EPILOGUE
Saturday, July 7, 2012, 2:39 pm
From: Unknown
Paoline. Please pagsabihan mo naman yung anak ko. Sayo lang kasi yun makikinig eh.
May nagtext sakin bigla na globe. Sino naman kaya to? Alam talaga pangalan ko ha? Hindi kaya stalker to o rong send lang? Replyan ko nga.
To: UnknowN
Sino po ‘to?
Ayun! May nagreply na. Pagkabukas ko ng cellphone ko. .
Ay anak ng tokwa.
Nakalimutan ko nakaunli nga pala ako. Hindi pala nagsend yung message ko kaya binaha ako ng ‘you don’t have enough load to complete this transaction. Please reload immediately’ na text galing kay 7210. Grabe isang message lang yung nagfailed lima na yung text galing sa 7210. Putek paulit-ulit? Parrot parrot? Alam na nga diba? Nakakabadtrip. -_-
Lumabas ako ng bahay para magpaload ng regular. Kasi nacucurious ako ng bongga sa text na yun. Nung nagreply ako, nagkatext kami. Nalaman ko na mom pala ni Carl yung nagtext kanina at yung katext ko ngayon ay yung pinsan niya.
Nalaman ko na lang na yung mom pala ni Carl yung nagtext sakin. Nung nagpunta ako sa bahay nila, nagkwento agad yung mom niya. Ang sabi, umalis daw si Carl kaninang umaga pero hindi pa rin bumabalik hanggang lunch. Nag-aalala na daw yung mom niya kasi hindi pa siya bumabalik. Sus napakaOA naman. Baka naman naabduct lang yun ng mga aliens o kaya nauntog sa pader kaya nakalimutan umuwi. O baka naman nasagasaan lang ng skateboard tapos ginawang dinuguan ang laman loob.
Sabi pa daw ng kaklase ko, puntahan ko siya sa plaza, kasi nandun daw siya. Pumunta ako.
At nakita ko nga siya, nakaupo doon, nag-iisa.
Nung nilapitan ko siya, pulang pula yung mata niya. Nagmamarijuana yata tong si Carl eh. Baka kung anong gawin sakin kapag kinausap ko. Lord help meeehh. T_T
Nakatayo lang ako sa harap niya, wala kaming kibuan. Gusto ko sana siyang tawanan kasi mukha siyang tangang nagdadrama dun, kaso ang weird naman kung sobrang seryoso nung atmosphere tapos bigla ka na lang tatawa. Pfft. Umiiyak lang siya dun, kahit nasa harapan niya na ako hindi niya pa rin pinupunasan yung luha niya.
“Umiiyak ka ba?” ay tanga. Malamang oo. Ano bang klaseng tanong yan Paoline. Nakakabadtrip ka ha. Mamaya nga sasapakin ko sarili ko. Ang tanga ko lang eh. =_=
“Hindi. Umalis ka na.” Ayy? Tanghaling tapat ang bitter ni koya? Kapag ba tanghali, bitter? Meron yatang buwanang dalaw to eh. Potek mas maaga yung kanya kaysa sakin ah.
Imbes na umalis ako, umupo ako sa tabi niya. Makulit ako eh. “Alam mo ba kapag pinapakita ng lalaki na umiiyak siya sa harap ng babae ibig sabihin gusto niya tong makita?”
Hindi siya kumikibo.
“Ano ba kasing problema mo?”
Wala pa ring kibo.
“Sasabihin mo lang naman. Wala naman masama dun.”
Wala pa rin siyang kibo. Nakayuko lang siya.
“Naman! Naman naman! Susmaryosep Carl! Sayang yung effort ko umupo sa gitna ng init ng araw dito oh!! Kapag ako namatay sa init, mumultuhin kita hanggang sa mabaliw ka!! Anuba? Tulog ka ba? HELLOOOO!! MAY TAO DITO OH!”
Wala pa rin.
“Grabe. Yung damo na nga lang kakausapin ko. Hello damo! Buti pa ikaw may sense kang kausap! Samantalang yung isa dito ang lakas makalutang ng utak at kaluluwa eh! Akala mo walang tao sa paligid!” mukha na akong baliw sa mga pinaggagagawa ko.
BINABASA MO ANG
Oil Pastel: True Story (One Shot)
Non-FictionJust another love story.This is true to life, somehow.