The Demon

6 0 0
                                    

Ilang minuto na lang at matatapos na rin ang klase. Gaya ng inaasahan, walang pumuntang teacher sa amin.

Maririnig ang ibat-ibang topic na pinaguusapan. Pero isa sa mga kaklase ko ang umagaw ng attention ko. Si nico. Ang nerd ng klase. Nagsusulat sa isang notebook. Tila'y galit na galit. Di ko alam kung galit siya kay jo na siyang nambubully sa kanya.

*Kringggg Kringggg*

Tunog ng bell. Nangangahulugang uwian na.

"Uy tara" sigaw na nathan.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa may kanto. Nagcrave ako ng halo halo nila" banggit ni nathan na halatang halata naman na gutom na gutom na.

Hindi kasi kami nakakain kanina dahil as usual. Puno nanaman sa canteen ng mga "star section" na ang babagal kumain.

"Ah. Haha cge. Pero yayain kaya natin si nico?" Tanong ko kay nathan.

"Ah. Haha. Wala ata siya sa mood eh" ngiwi ni nathan. "Pag mga ganitong araw mas magandang layuan na lang muna natin siya. Kahit sino walang gustong lumapit sa kanya pag friday" Natatakot na sabi ni nathan.

"bakit anong meron pag friday?" Nagtataka kong tanong.

"Sabi nga nila. Mas lumalakas ang demon pag friday" nakahalf smile na sabi ni nathan.

"Ah. Wh-what?" Gulat kong tanong.

"Shhhhhh" Sabi ni nathan at tsaka hinila  na ako palabas.

Nakarating kasi kami sa may kanto. Nakita namin ang isang tindahan na nagtitinda ng mga snack. Para siyang isang cafe pero mga halo halo at snacks tinitinda nila. 

"Masarap halo halo nila dito" nathan said na halatang halata naman na excited.

tumawa na lang ako. Hindi naman halatang excited siya?

"2 halo halo po tsaka isang medium fries" malaking ngiti niya sa cashier.

Habang nagaantay may nakita akong isang pamilyar na mukha na nasa cafe rin. Isang sobrang pamilyar na mukha. Hindi ko lang masyadong maaninag dahil nakatalikod siya.

"And eto naaa" malakong ngiti ni nathan ar tsaka nilapag ang halo halo at isang fries.

Habang kumakain kami ay may pumaaok na isang lalaking nakajacket na black.

"Ah. Haha. Uhm. Tara na" nagmamadaling sabi ni nathan.

"Ah. Wait. Di pa nga tayo naguumpisa kumain eh" pagtatakang kong tanong.

"Ah. Uhm. Take out na lang natin?" Bakas sa mukha niya ang takot.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"U-ulan kasi sa la-labas. Oo. Haha. Tara na" nanginginig na sabi niya.

"Huh? Eh. Hindi naman eh" Sabi ko na nagtataka pa rin.

Bakit parang natatakot si nathan? Tingin ng tingin rin siya dun sa lalaking najacket na black. Tiningnan ko ng mabuti yung lalaki na nakablack. Uhm. Parang pamilyar yung bag. O-orange yung bag niya. Hindi kaya si paul yun?

Habang hinihila ako ni nathan napansin ko naman na lumapit si paul sa lalaking nasa cafe na nakaupo. Yung pamilyar na nakatalikod.

"You're dead now" mahinang bulong ni paul sa lalaki.

"Hehe" ngisi nang lalaking nakatalikod.

Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Biglang naglabas ng kutsilyo si paul at tsaka akmang sasaksakin sana yung lalaking nakatalikod ng bigla harangin ni nico yung kutsilyo gamit ang kanyang mga braso.

"Wtf. Nico. Move" sigaw ni paul

"Bro. He's still my little brother" sagot naman ni nico.

"But he killed everyone!!!" Malakas na sigaw ni paul.

Tumayo ang lalaking nakatalikod at nagulat ako sa nakita ko. N-nico? Kamukha ni nico.  kambal niya? Naguguluhan ako sa nangyayari. Nakangisi siyang lumabas at tsaka tumakbo palabas.

"Look what you did. Asshole" sigaw ni paul.

"I may be a nerd but when it comes to my family,  I will do everything to protect them" nico stated.

"That's the problem with you nico. Masyado kang malambot. Pinatay niya mga magulang mo." Galit na sigaw pa rin ni paul.

Di na naman nakasagot si paul. Dahil alam niya na sa sarili nita na totoo yun.

Galit na lumabas si paul at naiwan si nico dun na magisa.

"Sabi ko sayo eh. What a bad idea na pumunta tayo dito." Sisi ni nathan sa sarili niya.

"That's fine. Tara na" yaya ko kay nathan.

Gusto ko pa sana lapitan si nico ngunit sugatan siya kaya naman di na ako nagtangkang lumapit.

Habang naglalakad kami ni nathan. Bigla ko namang natanong ang tungkol sa lalaking kamukha ni nico.

"Sino yun?" Tanong ko kay nathan.

"Sino?" Pagtataka niyang tanong.

"Yung lalaking kamukha ni nico" sabi ko.

"Ah yun. Kambal niya yun. Si dem. Matagal niya yung away nila ni paul. Hindi ko alam ang ibang detalye. " nathan stated.

"Pero paul said na pinatay ni dem yung mga magulang ni nico?" Tanong ko kay nathan.

"Hmm. I don't really know di ko naman ganun kakilala si nico. Pero sabi ng iba, pinatay daw ni dem mga magulang nila ni nico sa sarili nila mismong bahay. Di ko na alam ang ibang details" pagpapaliwang ni nathan.

Hindi ko napansin nasa bahay na pala ako. Nagpaalam na ako kay nathan at tsaka pumasok na sa bahay.

Class Suicide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon