Akala ko meron na akong happy ever after. Hindi pa pala. Wala pa pala.
I was force to break up with him dahil nalaman ng kuya ko. Ayoko sana. Gusto kong magalit nun, pero hindi ko alam kung kanino. Gusto kong magalit kay Carl, kahit wala naman siyang kasalanan. Gusto kong magalit kay kuya, pero hindi ko kayang magalit lalo na sa kuya ko.
Kaya sa mismong sarili ko ako nagagalit.
Hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko lang, nagagalit ako pero kanino? Hindi ko naman masisisi yung dalawa, kaya mas mabuti pang sarili ko na lang ang sisihin ko. Choice ko naman to diba? At tsaka hindi ko naman na to mababawi, kasi nangyari na.
Lahat ng nakakaalala sakin kay Carl, inalis ko na sa paningin ko. Yung rose, yung teddy bear, yung necklace, at yung OIL PASTEL.
Ibinalik ko sakanya yung oil pastel ng may nakasulat na ‘SORRY’.
*~*~*~*~*~*~*~*~*
Present...
Habang kinukulayan ko yung poster ko, basang basa yung cartolina. Umiiyak kasi ako habang naaalala ko yung past. Haaayyy. Praning na ako.
Naalala ko yung nangyari nung kanina lang..
~*~*~*~*~*~*~*~*
New flashback (Sunday)
Nagsimba ako ng 2nd mass kasi hindi ako nagising ng maaga para sa first mass, kaya mas naunang nagsimba yung tatay ko. Hindi niya ko ginising eh. -_-
Nung nasa simbahan ako, nakita ko yung dati kong mga kaklase. Nung grade 6 ako. Naghiwa-hiwalay na kami simula nung graduation. Minsan na lang magbonding, kaya sumama ako sa kanilang maglibot after mass.
Kasama na dun si Carl.
Kasama din dun yung bago niyang girlfriend na si Kacey.
Hindi naman ako naaapektuhan since nakamove-on na ako. Wala akong pakialam. Nakamove on na ako.. or not? Who knows.
Natutuwa ako kasi kahit papaano, naging close ulit kami ni Carl kahit may past kami. Binabatukan ko na siya ngayon kahit sa harap ng girlfriend niya. Dati kasi pagkatapos kong makipagbreak, hindi na kami nagusap. Wala na kaming koneksyon simula nun. Tapos yung girlfriend naman niya, medyo close ko na din.
Nung napagod na kami maglibot, kain na muna daw kami sa bahay ng isa kong kaklase. Nung una nga ayokong sumama kasi sabi ko gagawin ko pa yung poster ko, kaso sabi nila minsan lang daw magbonding hindi pa sasama. At tsaka hindi daw nila ako papansinin kapag hindi ako sumama sakanila. Huhu. Bad. T_T
Hindi na sumama si Kacey kasi medyo malayo yung bahay niya. Sabi niya uuwi na daw siya. Tapos naglakad na lang kaming lahat papunta sa bahay nila Carl kasi may dadaanan pa daw siya sa bahay nila, tapos diretso na sa bahay ng kaklase ko para maglunch.
Nung nasa bahay na kami nila Carl, naghello sakin yung mama niya. Kilala ako nung mama niya kasi pinakilala ako ni Carl nung kami pa. At tsaka alam niyang naging kami. Cool ‘tong ng nanay na ‘to, parang bagets eh. Parang kabarkada ko lang din. Haha.
Nagpaalam na kami sa mama niya tapos lumabas na.
“Oh.” Iniaabot niya sakin yung binibigay niya pero hindi ko kinukuha.
“Ano yan?” hindi ko pa din kinukuha
“Oil pastel.” Ito pala yung dinaanan niya pa sa bahay niya..
“Alam ko tanga. Anong gagawin ko dito?”
“Kainin mo.” =_= nagdéjà vu lahat. Same person, but in different time.
“Sapak u want?”
“Ikaw talaga. Bayolente ka na ngayon ha.”
“Eh ano ngang gagawin ko dito?”
“Gusto ko gamitin mo yan sa poster na gagawin mo.”
“Haa? Meron naman ako dun, bakit eto pa?”
“Basta. Gamitin mo na lang.” Kinuha ko na yung oil pastel. Iyon yung pinalit niya sa oil pastel na nahulog sa tubig. Nandun pa rin yung salitang ‘SORRY’.
“Hoy teka, ito yung binalik ko sayo ah. Bakit mo binibigay sakin?”
“Sayo kaya yan."
May sasabihin pa sana ako kaso nga lang nandito na kami sa tapat ng bahay ng kaklase ko. Hindi ko na tuloy natuloy.
Hindi ko na tuluyang natanong sakanya dahil nag-uwian na agad pagkatapos kumain.
Nawala ba yung feelings? Wala na ba kahit katiting lang? Napalitan na ba ng iba? I hope so. Para naman maging masaya ka na, at yung hindi na ako umaasa.
24 color oil pastel. Yung oil pastel na pinagsimulan ng lahat. Yung oil pastel na ipinalit niya sa na hulog na oil pastel sa drum ng tubig. Yung oil pastel na naging dahilan kung bakit naging magbestfriend kami, yung dahilan kung bakit naging kami. Yun din yung oil pastel na naging ang saksi nung naghiwalay kami. Ito rin yung oil pastel na binalik ko sakanya na may nakasulat na salitang ‘SORRY.’
Nagsimula kami sa oil pastel, but we end with the same thing.
*later*
Author's Note:
Hep!! Chill! Meron pa tong epilogue! Mwehehehehe~
BINABASA MO ANG
Oil Pastel: True Story (One Shot)
SaggisticaJust another love story.This is true to life, somehow.