Chapter 18

52 9 0
                                    


Inter Office memo

From: May E. Roldan

Subject: Organizational Structure

This is to announce the latest organizational movements effective tomorrow, March 20, 2018. Following the promotion of Ms. Claire Montes as Deputy General Manager, Ms. Olga Andrea Martinez is promoted to Executive Assistant to Ms. Montes.

All communications, appointments and reports must be sent to Ms. Martinez for organizing and screening prior to submission to Ms. Montes.

For everyone's information.

***

Hindi ko pa natatapos basahin ang email ko nag-ring na ang cellphone ko, Si Chuck. Shit.

Dahan-dahan akong tumayo sa pwesto ko dahil pupunta sana ako sa pantry para walang makarinig ng conversation namin pero bago pa ako makarating dun ang dami nang taong humaharang sa akin at gusto akong i-congratulate. Sa totoo lang yung iba feeling ko nakikichismis lang, kasi hello naman dalawang taon na ako dito hindi naman nila ako pinapansin tapos ngayon buddy buddy kami ganun? Susmio parang sa pulitika pa lang dito mapapagod na ako.

Sa dami ng gustong kumausap sa akin – feeling ko artista ako na maraming fans na gustong magpa-picture – nagstop na ang ringing ng phone ko.

Mamaya ko na lang sya kakausapin pag wala nang tao, wala na akong nagawa kundi bumalik sa pwesto ko para magtuloy ng pag-aalsabalutan. Nakaka-dalawang box na rin akong nakaligpit na boxes na puno ng documents na itu-turnover ko sa Junior Associate namin na papalit sa pwesto ko. Bukas naman kailangan ko siyang turuan ng mga ginagawa ko rito para walang mapabayaang trabaho pag-alis ko.

I spent the rest of the afternoon teaching my replacement sa mga tasks ko, organizing my files, putting my personal stuff in boxes, cleaning up and realizing halos wala pala akong dadalhin dun sa bago kong pwesto – it feels so weird. Parang pinalayas ka na wala kang pwedeng bitbitin kundi kung ano lang ang suot mo, ang sabi rin sa akin hindi ko na dadalhin yung laptop ko dahil kailangan nila yung files ko dito. So I had to clear my laptop of all my personal files. It's like starting over in a new job talaga and I feel mostly sad, baka bukas maging excited na ako pero now I can't help but feel like it's an end of an era and parang dalawang taon ako sa posisyon na to pero ang dali kong palitan.

Nang matapos ako mga alas otso na yata, at may isang malaking box akong kailangan kong iuwi. Shit.

Sumalampak ako sa upuan ko at tiningnan ang napaka-linis kong table at nagpunas ako ng luhang hindi ko alam na nalaglag na pala, dinaanan ako ni Jem kanina pero parang gusto kong mapag-isa para makapag-isip. Hindi ko pa kinakausap si Chuck, tinext ko lang sya kanina to say na wala akong time makipag-usap today. I feel like it's going to be either a really good thing for my career or it's going to be the trigger para mag-quit ako sa trabaho. It's really unclear pa sa akin why I was chosen for that promotion pero sabi nga ng boss ko magaling daw naman ako and I had glowing recommendations from most of the Marketing Managers kaya ako ang napili. I don't want to sell myself short pero I can't help but think that there's a different reason why.

I sigh.

I guess I have to learn na mag-ingat starting now until I know kung ano ba talaga ang dahilan and that's also the reason kung bakit hindi ko ini-confront si May paglabas ko ng office ni Ms. Montes.

Gaga talaga yung babaeng yun, ipapahamak pa ako sa pagka-walang manners nya. Gaga ko rin naman at hindi ko naisip na hindi kami parehong kumatok bago pumasok sa office ng DGM. I shook my head para mawala ang cringe-worthy moments kanina, "Engot, engot ka talaga Olga."

Tumayo ako, nilagay ang bag ko sa balikat ko, yumuko at binuhat ang kahon na dapat kong iuwi, mabigat sya ha in fairness.

Naglakad ako papunta sa elevator at kaka-try kong pindutin ang down button at bilang wala akong upper arm strength nawalan ako ng grip sa box at nalaglag ang box sa sahig with a big thump.

Buti na lang naiiwas ko ang paa ko kundi ang ganda ng first day ko sa bago kong trabaho. I threw my hand out at sumigaw ng "Great!".

Yumuko ako at lumuhod habang pinag-pupupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig, at dahil baliw baliwan na naman nag-kakakanta ako sa sarili ko habang nagpupulot,

"Di biro ang sumulat ng awitin para sayo

Para akong isang sirang ulo, hilo at lito

Sa akin pang minanang piyano

Tikladoy pilit nilaro

Baka sakaling merong tono

Bigla na lang umusbong..."

At dahil nakalimutan ko ang lyrics, nag-hum hum na lang ako.

"Tungkol sa hmmm... hmmmm... chenes charot charot

Chenelyn gomburza nang tono

Chinenes nang diksunaryo..."

"Are those the lyrics?"

Sa gulat ko, napaikot ako at nabitawan ang hawak kong paperweight na babuy at nag-kalas kalas ang mga piraso nito't kumalat sa sahig. At dahil bwisit na bwisit ako hindi ko napigilang lumapit kay Chuck at hinampas ang braso nya ng paulit-ulit, "Bwisit ka! Lagi mo na lang akong ginugulat!"

Nakatayo lang sya dun, naka-cross ang mga arms sa dibdib nya at no reaction, nakatingin lang sya sa akin habang hinahampas hampas ko sya. Nang mahimasmasan ako, yumuko ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko para pakalmahin ang puso kong parang nanoood ng horror movie sa kabog.

Hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakayuko ko nang maramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha ko. Narinig ko lang nagbuntong hininga si Chuck at nagbend ang knees nya at bumaba sya para magkalevel ang mga mukha namin. Hinawi nya ang buhok ko at dun nya lang rin nakita na umiiyak na ako.

Tinitigan nya ang mga mata ko at nagtanong, "Bakit ka umiiyak?"

Naupo ako sa sahig at ginaya nya ang pwesto ko. Pinahid ko ng mga kamay ko ang mata ko habang umiiling iling, "Hindi ko alam."

Nag-cross legs sya sa harap ko, at binunot ang panyo nya at inabot sa akin, kinuha ko yung panyo at nagpunas ng luha, buti na lang hindi ako nag-mascara today kundi mukha akong pulubi ngayon.

Inantay nya lang akong magsalita, pero parang hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya hindi na ako nag-attempt magpaliwanag.

Nakayuko lang ako at nakatingin sa panyong binigay nya, umiiwas ng tingin dahil hindi ko alam kung anong makikita ko pag tumingin ako, excitement? Worry? Or ang pinakamasakit – yung itsura na alam mong tapos na, that's it, goodbye, adieu. And honestly, hindi ko rin alam kung ano naman ang isasagot ko kung sakaling wala syang pake kung ano man ang maging posisyon ko dito, na makakatrabaho ko ang ex nya – gusto ko bang pasukin ang gulong yun?

Naguguluhan pa rin ako nang hinawakan nya ang dulo nung panyo, not touching me at napatingin na ako sa kanya, he's smiling pero I know na hindi yung usual smile na binibigay nya sa akin. Etong smile na to is forced, tina-try nyang maging masaya para sa akin and he finally said, "Congratulations, Andi. You deserve it."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon