Nasa canteen kami nang halos hindi makakain si Jem sa kaka-nganga sa akin habang nag-k-kwento ako sa nangyari sa akin. Apparently ako ang magiging plus one ni Chuck sa wedding ng cousin nya a month from now, which means I have one month para magmukhang ka-date-date at karapatdapat na isama ni Chuck sa kasalang yun.
Iniikot ikot ko ang spaghetti sa fork ko nang biglang tumayo si Jem at nag-slow clap, nakatingin sya sa akin at proud na proud, binitiwan ko ang fork ko at hinatak ang braso nya pababa.
"Gago ka ba? Pinagtitinginan tayo ng mga tao." Pagalit kong ibinulong sa kanya.
Hinawakan nya ang dibdib nya, "I cannot, friend. I'm so happy for you."
Nag-eyeroll lang ako sa pagddrama nitong baklang 'to, hindi ko rin alam kung anong mararamdaman pero for sure hindi sya masamang feeling.
Even after all the good things that's happening I can't explain the feeling of dread in the pit of my stomach, na parang may mangyayaring hindi ko masyado magugustuhan at kahit na masaya ang maghapon ko hindi mawala wala ang feeling na yun. Sabi nga ang mga babae may women's intuition kaya malakas ang pakiramdam sa mga bagay bagay, kaya di na masyado ako nagulat nang dumating ang alas tres ng hapon at biglang may kumatok sa cubicle ko. I looked up and fought a grimace nung nakita ko ang pekeng ngiti ni May.
I smiled at her kahit na ngiting aso, "Hi May. How can I help you?"
Tumingin sya sa cubicle ko at pinunasan ng daliri nya ang divider sabay pahid ng daliri nya sa pants nya with an 'ew' look on her face, "You should have this cleaned Olga, mejo madumi na eh."
I forced another smile, "I'll call the janitor pagka-alis mo. Now, what do you need? May mga gagawin pa kasi ako."
Then she did the unthinkable, something that no Rank and File employee should ever do to her ka-level na Rank and File employee, she puts up her index finger and crooks it at me and she says, "Follow me."
I stare at her retreating back and talagang pinigilan kong ihagis ang mabigat kong stapler sa ulo nya. Tarantado to, ano ako aso?
Pero pinigilan ko pa rin ang galit ko habang sumusunod ako sa kanya, habang naglalakad kami nagpplay sa utak ko ang mga gusto kong gawin sa babaeng to: 1) Pakainin sya ng Samyang x 4 habang nakatali ang kamay nya sa likod nya para maramdaman nya ang sakit sa dila ng mga maaanghang na salitang binibitawan nya. 2) Ipapakagat ko sa aso naming may rabies ang daliring ginamit nya para i-beckon ako kanina. 3) Gusto kong hiramin yung Black Quill sa Harry Potter para ipasulat ko dito kay May lahat ng masasamang sinasabi nya tungkol sa ibang tao tapos mag-buburn sa balat nya lahat para mag-ingat na sya sa susunod sa sasabihin nya.
Sa kaka-imagine ko di ko namalayang nasa office na kami ng Deputy General Manager.
Wait.
What?
Ngumiti sa akin si May at binuksan nya ang pinto, nag-gesture sya na parang go on inside so pumasok naman ako.
Nakatalikod si Deputy GM, also known as Chuck's ex at parang may kausap sya sa cellphone nya habang nakaharap sa bintana nya overlooking the city. I took the opportunity para pag-aralan ang kwarto nya at OMG, ganito ang office ng mga boss? I've never been inside one so mejo in awe ako sa ganda, nagmukhang bahay ng gagamba ang workstation ko sa laki ng office nya. May mini library sa may left side kung nasaan ang three piece couch with a small coffee table, may mga plants rin ang fresh flowers sa bawat kanto ng kwarto. Her table is white, mejo industrial ang style kasi metal ang frame, pati ang chair nya pure white. Pagtingin ko sa kanya she's still talking on the phone pero mahina ang boses so I can't hear what she's saying. She's wearing a white long sleeved blouse tucked under a black pencil skirt, she has her hair in a loose bun. Jusmio, likod pa lang wala na akong panama dito.
I look at my clothes and kung alam ko lang na makakaharap ko sya ngayon di sana nag-effort rin akong mag-ayos diba? Ang suot ko lang is my wide legged pants, cropped button down floral blouse at nagpatong lang ako ng cardigan. I look fine but no match for her designer outfit. Nagbuntong hininga na lang ako at nag-antay.
Nag-antay pa ako habang parang tangang nakatayo dun kasi syempre di naman ako in-invite maupo so antayin ko na lang kung anong kailangan nya sa akin.
Finally, she ends the call pero hindi pa rin sya humarap sa akin, she put the cellphone under her chin lost in thought.
Mag-aantay ba ako dito maghapon? Halos ten minutes na akong nag-aantay ah.
Finally, naglakas na ako ng loob at nagsalita, I cleared my throat, "Uhm Ms. Montes? You asked for me po?"
She whirled around na parang nagulat at may tao dun, she put a hand over her chest, "Oh my God, what are you doing in here?"
Napaatras ako na parang sinampal, at lumingon ako sa pinto sa likod ko, I put my hands up, "Ay so sorry ma'am. May told me you..." Ano nga ba? Wala namang sinabi si May na kailangan ako ni Ms. Montes. Shit.
She composed herself at nag-cross sya ng arms nya sa dibdib nya. Tangina.
She nodded to my direction, "So, you come in here without knocking?"
Parang nag-dry ang lalamunan ko pero I still try to explain, "Si May po ang nagpapasok sa akin Ma'am. I should've waited outside sorry po." I hate this feeling na parang nag-eexplain ako wala naman akong kasalanan, malay ko bang kailangan sa labas ako mag-antay diba? Gago lang talaga tong si May at pinahamak na naman ako, humanda sya sa akin paglabas ko dito.
She studies me at parang nung narealize nyang mukha naman akong harmless bigla syang nag-deflate at sumalampak sa upuan nya at sinabing, "See. That's why I need an assistant."
Inaayos nya ang mga papeles nya sa table nya at parang nagbago ang buo nyang demeanor, parang bigla syang nag-relax.
She continues, "I miss meetings, I misplace documents, I receive visitors without appointments..." then she looks at me like 'exhibit A'.
Napangiti na lang ako sa kanya and feel a bit sorry for her pero di ko pa rin ma-gets kung bakit ako nandito kaya nagtanong na ako, "Sorry for what's happening ma'am pero gusto ko lang po i-clarify kung bakit ako nandito?" I roll my eyes a bit, "pero kung prank po ito ni May then I'm really, really sorry. I'll make sure I talk to her after I leave your office."
She laughs pero it seems sad, nag-lean back sya sa chair nya, "I need an assistant, Ms. Martinez and I think you'll be perfect."

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...