Chapter 29

1.8K 77 31
                                    

Chapter 29: Once Again

Carmela's POV

Nakangiti akong gumising dahil ang saya-saya ko kahapon, sobra. Hindi lang birthday ni Nash and dahil din nagkaayos na kami ng mabuti nila Malia. Okay na kami! Actually, sila talaga 'yung may pakana nung surprise, ako lang ang nag-ayos ng flow. Natatawa pa nga ako nung sinabi nila 'yon sa'kin e! Nung nasa KFC kami ni Nash, doon sila nag-text! Ang mga mokong magkakasama pala! Talagang hinayaan nila na magsama kami ni Nash, mga siraulo talaga.

Ako nalang naman kasi dito sa bahay. Wala rin naman akong gagawin kundi hahayahay lang e. 'Yung mga magulang ko umalis ng maaga dahil nag-date. Napangiti ako dahil nagkaayos na sila. My dad never had another family. Natatakot lang siya na baka hindi namin siya tanggapin. Nagkaroon daw ng problema sa agency nila at ayaw silang pauwiin. Kahit na iba ang rason niya, we will always accept him.

Pagkatapos kong maligo, kinuha ko na 'yung cellphone ko at binuksan 'yung wifi. Panigurado maraming bumati kay Nash sa facebook. I searched for his name. Buti nalang talaga at wala nang pasok. Hayahay nalang kami. Tinapos na kasi namin kaagad naming tropa ang requirements dahil kahit hindi na pumasok basta complete na.

Jaeden Dacanay
Bro! Happy Birthday!

Tristan Alonzo
Malaki ba kamay ko sa mukha mo? Hahahaha! Happy Birthday!

view more...

May nag-pop na chat head sa screen ko pero kilala ko naman pero nang tignan ko 'yung profile si Nash pala kaya tinignan ko muna 'yung sinabi niya. Damn this boy! Pagkakita ko, biglang nanikip 'yung puso ko. Putangina, this can't be happening again!

Kuya Cloud
• active now •

Chubs, here's some pics
for you to see, of course.

Hope you like it, hahaha!

Ang galing pala talaga! Bakit
ka wala?

Lol hahahahahaha.

Dapat nandito ka para ikaw 'yung
kumuha ng pic e. I'm sorry I
cheated again. Pero lalaki ako,
may kailangan din ako.

He sent five pictures. Ayaw ko munang i-view 'yon. How can he do this to me? Putangina!

See?

Mahal ko pa rin pala
si Yvonne.

I'm just fooling you, baby.
Ikaw naman 'tong si tanga,
nagpaloko. How sad.

Unti-unti kong binuksan ang mga files at nanginginig na ang mga kamay ko na para bang 'yung kaliwa gusto, 'yung kanan ayaw. At 'yung puso ko, tumatambol sa sobrang kaba at sakit. Tangina talaga! How dare him! Posible kayang niloko niya ako uli? But who am I kidding! The evidence is here, he cheated on me again. Wait no, he ain't cheated kasi hindi naman kami. Pero kahit na! He fucking said ako ang mahal niya, ako ang gusto niya pero ganon? Nanggagago ba siya?

First File: Magkahawak ng kamay si Yvonne at Nash.

Second File: Buhat ni Nash si Yvonne habang si Yvonne ay nakapulupot sa leeg ni Nash. 'Yung tipong bagong kasal?

Third File: Naghahalikan sila sa ibabaw ng lamesa. May baso ng alak doon sa tabi nila.

Fourth File: Nakapatong na si Nash kay Yvonne at wala nang natirang damit sa kanila. Undies nalang.

Damn! Paano niya 'to nagawa sa akin?

Fifth File: Pareho silang nakahiga sa kama habang mahimbing na natutulog na magkayakap.

Paano niya 'to nagawa?

Paano niya 'to nagawa sa akin? Ano bang ginawa kong mali? May mali ba akong nagawa sa kanya kahapon? M-may kulang pa ba roon? Damn! What's the problem of this man?

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now