Hindi pa nakakalayo si Sir Chuck at hinarap ko si Kenneth, "Anong ginagawa mo dito? Sinong may sabi sayong okay lang na puntahan ako dito ng walang pasabi?"
Napaatras si Kenneth pero inilagay sa harap ng mukha nya ang flowers na parang nagtatago, pa-cute ang pucha.
I rolled my eyes, "Hoy, wag kang mag-pa-cute diyan di bagay sa'yo." Sabay hawi ng bulaklak.
Nagbuntong hininga sya, "Ma naman, hindi mo ba ako na-miss?"
Napahawak ako sa dibdib ko, offended, "Ako? Ako talaga ang tatanungin mo nyan e ikaw itong nakipag-break sa akin?"
Napalingon ako sa kalsada kung saan dumaan ang kotse ni Sir Chuck at nanghinayang sa pagkakataon pa na makausap sya kung wala lang dito itong bwisit kong ex, lumingon ulit ako kay Kenneth, "Ano nga ang kailangan mo? Pagod ako kaya gusto ko nang magpahinga."
Nag-cross si Kenneth ng arms nya sa harap ng dibdib nya, "So totoo nga, may iba ka na. Yun ba yung pinagmamalaki mo? Yung naghatid sayong naka kotse?"
Sa pagkakataong ito natutuwa ako kahit papaano kasi na-re-realize ko sa sarili ko na naka move on na ako kasi imbes na kiligin ako sa pagiging protective at pagiging possessive sa akin ni Kenneth, naiirita ako sa pagiging feeling nya. Na feeling nya may karapatan pa syang magalit eh sya naman ang nakipaghiwalay sa akin. Naiisip ko lang rin kung gaano ako kagaga para ma-inlove dito kay Kenneth, daig pa ang kiddie pool sa pagkababaw.
Ginaya ko ang pwesto nya at nagcross rin ng arms sa dibdib ko, "First of all, break na tayo so kung ano man ang gawin ko at kung kanino man ako sumama wala ka nang pake dun, you waived your rights na mag-ma-asim diyan nang winasak mo ang puso ko. Second, wag mong pagdiskitahan na may kotse yung kasama ko dahil lalo kang nagmumukhang insecure. Third, iuwi mo na yang flowers mo dahil mabubulok lang yan sa kwarto ko."
Tinalikuran ko si Kenneth at pumasok sa loob ng gate namin.
Mic drop.
Lagi pag umuuwi ako galing trabaho nanonood ako ng favorite movies ko, parang stress reliever ko sya after a long day at the office. Pero tonight? Parang wala akong gana, heto ako nakahiga sa kama nakatingin sa ceiling. Ang tumatakbo sa utak ko ngayon na parang scenes sa movie ay ang moments na kasama ko si Sir Chuck.
I think I passed the point of not being creepy nung inilabas ko ang phone ko at tinitigan ang picture namin habang iniisip sya.
Inilagay ko ang cellphone ko sa tapat ng puso ko, bahala nang matamaan ng radiation yan or kung ano mang masamang signal.
Iniisip ko kung nag-imagine lang ba ako or talagang nag-linger ang kamay ni Sir Chuck sa kamay ko nung inilayo nya ang isaw na pinapakagat ko sa kanya. Wow! Pag nagka-anak na kami ang ikkwento kong unang meal naming dalawa ay isaw at Adidas. Insert eyeroll here. Talagang magkaka-anak agad? Di ba pwedeng syotain muna? Hay, kung ano anong napag-iisip ko, asyumera na naman baka masaktan ulet. Ang hirap lang hindi ma-fall lalo na kung binibigyan ka ng atensyon, kahit anong iwas siguro ang gawin ko kung sya mismo hindi titigil sa pagpapansin sa akin hindi ko na rin mapipigilan. Tao lang.
Habang nag-iisip isip biglang nag-ring ang cellphone ko – si Jem. Napangiti ako.
"Bakla?!"
"Babaeng bakla!" Natawa ako, yan ang lait sa akin lagi ni Jem, pechay lang daw ang lamang ko sa kanya.
"Kakauwi mo lang?" tanong ni Jem sa akin.
"Hay naku Bes, hindi mo alam kung gaano kalala ang nangyari sa akin ngayong gabi." So itinuloy ko na at kinwento kay Jem ang mga nangyari sa akin. Tapos na akong mag-kwento di pa rin nag-re-react si Jem so mejo nagtataka na ako dahil ang bestfriend ko reaktibista, tsaka hindi sya nagtatanong – this is so unlike him.
Nang hindi na ako makapagtimpi, "Hoy Jeremy! Anong ginawa mo ha? Umamin ka na sa akin!"
Nagbuntong hininga si Jem sa kabilang line, "ah eh..."
Napaupo ako sa kama ko, "Magsalita ka na, kundi pupuntahan kita sa inyo!"
Yan ang pinaka-ayaw ni Jem, na pumunta ako sa bahay nila kasi kahit alam naman sa kanila na beks sya hindi ibig sabihin nun na pwede syang lumantad pa nandun ang tatay nya.
"Oo na eto na, wag ka ngang manakot diyan."
Huminga ng malalim si Jem, "Nag-message sa Facebook ko ang ex mong ulupong at sorry kung pinangunahan ko na, pero na-excite ako nung malaman kong lumabas kayo ni Sir Chuck – wag ka munang mag-react diyan basta alam kong sumama ka kay Sir Chuck – anyway, nabanggit ko sa ex mong bungol na may date ka kaya di ka makakauwi ng maaga. Hindi ko naman alam na mag-pupunta agad sya sa bahay nyo kaya sorry na bes, ang haba ng hair mo talaga, ganda ganda ng kaibigan ko..." Tuloy tuloy na yung pambobola nya pero pano ba naman ako magagalit sa ganun diba? Excited lang naman sya para sa akin at sa totoo lang kinikilig rin naman ako kaya hindi na ako magpapaka-ipokrita at magagalit sa kanya.
"Oo na, oo na. Sige na hindi naman ako galit. Nagtaka lang rin ako kung bakit biglang sumulpot si Kenneth dito sa bahay. Sana binalaan mo ako dahil hindi ako prepared."
Feeling ko naka-pout sa other line si Jem so napapangit na lang ako, "Sorry bes, hindi ko naman alam na susugod sya diyan. Pina-mukha ko lang sa kanya na hindi ka nag-aantay para bumalik sya at madali kang nakahanap ng kapalit. Much better pa sa kanya."
Sobrang pre-emptive etong best friend ko pero in fairness I understand at kung sa kanya man mangyari to malamang pareho lang ako ng gagawin.
"Fine. Okay na. Wag ka nang sumimangot diyan."
I can feel his smile sa other line, "Love you baks."
"Love you too."
"So..." panimula ulet ni Jem.
"So?" may idea na ako sa kung anong gusto nyang sabihin pero gusto kong manggaling sa kanya yung tanong para di ako magmukhang asyumera.
"...mauulit ba ang date nyo ni Sir Chuck?"
Napakagat ako sa labi ko, date ba yun? I shook it off, "Hindi date yun Jem, pero kung gusto nyang maging friends kami okay lang naman. Napaka-normal nya palang tao kala ko cannot be reached eh."
Tumawa si Jem, "Ah edi magandang balita yan, ang magkakaibigan may phone number ng isa't isa diba?"
Hmmm... "Yes, tama yun, bakit?"
"Dahil kung okay lang sayo maging friends ni Sir Chuck hindi ka magagalit na binigay ko number mo sa kanya. Ktnxbye."
Click.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...