Kabanata 7. Patawad

342 22 4
                                    

Natasha's POV

"Oyang, anong oras na?" tanong ko kay Oyang at kinuha nya ang cellphone nyang di-keypad mula sa bulsa nya.

"7:12"

Shet! Pano ko nakalimutan yun?

"Saan ka pupunta?" tanong ni Oyang nang maglakad ako, pero kahit ako, hindi ko din alam kung saan ba dapat pumunta,

Basta ang alam ko lang...

"Kaylangan kong puntahan si Lino." sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad

"Ang bait nya no, binigyan tayo ng rayd-olyuken ticket." narinig kong sabi ng isang bata sa kasama nyang bata at masayang tumakbo papasok sa peryahan,

...

Lino's POV

Alas sais na ah. Wala pa rin si Tasyang. Siguradong papunta na yun baka binabagalan nya ang paglalakad para hindi sumakit yung paa nya. Dapat pala sinundo ko na lang sya, kahit pasanin ko sya hanggang sa peryahan ayos lang.

"Tasyang, ang ganda mo naman ngayon. Kung sabagay, araw-araw ka namang maganda sa paningin ko."

Baka sampal ang abutin ko dun kapag yan kaagad ang ibinungad ko sa kanya.

"Ahem..Tasyang, ayos na ba ang paa mo? Halika, sakay ka na sa likod ko."

O kaya naman..

"Tasyang, bakit late ka? Alam mo bang kanina pa akong naghihintay?"

Susuyuin nya kaya ako kung ganon ang iaasta ko? Haha pwede pwede.

Tasyang..asan ka na ba. Nag-aalala na ako sayo. May kalahating oras na akong naghihintay. Napasampal ako sa mukha ko. Pesteng mga surot to, sisirain pa yung maganda kong mukha.

Kahit papakin ako ng surot dito, Tasyang, maghihintay pa rin ako sayo.

Baka naman nakalimutan nyang dito sa tapat ng eskwelahan ang tagpuan namin. Baka sa peryahan sya pumunta? Hindi hindi..malinaw kong binanggit sa kanya na..pero paano nga kaya?

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ko napagdesisyunang magsimula nang maglakad papunta sa peryahan. Saglit kong sinulyapan ang aking cellphone. Kaya naman pala dumidilim na, alas siyete na. Lalo kong binilisan ang paglalakad.

Maya-maya pa ay nakarating ako sa tapat ng peryahan kung saan nakita ko si Tasyang...at si Oyang. Nakangiti si Tasyang kay Oyang, habang may hawak na cotton candy.

Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako palayo. Bakit? Bakit parang may tumutusok sa dibdib ko? Mas masakit pa sa kagat ng surot.

Ano ka ba Lino? Ano bang problema mo?  Hindi mo kasi nilinaw kay Tasyang na Sabado kayo magpe-perya. Baka ang akala nya ay sa Linggo pa. Kaya sumama muna sya kay Oyang.

Iniabot ko sa dalawang batang nakasalubong ko ang hawak kong rayd-olyuken ticket. Kawawa naman kasi sila. Paniguradong gustung-gusto nilang sumakay sa tsubibo at pumasok sa "Bahay ng Lagim" pero hindi nila magawa dahil wala silang ticket.

"H-huh?" nagtataka ang bata at nag-alangan kung tatanggapin ba ang iniaabot ko. Kaya ako na lang ang naglagay sa kamay ng bata sabay ngumiti, at naglakad na ako paalis

Sa hindi ko malamang dahilan...bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing inaalala ko ang ngiti ni Tasyang habang kasama si Oyang. Iniling-iling ko ang aking ulo sa naiisip ko.

...

"Hoy Lino, sabihin mo nga sakin--"

"Babayaran ko, Ma." nilampasan ko lang si mama,

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon