I Stole It
written by :
[crazyforhim]
"Sir, diba estudyante nyo ang III-B?" tanong ko kay Sir Jojo habang tinatanggal ko ang mga abubot na nakatali sa buhok ko.
"Oo, bakit?" tanong naman niya pero hindi inaalis ang tingin s ginagawang Powerpoint Presentation.
"Wala naman po ^____^" nakangiti kong sagot
Nandito nga pala ako este kami ng sampu kong classmate dito sa room ng dati naming ICT teacher noong 3rd year highschool kami na si Sir Jojo. Kakatapos lang naming magperform ng intermission number para sa ginaganap na ICT Month Celebration.
Ang section naming ang napili para sa intermission number at kaming sampung magkakaklase ang representative para sa section naming. O diba, bongga ? Syempre talented and IV-A no ! Hihihi :P
"Asus, wala daw" siniko ko si Jessica. Tinawanan lang niya ako.
"Nga pala, sa susunod na araw na yung competition niyo ah ? Kumusta nay un ?" si Sir Jojo. Yung tinutukoy niyang competition ay ang Dancing ICT na sinalihan naming. By section ang labanan. All year levels ay kasama at kami uling sampu ang magwawagayway sa bandila ng section namin.
"Ayun sir, malapit na kaming mamatay I mean matapos" pagbibiro ni Arvin na siyang leader at choreographer ng grupo.
"Nakuu ! Kung alam niyo lang sir kung ilang buto na sa katawan ko ang nabali dahil sa competition na yan" reklamo naman ni Jerome habang inaayos ang pagkakatupi ng manggas ng costume na hanggang ngayon ay suot-suot pa rin niya . Feel na feel ng loko : )))
"Eh sino ba naman kasi ang nagrerequest sa mga makabaling butong mga steps na iyon? Diba ikaw rin? Tapos ngayon, nagrereklamo ka. Kung iuntog ko kaya yang ulo mo sa pader?" sabi ko. Nakasimangot na ako nyan, hindi lang alam XD
"Ang brutal naman nito" sabi ni Jerome habang hawak-hawak ng dalawang kamay ang ulo. As if naman na gagawin ko talaga yun.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig para pumunta sa cr na nasa loob din ng room. Patuloy pa rin sila sa pag-aasaran at paghaharutan.
Papasok na sana ako sa cr nang mahagip ng paningin ko ang isang cabinet kung saan inilalagay ang mga exams, quizzes at notebooks ng mga estudyante ni Sir Jojo na nakaarrange by section. Hindi ko na sana papansinin iyon pero parang umurong pabalik ang ihi ko ng makita ko ang nakadikit na pirasong papel sa upper part ng cabinet at mabasa ko ang "III-B"
"Hmmmm ... Matignan nga "
Lumapit ako sa cabinet at kinalikot ang division ng III-B. Pre-test pa lang ang nakalagay doon. Tinignan ko isa-isa ang bawat papel at kusang tumigil ang kamay ko sa papel ng isang lalaking nagpapatibok ng bata kong puso .. <3
Taray ba?..
Hindi naman diba?.. Natural na iyon sa mga kabataan ngayon. Ang totoo niyan, siya yung first ko eh.
First ano nga ba ?
First . . . guy I'd met?
Hindi.
First . . . classmate?
Hindi rin.
First . . . friend?
Lalo naming hindi. Hindi nga kami close eh. Hahahaha XD
I think the right term is . . . the FIRST guy who captured my heart ^^
Naunahan pa nga ako ng kapatid ko eh. Grade 6 pa lang, kumekerengkeng na, I mean may boyfriend na.
Hindi naman sa walang nanliligaw sa akin. Actually, meron naman. Sadyang hindi ko lang maramdaman sa kanila yung "SPARK" na sinasabi ng iba. Yung tipong ang lakas ng impact niya tignan mo lang siya. Yung tipong makita mo lang siya, masaya ka na. Buo na yung araw mo.
BINABASA MO ANG
I Stole It [One Shot Story]
RomanceNagagawa nga naman ng walanghiyang "PAG-IBIG" pasasayahin ka pakikiligin palulungkutin tatakutin sasaktan paglalaruan gawing manhid ang isang tao gawing martir gawing tanga at gawing .... MAGNANAKAW?! talaga namang "PAG-IBIG" yan. Ikaw na talented !