Chapter 17

47 7 2
                                    

I'm still sitting in my cubicle, staring at nothing for the past hour. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, parang after sabihin ni Ms. Montes (AKA ex ni Chuck) na kukunin nya ako as her assistant parang wala nang pumasok sa utak ko. Puro muffled words na hindi ko na naintindihan, may sinabi pa yata syang promotion? Pero hindi ko talaga na-absorb. Ni hindi ko pa nga kinukwento kay Jem, nag-text rin yata si Chuck pero hindi pa ako nakakasagot.

Yun pa ang isang bagay na nakakakaba, alam kaya ni Ms. Montes na 'friends' kami ng ex nya? Is that the reason kung bakit ako pa ang napili sa dinami-rami ng empleyado dito? At tsaka si May, anong kinalaman nya dito? Gusto nya ba akong ipamukha sa akin na hindi kami bagay ni Chuck kaya gusto nya mas mapalapit ako sa katotohonang yun? Tae sya kung ganun.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para akong masusuka na hindi ko maintindihan.

Pinuntahan na rin ako ng boss ko dito sa pwesto ko para magtanong kung anong pinag-usapan namin ni Ms. Montes, at para akong robot na sumagot. Nginitian nya lang ako at sinabi yatang I deserve it.

Tangina. I like drama. I live for it – but this? Ayoko ng ganito.

Nagpapadyak akong parang bata sa pwesto ko habang ginugulo gulo ang buhok kong gusto kong bunutin mula sa anit sa sobrang gulo ng utak ko. Buti na lang napigilan kong umiyak at sumigaw.

"May clinic tayo, baka gusto mong dun mag-seizure." Paglingon ko nakangiti akong pinapanood ni Jem. Di ko napigilan, tumayo ako bigla at hinatak ang braso nya papunta sa pantry. Palinga-linga ako sa office namin para i-check kung may nakakakita sa amin. Pagpasok namin sa pantry naupo ako at hinatak si Jem para tumabi sa akin.

Dun lang napansin ni Jem ang panic sa mukha ko kaya hinawakan nya ang magkabila kong braso at sinabing, "Bakit? Anong nangyari? "

Kinakagat-kagat ko ang labi ko nang nakatingin kay Jem habang nag-iisip kung paano ko uumpisahan.

Binitiwan ako ni Jem at ipinatong nya ang mga kamay na sa kamay kong nakapatong sa lap ko, nun ko lang napansin na nag-bo-bounce up and down pala ang tuhod ko sa nerbyos.

Sabi ni Jem, "Hinga ng malalim bes."

Sinunod ko sya.

"Jem..."

Tumango lang sya sa akin at nag-antay ng paliwanag ko.

Deep breath ulet, then "Ako na ang bagong assistant ni Ms. Montes." Kinagat ko ang labi ko sabay sabing, "...starting tomorrow."

Napaatras si Jem na parang sinampal ko, nanlaki ang mata nya, ngumanga na parang may sasabihin, nagbago ang isip, isinara ulit ang bibig. Bumuka ulet ang bibig, sara ulet. Repeat until fade.

Eto yung mga panahong kailangan mo ng tunay na kaibigan, kasi sila yung magpapalinaw ng utak mo. Yung magsasabi kung ano ba ang dapat mong gawin. Yung mga taong mas kilala ka pa kesa sa sarili mo, makakapagbigay ng fair assessment ng situation at hindi mahihiyang isampal sayo ang katotohanan na alam mo rin naman pero ayaw pakinggan.

Ngayon ko lang na-realize na ang bestfriend ko ay walang kwenta.

Ayan nakanganga lang, pabuka buka ang bibig na parang isdang nilabas mo sa tubig.

Hinampas ko ang hita ni Jem, "Hoy! Ako yung may problema pero ikaw yung natulala jan. Moment ko to, wag mo agawin."

Nag-eyeroll lang si Jem at nag-isip ulit.

Sumandal lang ako sa upuan at tiningnan sya, at naisip kong kahit na wala syang masabi, yung presence nya palang ay nakakakalma na and maswerte rin naman ako sa kaibigan kong ito.

Tumingin sya akin at sabay tanong, "So, tinanggap mo yung position?"

Natawa ako ng konti, "Ano tatanggihan ko? Eh si Ms. Montes mismo ang kumausap sa akin."

Napanganga ulet si Jem.

Naku po matutulala na naman ito, so bago pa sya makapagreact ng bongga iniurong ko ang upuan ko para halos magkabungguan na yung tuhod namin, "Beh, andami kong tanong. Naguguluhan ako."

Nag-soften si Jem at alam kong concerned rin sya sa akin, "Okay lang yan Bes. Try mo na lang, kayang kaya mo naman yung trabaho. Yung pakikitungo lang naman ang i-a-adjust mo eh."

Tiningnan ko ang mga kamay ko na nasa lap ko nang sumagot ako kay Jem, "Pano kung apihin ako dun? Anong gagawin ko? Ayoko namang mag-resign dahil lang diyan."

Hinawakan ni Jem ang mga kamay ko, "Ano ba yan, hindi ka naman siguro aapihin. Hindi naman natin alam kung bakit ikaw ang napili eh. Subukan mo muna para rin maimbestigahan mo kung anong naging criteria nya sa pagpili ng assistant. Tsaka sa totoo lang Bes, isa ka sa pinaka-masipag na taong kilala ko kaya hindi naman malayong makasama ka sa pinag-pilian nila."

Pagtingin ko kay Jem nakangiti sya sa akin, naiiyak tuloy ako.

Nanlaki ang mata nya, "Hoy wag kang umiyak. Sampalin kita eh."

Pero nakita kong naiiyak rin sya, ayaw nya lang ng drama kaya iniiwasan nya ako.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang gilid ng mga mata ko, tapos tumayo ako at sumunod na rin si Jem, bago kami makalabas ng pantry tinanong ako ni Jem, "Nakausap mo na ba si Sir Chuck?"

Bigla na naman akong nanghina kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya or kung hahayaan ko na lang bang malaman nya through the office memo na for sure eh gigil na gigil gawin ngayon ni May. Hindi ko pa pala nakakausap rin yung bruhang yun – that's the one thing na na-eexcite akong gawin pag nandun na ako sa office ni Ms. Montes, babara-barahin ko sya at hindi bibigyan ng appointment kay madam.

Lumingon ako kay Jem habang naglalakad pabalik sa cubicle ko, "Tingin mo ba kailangan kong sabihin? I mean, syempre magka-trabaho kami and wala naman yata syang pakielam dun kung malipat ako. Parang napaka-unprofessional kung sabihin ko sa kanya ng hindi pa na-aannounce."

Ngumiti sa akin si Jem, "Ayan. Kaya ka nila nagustuhan para sa posisyong yan kasi kahit na lovelife mo na ang nakasalalay napaka-professional mo pa rin."

Inirapan ko lang sya, "Professional ba yun, sinabi ko nga sayo eh."

Umirap rin si bakla, "Eh ako naman yun, si Sir Chuck kasi boss diba? Parang may kakaiba talaga pag sayo nanggaling. Tsaka hindi ko alam sa inyo kung ano na bang status nyo."

Nakarating na kami sa pwesto ko at naupo ako dun nang may biglang dumating na lalaking may dalang boxes, "Ms. Martinez?"

Tumuwid ako ng upo, "Yes?"

Ngumiti si Kuya na parang may edad na, pagtingin ko sa likod nya may trolley syang dala, tinuro nya ang boxes, "Ms. Martinez sabi po sa akin dalhan ko daw po kayo ng boxes at trolley para maiayos nyo na po yung gamit nyo."

Nakasimangot akong tumingin kay Jem, "Maya na tayo mag-usap, magliligpit pa ako ng gamit."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon