Chapter 12

57 10 0
                                    

Iiling iling pa rin ako habang nasa kotse ni Sir Chuck. Grabe ang ginawa nya ha. Oo nga gwapo sya at napaka-swerte ko na at parang may interes sya sa akin – hindi ko lang alam kung ano yung interes na yun, friends ba o ano? Ayoko naman mag-tanong kaya after today hindi ko na sya talaga kakausapin unless kailangan na kailangan ko lang.

Lintik na yan, may picture kami. Bwisit.

"Hey, don't be a sore loser – I won fair and square."

Nag-muestra ako ng parang "blah, blah, blah."

Natawa sya.

Tumingin ako sa kanya, "Burahin mo yang picture. Machichismis tayo sa office, kung sayo okay lang yan, sa akin hindi. Ang pinaka-ayoko sa lahat yung pinag-uusapan ako behind my back and I already have too much of that kaya please lang."

Napalingon sya sa akin at nag-seryoso, nag-park sya sa tabi at kinuha ang cellphone nya, "Hey, I didn't mean to make you uncomfortable, ginawa ko lang yun para magulat ka at mapa-english. Malapit na akong matalo e kaya I did that. I was desperate." Nag-shrug lang sya at inabot sa akin ang phone nya.

Kinuha ko yung phone kaso naka lock, iniabot ko ulet sa kanya, "Buksan mo."

Sinandal nya ang ulo nya sa headrest ng upuan nya at nakatingin sa akin, "The code is 7147."

Tumango lang ako, "O sya, palitan mo na lang mamaya." Binuksan ko ang phone at tiningnan ang gallery nya. Walang ibang picture nag-iisa lang - yung selfie namin kanina.

In-open ko ang picture at tiningnan, magkadikit ang pisngi namin, naka smile sya pero ako parang chonggong dilat. Kahit na ang sagwa ng itsura ko parang ang cute ng picture namin, napakagat lang ako ng labi ko at iniisip kung anong gagawin ko. Naisip ko lang bigla, sa amin ni Kenneth never syang nag-initiate na mag-selfie, laging ako. Parang sa kanya it's a normal day pag magkasama kami but for me everyday is special and memories should be preserved. I hate na naiisip ko sya ngayon habang tinitingnan ang selfie namin ni Sir Chuck – tangina, Sir Chuck yan Olga, boss yan sa office at ngayon anong gagawin ko? Makikipag-harutan ng palihim? I'm not that type of girl pero I really really want to preserve this memory. Kinuha ko ang phone ko at ni-share ang picture namin.

Paglingon ko sa kanya nakangiti sya, tumingin ulit ako sa phone nya at binura ang picture namin. Binalik ko sa kanya ang phone nya sabay sabing, "I need insurance."

Nilagay nya lang sa bulsa nya ang phone at sinabing, "I trust you."

Aray. Parang na-guilty naman ako dun. Pero nagawa ko na so wala nang bawian.

"Ano na yung pabor na hinihingi mo sa akin?" Kinakabahan ako sa pabor na yan pero wala naman yata sa personality nya ang manghingi ng bastos na pabor.

"Hindi ko pa alam. I'm saving it for a rainy day." Iniandar nya na ang kotse at nanahimik na kaming dalawa. It was a comfortable silence.

Napabuntong hininga na lang ako at napansin na malapit na kami sa bahay, pero nanlaki ang mata ko nang mapansin na may nag-aantay sa akin sa tapat ng bahay namin.

Lalaki.

May hawak na flowers.

Hanep ang timing mo, Kenneth.

Lumingon ako kay Sir Chuck at tiningnan ang reaction nya, parang may hindi sya magandang naamoy at nagsalubong ang mga kilay nya.

Yikes.

Nag-park si Sir Chuck mejo lampas sa bahay namin pero parang sa itsura nya parang gusto nyang magpark sa ibabaw ni Kenneth. Sagasaan ba, ganun.

Nung mag-click ang lock ng kotse nagulat ako nang biglang may nag-bukas ng pinto sa side ko, anak ng pucha naman Kenneth oh. Hello?

"Hi Ma. Late ka na umuwi ah." Ma? Ma-in mo mukha mo! Inabot ni Kenneth ang kamay ko, gusto ko sanang hampasin palayo kaya lang ayoko gumawa ng eksena sa harap ni Sir Chuck.

Binulungan ko sya, "Anong ginagawa mo dito?" Habang lumalabas ng kotse.

"Inaantay ka. Di mo pa in-accept yung request ko sayo sa Facebook." E tangina ini-block mo akong gago ka.

Lumingon ako sa loob ng kotse para magpaalam kay Sir Chuck pero wala sya sa loob, umubo sya sa likod ko at napaikot ako, nagulat ako nasa harap na namin sya ni Kenneth.

Si Kenneth humarang sa unahan ko at di ko napigilan ang pag-roll ng eyes ko, pagtingin ko kay Sir Chuck di sya nakangiti. Di rin sya nakatingin sa akin.

If looks could kill pinag-lalamayan na itong si Kenneth at ako naman tumataya na sa sakla.

Matangkad rin si Kenneth halos hanggang tenga sya ni Sir Chuck, si Kenneth payat – este slim, pero si Sir Chuck parang nag-wo-work out - well built ang katawan, toned, hindi masel-masel.

Iniabot ni Sir Chuck ang kamay nya kay Kenneth, "I'm Chuck – officemate ni Andi."

Hindi kinuha ni Kenneth ang kamay ni Sir Chuck at lumingon sa akin, "Andi??? Kelan ka pa naging Andi? San galing yun?" sabay tawa.

Asshole.

Hindi nagpakita ng galit si Sir Chuck pero parang he stood up straighter, "It's her middle name, Andrea. I call her Andi. Eh yung 'Ma', san yun galing?"

Tumigil sa pagtawa si Kenneth at umatras, inakbayan ako at sinagot si Sir Chuck, "Ma, as in Mahal. Yun ang tawagan namin ni Olga."

Gusto ko masuka ng very, very light. To think na nung kami pa pag tinatawag nya akong "ma" halos maihi ako sa kilig.

"Nung kami pa. Ngayon hindi na." Inalis ko ang kamay ni Kenneth na nakapatong sa balikat ko. Kahit bwisit na bwisit ako kailangan pa ring maging polite at itong si Kenneth hindi manlang nagpakilala ng ayos kay Sir Chuck. Nag-gesture ako kay Sir Chuck na tinuturo si Kenneth, "Sir, si Kenneth nga pala, ex ko."

Bago pa makasagot si Kenneth nang ikakapahiya ko inunahan ko na sya, tumingin ako kay Sir Chuck, "Salamat sa ride Sir. I'll see you at work."

I was silently asking him to get the hint at umalis na dahil gustong gusto ko nang sigawan tong si Kenneth at parang na-gets naman nya dahil tumango lang sya at sumakay ng kotse.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon