Chapter 4
Habilis Night
***
Halos isang linggo na din ang lumipas, matapos ang nangyaring away namin kay Phoenix, ang buwisit na lalaking yon! Naging instant prey kami sa ibang estudyante lalo na ang mga estudyanteng babae na patay na patay kay Phoenix. Kami ang binu-bully ng halos buong estudyante sa Fantastic Academy. Minsan nga ay naiisip kong hindi ko na lang sana siya pinatulan. Pero hindi, he deserve that, but we don't deserve this kind of treatment.
"Ang tapang-tapang kasi ng mga losers na yan para kalabanin si Phoenix."
"Oo nga eh, buti nga sa kanila."
"Mga nagtatapang-tapangan kasi."
Naririnig nilang bulungan habang naglalakad kaming papunta sa canteen. Gusto ko silang pag-sisipain sa mga sinasabi nila.
"Orianna stop minding them, they are just a bunch of mesmerize girls of Phoenix ." Sabi sa 'kin ni Cassie. "Let's go baka hinihintay na tayo nila Arzan at Lyra sa canteen." Bahala na nga. Tapos bigla na lang ako hinigit ni Cassie papunta sa canteen habang nakangiti siya.
Nang makarating sa canteen ay nakita namin sina Arzan at Lyra sa table kung saan lagi kaming nagla-lunch. "Guys!" Sigaw ni Cassie at napatingin sila tapos ay kumaway. Kaya pinuntahan na namin sila.
"Hindi na talaga tayo tinigilan ng mga alagad ni Phoenix no." Sabi ni Lyra habang nakain ng spaghetti.
"This is all my fault, sorry guys nadamay ko pa kayo. Sorry talaga." Sabi ko.
"No it's not your fault Orianna, alam naman natin kung sino talaga ang may kasalanan. At si Phoenix yon, wala ng iba pa." Sabi sa 'kin ni Cassie.
"Oo nga Orianna wag mo ng sisihin ang sarili mo, okay?" Napatingin ako kay Arzan ng sinabi niya yon at nginitian ko lang siya. "Good, now let's enjoy the food."
Habang nakain kami biglang may lumapit sa 'min, isang lalaki na naka-salamin, gwapo siya pero hindi ko type. "Excuse me, pwede bang makiupo at makasama kayo sa pagkain." Wala namang problema dun.
"Oo! Sige upo ka!" Biglang sigaw ni Lyra na nakangiti ng sobra 'ata. Ganito talaga ang ugali ni Lyra laging sumisigaw sa pagnagsasalita and always happy and positive, rare mo siyang makikita na gloomy or sad. Pero parang may naamoy akong kakaiba, hindi utot ha! Ang sinasabi kong amoy ay parang may kakaibang pagtingin itong si Lyra sa bagong kasama namin. "What's your name?" Tanong ko sa lalaki.
"My name is Ekko Aund and you should know me I'm one of you classmates. Remember when Sir.Peragon's Welcome party, yung makikipagpalit ka dapat kay Aira Perkins dahil hindi maganda ang pakiramdam mo." Oo nga pala.
"Yes I remember it now." Tapos nabaling ang atensiyon ko kay Lyra. "Lyra kausapin mo naman si Ekko, gusto ka 'ata niyang makausap."
"Huh?! Wa-what?!" Nagulat niyang pakakasabi, natawa tuloy kaming apat nila Cassie, Arzan, Ako at si Ekko sa reaksyon ni Lyra.
"Tayo naman my love ang mag-moment." Nakapwestong payakap at naka-pout pa ang lips ni Arzan papunta kay Cassie pero napigilan ni Cassie yon ng isang uppercut. "Mag-moment ka ng mag-isa!" Nakakatawa talaga sila.
Pero may naisip akong nakakabaliw, si Cassie at Arzan, si Lyra at Ekko, ako? Haaaa! Ayoko! Wala akong pake! Kung wala akong lovelife! Magiging masaya na lang ako para sa mga friends ko.
——
Ito ako ngayon nagpapalit ng damit para sa P.E. class namin. Sana naman wala kaming gagawin na kailangan ng 'powers' kasi wala ako non.
BINABASA MO ANG
Fantastic Academy
FantasiaOrianna Clock a teenager na mayaman at may almost perfect happy life but we all know na walang perpekto sa mundong ito. Dahil sa pagiging curious niya sa mga bagay-bagay, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Napunta siya sa isang mundo na hind...