Sana Totoo Ang Lahat.

20 1 0
                                    

  Aaminin ko sa'yo, sa bawat ngiti mo, ngumingiti rin ang puso ko.
At simula nung marinig ko ang boses mo, lagi kong nang hinahanap-hanap ito.
Hanggang... ayun na nga... dumating sa pagkakataong ang puso ko'y naging gulong gulo. Hinde ko alam kung dapat ko bang sundin ang sinasabi ng puso ko o dapat tanggapin ko na lang na talagang hanggang magkaibigan lamang tayo.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na sapat na.
Sapat na ang naging magkaibigan tayo. Sapat na, na naging malapit ako sa'yo. Sapat na nagkaroon ako ng bahagi sa puso mo.
Kahit na alam kong haggang kaibigan lang talaga ako.
Minsan naiisip ko, ano kaya kung lumayo ako? ano kaya kung lumayo na lang ako sa'yo?
Kung umiwas na lang ako sa pagsulyap sa mga mata at ngiti mong bumihag sa puso ko? Mawawala kaya?
Hindi na kaya mahuhulog ng tuluyan sa'yo?
Unti-unti akong nahulog sa'yo nang di inaasahan at di sinasadya.
Sa bawat kamustahan, lalong lumalalim.
Ngunit sa tuwing titingin ako sa posibilidad na maging tayo,
napapayuko na lamang ako,
hanggang ang mga luha ng pilit na paglimot sa'yo ang siyang lumulunod sa puso ko.
Kahit anong iwas na hindi maramdaman ang sinasabi ng puso ko, pilit nararamdaman ito.
Iwasan ko man... pigilan ko man... sadyang hindi ko na maitanggi na ikaw ang sinisigaw ng puso ko.
Mula sa pagmulat hanggang sa pagtiklop ng aking mga mata , ikaw lamang ang nilalaman ng isip ko.
kaya kahit ano pa ang gawin kong pag-iwas sa'yo, malabong mangyari ito.
Sa hangin ko na lamang isisigaw at ipadarama na mahal kita at baka sakaling makarating ito sa'yo.
Unti-unti akong lumingon palayo sa'yo.
Lumakad palayo sa'yo.
At sa bawat hakbang na gagawin ko, kasabay nito'y ang unting-unti paglaho ng pag-asa ko na mamahalin mo rin ako.
Sa huling pagkakataon, sinubukan kong sumulyap sa'yo.
Hindi ko inaasahang nando'n ka't pinagmamasdan ako nang may ngiti sa iyong mga labi.
At habang naglalapit, habang lumiliit ang pagitan ng ating mga mukha, sabay ang pagbigkas mo sa mga salitang matagal ko nang nais marinig mula sayo  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eat This PoemWhere stories live. Discover now