Chapter 15

82 9 3
                                    

"Okay, stand there. One foot there, one foot here."

"Okay. You're acting like a crazy person, what's going on?"

"Okay, right now you're straddling on state line."

"Okay?"

"You're in two places at once."

Saturday ngayon so nag-bi-binge watch ako ng Nicholas Sparks movies habang lilingon lingon sa cellphone kong hindi na nag-beep simula kahapon. Di na ulit nag-text si Chuck and hindi na rin ako nag-attempt na sumagot dun sa huli nyang message.

Naka-focus ako sa movie na pinapanood ko at nagpupunas pa ako ng luha nang hinatak ni chang ang earphones ko, "Olga, may bisita ka."

Napabalikwas ako sa higaan ko at agad na sumilip sa pinto ng kwarto ko, "Sino chang? Ano daw pangalan?" Nagpa-palpitate na ako at mejo nagpa-panic dahil mukha akong bagong gising sa suot ko. Si chang naka shorts and t-shirt, ako ang suot ko ay yung paborito at gula-gulanit kong purple na daster – kumportable sa pagtulog e bakit ba?

Habang binubuksan ni chang ang kurtina ng bintana ko sumagot sya, "Kenneth daw."

Ugh. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at nilagay ulet ang earphones ko, "Pakisabi po masama pakiramdam ko." Mas importante sa akin ngayon si Mandy Moore at si Shane West.

Hinatak ulet ni chang ang earphones ko, "Wag kang bastos sa bisita, may dalang bulaklak e harapin mo na."

Naupo ako sa kama ko, "Chang, alam nyo bang ginawa sa akin nyang gagong yan? He broke my heart." Hinawakan ko pa ang tapat ng puso ko for effect.

"Ang mga lalaki nagkakamali talaga yan, hindi naman maiiwasan. Ang kailangan mong hanapin ay ang lalaking marunong tumanggap ng pagkakasala at humingi ng tawad." Oh how I wish it was that easy.

Huminga ako ng malalim at tumayo para buksan ang pinto nang pigilan ako ni chang, "Hoy Olga, magpalit ka muna, nakakahiya yang suot mo."

"Hayaan nyo sya chang para mahiya at umalis na agad." Never akong humarap kay Kenneth ng hindi ako maayos na maayos, syempre nung kami pa andun pa kami sa stage na I needed to look my best para di sya tumingin sa iba. Kahit nga bra't panty ko laging terno pag nag-de-date kami – you'll never know, diba?

Paglabas ko ng kwarto I'm pretty sure may guhit guhit pa ang mukha ko at para akong labandera dahil naka-messy bun lang ang buhok ko sa ibabaw ng ulo ko pero keber na. Para rin makita ni Kenneth na wala na akong intensyong magpa-ganda sa kanya, para mawalan na rin sya ng gana sa akin.

Hindi pa ako nakakarating ng sala sumisigaw na ako ng "Anong ginagawa mo na naman dito?"

Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko kung sino ang nakaupo sa sofa namin, may bouquet of roses sa lap at nakangiting nakatingin sa akin.

Tumayo sya, "Hi Andi."

Hindi ako nakasagot at tumakbo pabalik ng kwarto ko.

After what seemed like ten and a half years lumabas na ako ng kwarto ko, pagsilip ko sa sofa nandun pa rin si Chuck kausap ang chang ko.

"Pagpasensyahan mo yung pamangkin ko, kakaiba talaga yang batang yan."

Ngumiti lang si Chuck, "Wala po yun, sanay na rin po ako kay Andi."

"Andi? Andrea?" Tanong ng chang ko kay Chuck.

"Opo. Olga Andrea po ang pangalan nya diba?"

"Oo nga, hindi lang ako sanay na may tumatawag sa kanyang Andi o Andrea. Olga kasi talaga ang tawag namin diyan."

Ngumiti lang si Chuck kay chang and I swear parang nag-blush ang tita ko, may pinagmanahan talaga ako ng landi eh, nag-shrug lang si Chuck at sinabing, "Tingin ko po kasi mas bagay sa kanya yung Andi."

Parang naramdaman nya na nakatingin ako dahil biglang napatingin sa akin si Chuck sabay ngiti.

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa salas kahit na the last thing na gusto kong gawin ngayon ay harapin sya after ng kagagahan kong ginawa kanina. You have to understand, yung damit ko kanina mukha nang basahan sa nipis, naka-bra naman ako pero yung walang padding kaya mukhang malungkot ang susey ko at flat dahil sa non-form-fitting daster kong paborito.

Tumayo si Chuck at chang nang makita akong parating, "Andyan na pala si Andi." In-emphasize ni chang ang bago kong nickname.

Napangiwi ako dahil siguradong yan na ang itatawag sa akin ni chang pag alis netong si Chuck, pagkaalis ni chang naupo kaming dalawa ni Chuck. Inabot sa akin ni Chuck ang bouquet ng white roses na dala nya.

Nakasimangot ako nang kinuha ko ang mga bulaklak, nagtaka naman si Chuck at tinanong ako, "Why the long face? Aren't you happy to see me?"

Tumingin ako sa kanya habang nilalaro ang mga petals nung bulaklak, "Sobrang appropriate ng dala mong flowers."

He gave me a questioning look. Nagbuntong hininga ako bago sinabing, "Sakto tong flowers sa pinaglalamayan kong dignidad." Sabay tinakip ko nag bouquet sa mukha ko.

Literal na mamamatay ako sa kahihiyan sa nakita nyang itsura ko kanina, as in sumisikip yung dibdib ko at feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko at tumatayo lahat ng buhok ko sa ulo. Nangangapal yung mukha ko at batok.

He laughed and pulled my hands away from my face, hindi nya binitiwan ang mga kamay ko habang sinasabing, "You overreact all the time and it's super weird, pero I think mas weird that I find that endearing."

Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko, "Oh God, please stop saying nice things to me. I can't take it. Change topic! Now na!"

He laughs and lets go of my hands, "Okay. Okay."

I sigh and looked at him, "Bakit ka nandito? May pa-flowers ka pa."

"I just wanted to see how you're doing, you didn't respond to my last text message so..."

Nakatingin lang ako sa flowers at nag-pretend na interesadong interesado ako sa petals nito. Nagbuntong hininga sya bago sinabing, "And I would like to claim my favor."

Napalingon lang ako sa kanya, "Ano?"

He smiles, "May utang ka sa akin diba?"

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon