Chapter 11

59 9 2
                                    

Tinititigan ko ang mukha ni Sir Chuck habang namimili sya sa nakakatakam naming pagkain, pero pinipigilan kong tumawa kasi hindi takam ang itsura nya, parang "What the fuck?" ang reaction nya.

"Wh—" biglang natigilan si Sir Chuck nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Itinuro nya ang nasa harapan naming iniihaw, "Ano to?" Nilinaw nya.

Napabuntung hininga na lang ako, sayang yun ah, "Pagkaing pinoy."

Kumuha ng isang isaw si Sir Chuck at inamoy, "Bituka ba to?" In fairness alam nya ang tagalog ng intestines.

Ngumiti ako, "Oo. Isaw ang tawag diyan."

Napalunok si Sir Chuck pero yung lunok na I'm in trouble.

Tumingin ako sa tindera at um-order, "Ate, sampung isaw, limang tenga tsaka dalawang adidas."

Nanlaki ang mata ni Sir Chuck, "Ingles yun!"

Itinaas ko yung palad ko sa mukha nya, "Hinde. Panggalan yun, hindi yun ingles. Wag kang ano diyan."

Nag-isip muna sya saglit tapos ngumiwi. I won.

Ako ang umorder pero di sya pumayag na ako ang magbayad kaya habang inaabot nya ang bayad kay ate naghanap na ako ng upuan namin. May ihaw-ihaw stalls malapit sa bahay namin kaya dumaan muna kami dun dahil hindi pa kami pareho kumakain. Sa totoo lang kanina masakit ang ulo ko pero ngayon mejo okay okay na. Nakakagaling pala ng sakit ng ulo ang pogi.

Umupo si Sir Chuck sa tapat ko na may dalang dalawang lemonade.

Inabot nya sa akin yung juice sabay sabing, "Lemonada." He's so proud of himself.

Uminom muna ako bago nagsalita, "Magaling ka naman pala magtagalog e bakit ka laging nag-iingles."

Nag-shrug lang sya, "Nakasanayan ko na."

"Sa bahay nyo ba lagi kayo nag-iingles?"

Uminom rin sya bago sumagot, "Ang nanay ko lagi nag-tatagalog pero ang tatay ko lagi nag-iingles. Tsaka sa skwelahan namin puro ingles ang salita ng mga kaibigan ko kaya nahawa ako."

Ini-wave nya sa harapan nya ang kamay nyang parang nagbubugaw ng langaw, "Tama na ang pagtatanong sa akin, kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa'yo."

Napalunok ako, "Ako? Bakit di mo ba nakuha lahat ng gusto mong malaman sa..." Anong tagalog ng file? Hmmm...

Nag-aantay lang sya at napa-snap ako ng daliri ko, "Aha! Nasusulat na detalye tungkol sa akin?" hindi sakto pero pwede na.

Napangiti sya, "Ang hirap mag-tagalog ng derecho no? Kala mo ako ang mahihirapan."

Napansin kong di nya sinagot ang tanong ko so inulit ko, "Ano nga? Wag mong ibahin ang usapan. Mejo natakot ako dun ha, pati tirahan ko alam mo kung saan."

Hindi sya nahiya napangiti pa, "Bakit naman? Responsibilidad ko ang malaman yung mga ganung bagay dahil lahat ng detalye ng empleyado ng kompanya ay nakikita ko."

Tinaasan ko sya ng kilay, "Ang ibig mong sabihin alam mo lahat ng address ng mga empleyado?"

Umatras sya at nilagay at nag-cross ng arms nya sa dibdib nya, "Sige, huli mo na ako. Wala akong maisip na palusot diyan. Alam ko kung saan ka nakatira dahil..."

Nag-iisip sya at ako naman e abang na abang sa susunod nyang sasabihin.

Kinakagat nya ang loob ng pisngi nya at nag-co-concentrate sa pag-iisip. Anak ng...

Finally nagsalita na sya, "Pasensya na, hindi ko maisip ang tagalog para dun sa salita kaya sa susunod ko na lang sasabihin sayo."

Ang laki ng ngiti nya, labas ang dimples sabay kuha ng lemonade nya at sumipsip.

Napatingin ako sa langit at nanghingi ng pasensya kay Lord.

Hindi na ako nakapag-salita dahil dumating na ang pagkain namin, oh my gosh. Ihaw. Sana may bahaw ako dito para maitaas ko ang paa ko sa upuan at kumain ng bongga.

Kung gaano ako katakam halos maglaway na ako siya namang takot ni Sir Chuck sa inihahain sa harapan nya. Bilis ng karma. Bwahahahaha!

"Hmmm... sarap." Ang sarap mang-asar.

Mukhang kinakabahan si Sir Chuck, naawa naman ako so ikinuha ko sya ng isang isaw at sinawsaw sa sukang maanghang, tinapat ko sa bibig nya ang isaw sinabi na, "Aaaaa..."

Umiling sya na parang 'no way', nag-tsk lang ako at nilapit pa lalo sa kanya yung isaw, "Nakakahiya naman pinag-aantay mo ako ng ganito. Nangangalay na yung kili-kili ko."

Nag-roll ng slight ang eyes nya pero ngumanga na rin sya, at pinakagat ko sya ng isaw ko. Ano daw?

Kumagat sya ng konti pero nilapit ko lalo yung isaw para makakagat sya ng marami, pinipigil kong tumawa kasi nag-contort ang mukha nya.

Hinawakan nya yung kamay ko palayo sa mukha nya, "Tama na."

Napahalakhak ako, nang mahimasmasan ako nakita kong umiiling si Sir Chuck at umiinom ng lemonade. Sinawsaw ko ulet ang isaw na hawak ko at kumagat ng malaki sabay, "Hmmmm. Sarap."

Tumango sa akin si Sir Chuck na parang tinuturo ang isaw na hawak ko, "Akin yan bakit mo kinain?"

Nag-smile lang ako, "Ano? Susubuan kita hanggang maubos mo? Kumuha ka ng sa'yo noh."

Tumingin sya sa mga isaw sa harapan namin, mejo marami yan pero kaya kong ubusin kung ayaw nya kumain. Pag ganitong gutom ako eh.

Kumuha sya ng isa at isinawsaw sa suka at kumain. Nanlaki ang mata ko. Aba, nasarapan.

Habang ngumunguya sya tinuro nya sa akin yung stick ng isaw, "Sa susunod ako naman mamimili ng kakainan natin ha."

Aba, may susunod? Talaga ba?

Tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi naman ito date so bakit parang feeling ko may something. Asyumera na naman, lintik na buhay to. Tiningnan ko muna sya habang inuubos nya yung isaw na hawak nya. Palingon lingon lang sya sa paligid pero bumabalik rin ang tingin nya sa akin nag-aantay ng sagot. My gosh, I'm in trouble dito sa lalaking to. Hindi ako makakarecover pag nagkataon. Chill lang tayo Olga, kaya mo yan, hindi ka affected.

Ni-flip ko muna ang buhok ko at kumuha ako ng isang isaw at kumagat ng malaki, "Sino naman may sabi sayong mauulit pa to? Nakapagpalibre na ako kaya huli na to."

Tinapon ni Sir Chuck yung ubos nyang stick sa tabi ng plate namin at kumuha pa sya ng isa pang isaw, tumingin sya sakin, "Ako ang nanlibre ngayon kaya ikaw naman ang taya sa susunod."

Nag-eyeroll lang ako, "Bakit naman ako papayag?"

Inubos nya muna yung isaw nya at bigla syang tumayo at nilabas ang cellphone nya nagpipindot ng konti at biglang tumabi sa akin, wala na akong nagawa nung bigla nya akong inakbayan, dinikit ang mukha nya sa mukha ko at nag-selfie.

Tumayo sya at tinago ang cellphone nya sa bulsa nya, "Ayan. Pag hindi mo ako pinagbigyan na kumain ulit sa labas sa susunod, ilalagay ko tong litrato natin sa opisina."

Nakanganga pa rin ako sa kanya. Oh my God! This guy!!!!

Napatayo rin ako pero halos hanggang baba nya lang ako so on my tiptoes dinuro ko yung mukha nya, "Blackmail??? Seriously?"

Ang laki ng ngiti nya at yumuko sya para magka-level ang mukha namin, kinurot nya ang pareho kong pisngi, "May utang ka sa aking dinner tsaka favor. Sorry talo ka."

Face palm.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon