Maaga ako'ng gumising para maghanda sa aking pag pasok sa trabaho,mahigit isang oras din ang byahe ko mula dito hanggang sa aking trabaho, hindi palang ata ako isinilang uso na ang traffic sa metro manila. Beyte otso anyos na ako ngayon pero wala pa rin napapana si mr,cupido para saken,pero ayos lang madami naman kami sa mundo,kaya nasanay na din ako na walang lovelife.
"Good morning lyn.." Bati ng guard ng kompanya na pinapasukan ko.
"Good morning din po" sabay ngiti ko sa kanilaNarinig ko nag uusap ang mga katrabaho ko tungkol sa bagong pasok,kaya nakisali na din ako sa usapan nila.
"Naku balita ko,pogi daw yung bago naten makakatrabaho ah at binata pa" rinig kung sabi ni kuya ruel
"Talaga ba kuya? Naku malamang masungit yan" dagdag ko
"Hindi mo pa nga nakikita eh,baka pag nakita mo maiinlove ka" sabay tawanan nila, nakitawa nalang din ako,pero sa loob loob ko excited na ako makita yung bagong katrabaho namen.At dumating na nga sya,at tama sila,pogi nga si hect,pero mukhang tama din ako na suplado sya,nung pina kilala sya saken ng visor namin,hindi manlang ngumiti.. Tsk sayang kapogian nya.
"Hi,kamusta? Ilan taon kana? Tanong ko sa kanya
"26" sagot nman nya, ang tipid nya magsalita
"San ka dati nagwork?" tanong ko ulet sa kanya
"paki tingnan nalang sa resume ko" no emotion nyang sagot
"ahh pasensya kana saken" nahihiya kung sagot, na lab at first pa naman sana ako sa kanya pero na paka sungit naman pala nya..
BINABASA MO ANG
Sana ako nalang
General Fictionpano mo masasabi na mahal ka nya,kung sa umpisa palang hindi mo na naramdaman yun sa kanya na mahal ka din nya?