Chapter 9

56 9 1
                                    

After a grueling five hours naka-survive na naman ako sa trabaho at sakit ng ulo. Nalipasan kasi ako ng kain - inuna kasi ang landi. Nag-ayos na ako ng gamit at pumunta na sa elevator, nagulat ako nang nakaabang si May dun kasama ang mga alipores nya. Nag-light up ang mukha nyang espasol nang makita akong papunta ng elevator. Gago talaga to, narinig sigurong sinabihan ako ni Sir Chuck na magkita kami ng 6pm. Di naman ako nag-confirm ah.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari kaya ayoko muna yatang sumama sa kanya, naguguluhan yung utak ko.

Dinedma ko lang sila at tumabi para mag-abang ng baba ng elevator.

"So, san ang lakad mo Olga?"

Pigil na pigil talaga ako umirap, "Going home, kayo?"

Nagpaka-inosente sya, "Oh really? Wala kang date? Sayang naman ang dress mo, ganda pa naman, bagay na bagay sayo."

Kung pwede lang magpaka-bitcheta kanina ko pa ginawa pero I reined in my temper at sumagot with a smile on my face, "Seriously wala. Pero thanks for noticing my dress – sale ko pa nakuha to."

Tumango lang sya at tiningnan ang kasama nya, they giggled. Giggled! Gigil tuloy si ako.

"I kind of heard na you have a date, are you sure wala?" She keeps pressing and I'm losing my patience.

I looked her dead on the face, "I think I would know if I have a date diba? That's pretty basic."

She senses my annoyance so in the true fashion of a contrabida, she insists, "Oh c'mon Olga, I heard Sir Chuck ask you out earlier. Don't deny it. I'm pretty sure nasa lobby na sya waiting for you."

I bit my lip to avoid saying something nasty, I really really want to though. Lalo sumasakit ang ulo ko sa babaeng to.

I shook my head at her, "I don't know what you're saying. Maybe you heard wrong, that's what happens when you listen to other people's conversations."

Epic fail ang pagpigil ko ng galit. Tangina. Keber na.

Imbes na mainis sya napangiti pa, because she knows she's getting on my nerves. I need Jem. Stat.

At parang isang miracle nag-ring ang phone ko at tinawagan ako ni Jem, agad kong sinagot ang cellphone ko, "Hello?"

"Hello yourself." Yun ang laging sagot sa akin ni Jem.

Dinedma ko na ang "mean girls" sa paligid at saktong dumating na ang elevator, at bilang may kausap ako sa cellphone hinayaan ko na silang sumakay at nagpaiwan muna ako sa floor namin. Nakasimangot na sumakay sila May sa elevator at kinawayan ko pa sila nang magsara ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako, "Naka leave ka pala bakla, kaya pala nagdidilim ang mundo ko."

"Ang drama. Bakit ano bang nangyari jan?"

Umiling na lang ako, "Bukas na natin pag-usapan, sakit na ng ulo ko e. Bakit ka napatawag?"

Tumawa sa kabilang side si Jem, "May tumawag kasi sa akin, nakikipaglaro." I rolled my eyes, talandi talaga tong kaibigan ko.

"Sino na naman yan? Bago mong boylet?" Pinindot ko ang elevator ulet nang mejo nakababa na ng ilang floors para siguradong di na babalik sila bitchetang May.

Tumawa ulet si Jem, "Hindi ganung laro, iba. Pass the message."

Nagtaka lang ako, "Ano? Panong pass the message?"

"Ang sabi sa akin ng caller ko kani-kanina lang, sa parking ka raw bumaba para dun kayo mag-kita. Baka raw kasi maging uncomfortable kang sa lobby kayo magkita."

Napanganga lang ako, seriously? Tinawagan ni Sir Chuck si Jem?

"At bago ka magtanong, ako ang tinawagan nya para hindi mo raw sabihin na stalker sya. Sabi ko nga ako ang i-stalk nya hindi ako magrereklamo." Tatawa tawa si Jem habang hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nya. Bigla rin akong nakaramdam ng galit, "Ano susunod lang ako sa utos nya? Sino ba sya?"

Nagbuntong hininga si Jem, "Sinabi ko rin sa kanya yan Bes, di naman ako totally bugaw so mejo nag-keme muna ako, sabi nya naman gusto nya lang mag-sorry dun sa nangyari kanina at alam nyang hindi ka rin nakapag-lunch so sya daw ang taya sa dinner."

Huh.

"If ever daw na ayaw mo, it's okay raw. He'll be waiting in the basement parking until 7:00 pm, if you don't show up he won't take it against you." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Jem so speechless lang ako, nagulat na lang ako biglang may nag-sslow clap sa kabilang linya.

"Bes, pinabibilib mo ako ha. Manager? Seriously? At isang nilalang na hindi mo alam na nag-eexist before ang nahuhumaling sa'yo ngayon? Ganda ganda ng bestfriend ko."

Hindi naman lingid sa kaalaman kong napakaswerte ko nang nagsabog ng kagandahan e nakasalo ako ng konti – okay, more than konti pero yun ang hindi ko matanggap minsan, bakit kahit maganda ka, mabait ka, mapagmahal ka, iniiwan ka pa rin. At putanginang pag-ibig yan, kumakatok na naman e hindi pa nga ako tapos pagsarahan ang huli kong naging boyfriend. Actually nag-paparamdam sya ulet pero in fairness maghapon kong hindi naisip ang friend request nya sa Facebook.

"Teka lang, Jem. Ang ibig mo bang sabihin ako ang mag-dedecide kung hahayaan ko syang mag-antay dun sa baba? Kahit na alam kong hindi ako pupunta dun? Hindi naman masama ang ugali ko beh, sabihan mo na lang sya na umuwi na dahil mag-Grab na lang ako." Sa sobrang weird nitong situation at sa ayaw kong mapabalitang nakiki-third wheel sa Manager at ang bago naming GM, iiwas na lang ako. And honestly? Lintek ang kilig ko kanina nung hawakan nya yung kamay ko. Tingin ko di makakasurvive ang puso ko pag nahulog ako sa kanya. Sigurado wala na namang sasalo sa akin. Tanginang buhay yan.

"Edi ikaw mismo ang magsabi sa kanya, tapos na akong maglaro ng game na ito. Nagiging boring na. Send ko sayo number nya. Ktnxbye."

"Hoy!" leche binabaan ako.

Habang inaantay ko ang pagsesend ni Jem ng number ni Sir Chuck sa akin, nag-ding ang elevator at pumasok ako sa loob. Tinitingnan ko ang buttons at nag-co-contemplate kung "G" para sa lobby or "B" para sa basement ang pipindutin ko. Nag-di-ding na ang elevator at parang minamadali na ako mag-decide, at dahil wala pang text na pumapasok sa cellphone ko pinindot ko ang "B", hindi ko sya kayang iwan dun para mag-antay sa akin ng isang oras so if hindi maise-send sa akin ni Jem ang number nya, I need to tell him personally.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon