Natasha's POVMartes ng umaga. Naputol ang discussion dahil sa tatlong estudyanteng nag excuse para daw sa announcement. Ang bored kong mukha ay lumiwanag nang makita ko si Oyang. Napangiti ako ng sobrang lapad at kumaway kaway sakanya.
Napatingin naman sya sakin at "tss."
Lumingon lahat sakin ang mga kaklase ko na apparently ay nakatingin din kay Oyang dahil nakita nila ang pagtingin nito sakin.
Unti unting nawala ang ngiti ko at napalitan ng awkward smile. Unti unti ko ring binaba ang kamay kong kumakaway kanina. "hehe." sabi ko na lang. Sa pagkaka-alam ko kasi ay maraming fans 'tong si Oyang. Oh diba bongga.
"Magandang umaga. Meron lang kaming kaunting anunsyo." sabi nung babaeng nasa kanan ni Oyang.
Anunsyo? Sa Elite High, speaker lang ang ginagamit sa buong school para sa announcements. Dito kailangan pa talagang libutin ang bawat room? Huwaw ang sipag nila ah. Ako tuloy ang napapagod sa ginagawa nila.
"Mr President.." tumingin yung babae kay Oyang na para bang sinasabihan sya na ituloy ang announcement.
Wait what? President si Oyang? Like SSG President? How did I not know thissss?
Tumikhim muna si Oyang bago nagsalita,
"Sa susunod na buwan na ang darating na Linggo ng Kasuotang Filipino. Gaya noong nakaraang mga taon, magkakaroon tayo ng festival para ipagdiwang ito. Maaari rin kayong pumili kung ano sa mga tradisyong natural na kasuotan ang gusto ninyong isuot. Kasama na sa pagpipilian ang baro't saya, barong tagalog, balintawak. At nariyan rin ang mga native na kasuotan gaya ng ating Bicol sinamay, nipis, Ilocano abel, Visayan tapis pintados. Isama na rin ang foreign-influenced: Camesa de Chino, Maria Clara, Traje de Mestiza terno. Marami pang pwedeng pagpilian ng tema ng isusuot sa araw na ito." tumigil muna si Oyang ng sandali. "pero ang isa sa mga patakaran ay walang makakapasok ng PNHS na kahit sino na nakasuot ng uniporme o kaswal na damit. Ito ay pagdiriwang ng linggo ng kasuotang filipino. Kung kaya't sana ay respetuhin natin at wala nang magsusuot ng hindi nararapat gaya nang nangyari nung nakaraang taon."
Di ko napansin na nalaglag na pala ang panga ko habang nakikinig kay President. Ang haaaabaaaa ng sinabi nya.
"Psst, baka hindi mo na masarado ang bibig mo at mag lock iyang panga mo." bulong ni Mutya sa akin kaya naman sinara ko na ang bibig ko.
"Pero nang dahil sa survey na ginawa last year patungkol sa kung dapat bang gawing isang linggo ang festival na ito gaya ng dapat ay tuluyan nang gagawing isang linggo ang kasiyahan at hindi na tatlong araw." yung babae naman sa kaliwa ni Oyang ang nagsalita this time. May binigay syang pile of papers sa kay sir. At binigay nya naman yun sa mga nakaupo sa harapan.
"Get one and pass." pag instruct ni sir.
Nagsalita ulit yung nasa kanan ni Oyang,
"Ito ang mga patakaran sa araw na yun. Dyan rin nakalista ang mga sunod sunod na event. Gaya ng patimpalak sa folk dances, performance mula sa bawat year level, at ang higit sa lahat ay ang sayawan sa panahon noon. Lahat ng dapat ninyong malaman ay nanjan na sa papel."
May nga nagbubulong bulungan pero agad naman silang tumahimik nang muling magsalita si Oyang "bawat section ay dapat mag isip ng kani kanilang booth. Bago kayo tuluyang maghanda sa booth ninyo, kailangang ilista nyo muna ito sa SSG office kung san maghihintay sainyo ang sekretarya ng ssg. Kailangan nyo rin umisip ng mga back up na plano para sa booth dahil maaaring may mauna na sa paglista ng maisip ninyong booth."

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...