mas maliit ang bewang kong naka-slimming corset sa ilalim. Mejo hirap huminga pero tiis ganda guys.

Biglang nag-ding ang elevator at naunang bumaba si Sir Chuck, nag-buntong hininga ako ulet bago sumunod sa kanya sa canteen. Marami pang tao pero nakaupo na sila, kami na lang ang nahuli so magkasunod pa rin kami sa pila. Paglingon ko sa tables at hinahanap ko si Jem nakita kong nakangiti sa akin si May at tumitingin sa akin at kay Sir Chuck. Taragis talaga tong babaeng to, tumalikod ako sa kanya at humarap sa pinagpipilian kong pagkain. Sa bwisit ko kay May hindi ko napigilan mapabulong, "Ano masyadong juicy ang buhay ko at gusto mong pakielaman? Get a life bitch."

"I'm sorry?" napalingon ako kay Sir Chuck na nakatingin na sa akin at parang naiirita rin.

Dahil hindi maganda ang araw ko, di ko na rin napigilan ang pagka-pikon at tingin ko mag-uulam ako ng patola, umirap ako at tumingin sa kanya, "Narinig mo ba pangalan mo? Hindi kita kausap."

Natawa sya, pero sarcastic na tawa, "Sorry, I forgot you're a little loopy and you talk to yourself."

Hawak hawak ko na ang tray ko na walang laman at sa bwisit ko nawalan ako ng gana kumain so habang binabalik ko ang tray ko sa lalagyan, "You know what? I lost my appetite."

Tumalikod ako at bumalik sa direksyon ng elevator.

Tangina, gutom ka na nga ganun pa ang mga makikita mo, bwisit diba? Di bale na lang magutom wag lang makasalamuha ang mga lintek na taong yun. Pagsakay ko ng elevator pinindot ko ang 14th floor button at pinagpipindot ang close button para magsara na agad ang elevator, pasara na ito nang biglang may humarang na kamay sa pinto napaatras tuloy ako. Bumukas ulet ang pinto at sumakay si Sir Chuck na nakatitig sa akin.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon