First monthsary namin. I KNOW. ANG KORNI NIYA LANG KASI. Muntik ko pang makalimutan. Huhu. Bad girlfriend. T_T
Binigay niya sakin isang teddy bear na malaki. Tapos may necklace na nakalagay ay letter C. Tapos binigyan niya ako ng tatlong roses. Ang cuuttteeee ng bear!! Pero siya korni. -_- Tapos ako naman walang gift sakanya. Nakakahiya. T_T Pero sabi niya kasi okay lang daw eh. Hehe. Yay.
Mas lalo pa akong naloka dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bear na to para lang maitago k okay kuya. Si kuya kasi, mahigpit. Masyadong protective, ayaw na ayaw may lumalapit saking lalaki. Pero siya naman ang dami dami niyang naging girlfriend eh ang panget naman nun. Ewan ko kung anong gayuma ang ginagamit. Haha! Joke lang!
At nangyari na nga ang kinakakatakutan ko, nakita niya yung teddy bear. Homaygad. Paoline! Ngayon mo gamitin yang utak mo para magisip ng palusot!
“Saan to galing?”
“Binili ko.”
“Ahh.” Mukhang nagdududa pa din. Huhu. T_T “Eh bakit letter C?” shoot. Tinanong niya na nga. Lagot na.
“Ah ano yan. Nakalagay na talaga yan dyan. Oo tama! Nakalagay na talaga yan dyan. Hehe. ^__^”
Mukha namang napaniwala sa palusot ko kasi umalis na siya at hindi na nagtanong pa ng kung anu-ano. Uto uto talaga si kuya. Ang galing ko talaga magpalusot!
*
Valentines Ball. Alam niyo na kung anong ginagawa dito. Yung iba, nagpapaabot ng rose, o kaya nagbibigayan ng chocolates at flowers, yung iba naglalandian sa isang tabi, yung iba HHWW, yung iba talagang mga PBB Teens lang. Kung makapaglandian kahit hindi magsyota wagas-wagasan eh. -_-
May program kami. Pero by classroom yun. Ang napunta samin, magbibigyan ng rose yung magkapartners. Irita. Masyadong charotero yung teacher. -_-
Alam niyo na kung anong nangyari. Binigyan niya ako ng isang rose. Ayiiee. Kinikilig ang lola niyo. Ahihihi XD
Opkers, may problema na naman ako pauwi. Paano ko to maitatabi ng hindi nakikita ng kuya ko. Nagpatulong pa ako kila April (bestfriend ko din) ng palusot na gagawin ko sa kuya ko.
“Ahem! At saan mo naman yan galing?”
“Ah eto ba. Hiningi ko lang to kay April. Ayaw niya kasi hindi niya gusto yung nagbigay. Kaya hiningi ko na lang. Hehe.” Nakakagat labi ako at pasikretong nakacross fingers.
Tinaas niya lang yung kanang kilay niya, tapos umalis na kaagad. YES!!! Ang tanga talaga ng kuya ko! Hahaha!
*later*
BINABASA MO ANG
Oil Pastel: True Story (One Shot)
SachbücherJust another love story.This is true to life, somehow.