Naubos na ang lipstick ko kakakagat ng labi ko sa nerbyos, nakita ko ang reflection ko sa salamin at inayos ko ang itsura ko. I finger combed my hair, removed excess lipstick from my lips, straightened my dress at inayos ang collar para di masyado kita ang cleavage.
Nang makarating ako sa basement tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring message. Langya to si Jem. Bumaba na ako ng elevator at naglakad, paglingon ko sa kanan may naka-hazard na kotse, nanghihina yung tuhod ko pero naglakad pa rin ako palapit sa kotse nya. Sumilip ako sa bintana sa driver's side, hindi sa passenger side para di ako matempt sumakay kung sakali, kumandong sa kanya pwede? Heh! Lintek na utak to.
Nakayuko sya at binabasa ang phone nya nang kinatok ko ang window sa side nya. Napalingon sya at damn yung ngiting yan. Syet. Alam mo yung ngiti ramdam mo sa buong katawan – as in buong katawan pati sa anek. Tumibok beh.
Binaba nya ang window at inilabas ang arm nya at pinatong sa bukas na bintana, "Hi."
Oh my God, mali ata ang desisyon ko. Dapat iniwan ko na lang tong poging mokong na to dito. Mejo breathy yata ang pagkakareply ko ng "Hi" kaya lalong lumaki ang ngiti nya.
I'm sure alam nya ang effect nya sa girls na pinagpapakitaan nya nitong side na to, he's always so serious sa office, ni hindi nga ngumingiti kaya pag ganito ang mood nya parang ang sarap nyang kausap, parang feeling ko ang special special ko kasi pinapakitaan nya ako nitong side nya. See? Kaya ayaw ko syang makita ng personal kasi nagkakaganito ako.
Ini-shake ko ang ulo ko para makapag-focus ako sa task on hand – sabihin sa kanyang inappropriate na sumabay ako sa kanya at mag-G-Grab na lang ako pauwi.
Bumukas bigla ang pinto nya at umatras ako, bumaba sya at hinawakan ang strap ng bag ko, "Let's go, I owe you lunch." Sabay tingin sya sa relo nya, "Sorry, dinner na pala."
I know I'm such a girl for saying this pero there's something about a man risking looking whipped para lang matulungan ka sa bitbit mo, he took my bag in his right hand while his left hand touched the small of my back and guided me to the passenger side.
Pasensya na at wala akong masyadong self control, at sa totoo lang tingin ko kailangan ko talagang maupo kasi nahihilo na ako hindi ko alam kung sa gutom or sa sobrang pagtibok ng puso ko. Kailangan ko yata ulet ilagay ang ulo ko sa gitna ng legs ko, kaya lang naka-dress ako parang ang sagwa yata tingnan.
Pinag-buksan nya ako ng pinto, at umupo ako sa passenger seat. Pinatong nya ang bag ko sa lap ko nung kala kong tapos na sya at pwede na akong huminga ulet, kinuha nya ang seat belt inextend ito sa harap ko at ni-lock. Kung alam ko lang na magiging ganito kami ka-close di sana nag-toothbrush muna ako bago umalis ng office.
Alam mo yung ibang babae para siguradong hindi ma-tempt na magpakahubadera sa boyfriend nila nagsusuot ng panty na sira or pangit? Yung parang bacon na yung garters? Ang version ko nun is hindi ako nag-to-toothbrush, sigurado yan hindi ako lalapit sa kanya ngayong gabi. Samahan mo pa nang hindi ako kumain ng lunch, edi asido na lang ang nasa tiyan ko. Ngangabash na ako for sure – bungangang amoy basura.
Pagka-click ng lock sa seatbelt ko tiningnan nya ako pero hindi pa umaalis sa harap ko, "Comfy?"
Syempre ngangabash kaya tumango lang ako. Pero yung hininga nya nakakahiya man aminin nilanghap ko talaga, amoy peppermint. Kill me now.
Finally umatras na sya at sinara ang pinto sa side ko, nilabas ko ang hininga kong pinigil. Putangina ang baho ng hininga ko, hinananap ko agad ang bukasan ng bintana para palabasin ang masamang hangin.
Pagsakay ni Sir Chuck, mukha syang nagtataka kung bakit nakabukas ang bintana so sinagot ko sya, "May lamok." Tapos ini-wave ko pa ang kamay ko sa harapan ko. Sana hindi nya naamoy.
"Lamok?" Nakatingin pa rin sya sa akin habang kinakabit ang seat belt nya.
Umirap ako sa kanya, "Lamok! You know mosquito!"
Napangiti na lang sya sa akin dahil alam nyang nang-aasar lang ako kasi napaka-inglisero nya.
"Try mo nga magtagalog ngayon, pag kausap mo ako dapat purely tagalog." I challenged him.
"You think I can't do it?" sabi nya.
"I give you 20 minutes, for sure mag-eenglish ka na by then." Tinaasan ko sya ng kilay.
"Okay, what do I get if I last the entire night?"
Syempre dahil madumi ang utak ko, iba agad ang naisip ko sa sinabi nyang last the entire night. Pero dahil dalagang Pilipina ako (sa paningin nya) nagpaka-inosente ako, "What do you want?"
Innuendo mo Olga. OMG. I can't believe I said that.
Pero imbes na patulan ng isang dirty joke, ngumiti lang sya, "You will owe me a favor – whatever favor I ask for, when I ask for it – non-sexual of course, I'm not a douchebag." Ini-clarify nya nang nanlaki ang mata ko sa "favor" na gusto nya. Langya talaga ang utak ko dun lagi ang punta pag ganitong mga usapan.
Pinagisipan ko muna bago sumagot, anong favor kaya ang kailangan nya sa akin? If ever lang naman na manalo sya, pero feeling ko walang pag-asa tong si Sir Chuck. Hindi nga maka-survive with a few words so I'm sure mag-e-english agad to.
I stuck my right hand out to him, "Deal."
Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko, he doesn't let go when he says, "Wala nang bawian ha. Binigay mo na ang pangako mo."
Napaka-awkward nya mag-tagalog pero sakto ang sinabi. Syet mukhang kakaririn nya ang bet na to.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...