Nakasandal ako sa elevator wall nang sumara ang mga pinto at naiwan na kaming dalawa ni Sir Chuck sa loob. Hindi sya gumalaw sa pagkakatayo nya sa elevator, nakatailkod sya sa pinto at nakaharap sa akin. Tinitingnan ko sa ibabaw ng ulo nya ang floor number hoping na bumilis ang takbo ng elevator para makababa na ako. Pero potah, pano ako makakababa e nakaharang sya sa pinto.
Mag-excuse me ba ako? E tangina galit nga ako diba?
Itulak ko sya? E wala naman akong upper body strength.
Nakatayo lang sya dun at nakatingin sa akin.
After ten years nag-ding na ang elevator at nag-signal na dapat na akong bumaba. Tinulak ko ang sarili ko palayo sa dingding ng elevator para mag-side step sa kanya at makalabas pero bigla nyang inabot ang buttons ng elevator at pinindot ang 40th floor – ang top floor ng building namin.
Nanlaki ang mata ko sa kanya pero wala syang reaction – NR? Langya kikidnapin na ako NR lang ganun? Sumara ulit ang pinto at napakaswerte naman na walang tao na nakakita sa amin. Huminga ako ng malalim at tinulak sya sa dibdib with all my very weak arms.
"Hoy! Anong tingin mong ginagawa mo? Kidnapping 'to ha!"
"One, you're not a kid. Two, I'm not holding you against your will." Sabay turo sya sa pinto.
"But I hope you'll stay because I just want to talk." Parang biglang nag-soften ang features nya at nag-relax so nagrelax na rin ako ng very very light at sumandal ulit sa dingding pero ini-cross ko ang arms ko sa dibdib ko.
Syempre akong gaga hindi ko naisip na yung action na yun e mag-pu-push pa lalo ng susey ko sa dress ko, napalingon sya sa dibdib ko pero inalis nya agad ang pagkakatingin at umatras rin sya. Napa-side step ako nang bigla syang tumabi sa akin sa pagkakasandal sa dingding, pareho na kaming nakaharap sa pinto at nagtitinginan kami sa reflection namin.
After a few minutes ng walang salitaan umirap ako sa reflection nya sa wall ng elevator, "Ano? Gusto mo akong kausapin diba? Tapos di ka magsasalita diyan."
Napangiti sya, "I don't scare you." It wasn't a question so hindi ako sumagot.
"It's refreshing." Ngumiti ulit sya at tumingin sa ceiling.
Huminga sya ng malalim at nag-salita, "I don't like leaving things unsaid that's why I followed you." Tumingin sya sa akin through the reflection sa elevator. Hindi ko na alam ang floor namin kasi ayokong sirain yung moment.
Nagpatuloy sya, "I hate getting into scandalous situations, I don't like confrontations but I can't help but say something when I heard you whisper earlier."
"We didn't end on very friendly terms nung hinatid kita sa bahay mo so I want to clear the air between us." Finally humarap na sya sa akin at tiningnan ako sa mata, "I like talking to you, you're different..." nag-roll lang ako ng eyes ko – different means weird in my vocabulary, pinitik nya ang braso ko to get my attention at tumingin ulit ako sa kanya, "that was a compliment." At binigyan nya ako ng isang pamatay na smile. Panty = laglag. Pucha, di dapat madistract, kailangan naming ayusin ang usapang to.
"So, bakit ka biglang naging cold nung hinatid mo ko? Hindi ko maintindihan e, may nasabi ba akong hindi maganda?" I've been racking my brain para maintindihan pero parang wala naman akong maisip na nasabi ko na pwede syang ma-offend. Yung 'sir'? Bakit naman diba? Sir naman talaga sya.
Ni-cross nya ang arms nya sa dibdib nya at sinandal nya ang right arm nya sa dingding, "When you're dating the boss's daughter then you get promoted, it's very easy for people to judge that you got to where you are because you're connected and not because you're competent."
Light bulb. Now I know why nagalit sya sa akin, akala nya inaasar ko sya sa pag-kakakuha nya sa position nya is dahil GF nya yung anak ng may-ari ng company.
Napapikit na lang ako at narealize ang pagkakamali ko. I pinched the bridge of my nose at nag-re-ready nang mag-apologize nang naramdaman kong hinawakan ni Sir Chuck ang kamay ko para ilayo sa mukha ko.
He's smiling, "I realize now that you didn't mean that an insult and you were just being your funny self. Sorry, sore spot sa akin yun. My reaction caused this confusion between us."
Naisip ko lang at this moment na sobrang na-misjudge ko si Sir Chuck, he's not Mr Yabang. He's humble and understanding – ako lang tong gaga at reaktibista. Wala na lang akong nasabi kundi "Sorry."
Sa sobrang pagkakatitig sa akin ni Sir Chuck di ko na-realize na hawak nya pa rin ang kamay ko and now he's stroking my palm with his thumb. Para akong nakuryente at nagtayuan lahat ng balahibo ko sa braso paakyat sa ulo ko, feeling ko nangapal yung tuktok ko at namula yung mukha ko kaya binawi ko yung kamay ko at umatras.
At dahil awkward my go to reaction is manakit, hinampas ko ang braso nya, "Okay na tayo Sir Chuck. Wala na yun."
Bumalik sya sa position nya earlier at sumandal sa dingding, nakaharap sa pinto.
Nag-ding ang elevator at nasa top floor na kami, dali dali kong pinindot ang 14th floor at sinara ang pinto. Nang sumara na ulit, bumalik rin ako sa pwesto ko sa tabi nya, mejo komportable na pero lintik na hand holding yan, naguluhan tuloy ako.
We stayed there in comfortable silence habang nag-sstew sa utak ko ang mga pangyayari lalo na ang paghawak nya sa kamay ko.
After a lot of floors down nagsalita ulit sya, "What time are you getting off today?"
Nag isip ako kung matatapos ko yung report ko ng five, "Baka mag-extend ako mga 6pm, why?"
"Just thinking if I could give you a ride home. Para di ka na mag-Grab." Magkatinginan kami sa salamin.
"Teka, pano mo nga pala nalaman ang address ko?" Parang alam ko na ang sagot pero syempre di ako mag-assume kasi napakagaling ko sa pag assume diba?
Ngumiti lang sya, "Being an IT Manager has it's perks."
"OMG stalker much?" biglang nag-ding ang elevator at nasa 14th floor na naman kami.
Pababa na ako nang sinabi nyang "I'll see you at 6?"
Sa other side ng door bumulaga ang mukha ng pinaka-swerteng chismosa sa buong mundo – Si May. Hindi na ako sumagot at naglakad pabalik ng cubicle ko.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romantik"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...