Chapter 31

1.7K 77 21
                                    

Chapter 31: Friends

Carmela's POV

After three nights...

Nagmulat nalang ako nang makita ko si Malia sa tabi ko. Kahit kailan talaga, 'tong babaeng 'to hindi ako iniwan. Ako nalang lagi ang nang-iiwan pero siya never akong iniwang mag-isa sa bawat pagsubok sa buhay ko. Kaya mahal ko 'to e. Hinagod ko ang buhok niya at naramdaman kong nagising siya.

"Ay, Carmela, gising ka na pala, gusto mo kumain? Ha? May prutas dito, ano gusto mo?" Sunod-sunod na sabi niya. Halatang wala pa siyang matinong tulog dahil ang laki ng eyebags niya. Natawa naman ako sa inasal niya. Ngumuso siya at naluha.

"Wala. Dito ka lang. Bakit ka nandito? Sinong tumawag sayo?" Tanong ko sa kanya. Huling tanda ko magkakasama pa kami nina Nathan sa bahay kasama si Nash. Speaking of him, okay na kaya siya? Last time I check, he is shattered just like me.

"Ha? Si Nathan, kailangan mo raw ng girlbestfriend para maintindihan ka, kasi wala raw siyang maintindihan," natawa siya. "Tsaka baka masapak lang niya si Nash kapag kayo ang nag-uusap. Nako ewan ko ba doon sa lalaking 'yon! Kahapon nga nabalitaan kong binugbog siya nina Jaeden. Napakagago niya, tangina!"

"Girl, may kulang ba sa akin?" Wala sa sa sariling tanong ko. Agad siyang umiling.

"Girl, ano ka ba? Wala! Ano bang nangyari, ha? Ang alam ko niloko ka niya uli. Who's the whore? Sino ang malanding dumikit sa kanya?" Nag-aalalang tanong niya.

"K-kasi si Yvonne..." Bakit ba hindi ko masabi ng diretso?

"Si Yvonne?! Nagbalik na 'yung bruhilda na 'yon?! Anong ginawa niya? Sasabunutan ko 'yon! Baliw 'yon eh, may topak 'yon sa ulo e!"

"May nangyari sa kanila ni Nash kagabi."

"Ha? Ano?! Seryoso ba? Sa birthday niya mismo? Tangina, kadiri siya grabe! Nandidiri ako sa kanya! Sarap itapon e! Nakakadiri, ew!"

"Hindi ko talaga alam... Nag-send pa sa akin ng mga pictures nila sa messenger sa account ni Nash."

"Oh my god, what the fuck? Seryoso ka?! Nako, 'di ko na 'yan papalampasin, I'm telling you! Kakalbuhin ko na 'yan si Yvonne. Nakakadiri naman 'yan! Lagi nalang, putangina. Nako, Carmela, 'wag kang marupok! Sinasabi ko sayo, 'wag mo na uli 'yan papapasukin sa buhay mo! Mag-aaway tayo!" Sigaw niya at hinawi ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya. "My god! Ka-stress!"

"Lia, tama na. Ayoko na ng away. Hayaan na natin sila. Tsaka desisyon niya 'yon! Isa pa, wala naman kaming label!" Natawa nalang ako sa sinabi ko.

"Alam mo ikaw, ga-graduate ka na nga lang ng first honor sa section natin, mamamatay ka pa! Napakatanga mo pa sa pag-ibig! Bakit ba kasi ang rupok mo? 'Di ka magmana sa'kin! Tsaka magkaka-love life ka na nga lang, sa seniors ka pa kumuha! Hindi pa 'yung ka-edad natin e!"

Natawa ako sa sinabi niya. Talagang ide-deny niya pa ha.

"Sinong niloko mo, Lia ha? Marupok ka rin! Tsaka nahiya naman ako ha! Ikaw nga halos lahat ng nagiging crush mo senior high! Iisa lang naman na junior high ang naging crush mo diba? Si Tristan! May pa-codename codename ka pa dyan na senior one, senior two, eh si Jaeden lang naman ang senior one-and-only mo! Kaltukan kita dyan!"

Inirapan niya lang ako. Bars, bitch. 'Kala niya magpapatalo ako. Eh halos kilala ko naging crush niya maliban doon sa kapitbahay nila tsaka doon sa nakakasabay niya lagi sa jeep!

"Pero seryoso nga, first honor ako?" Iniba ko ang usapan namin. Tumango naman siya kaagad.

"Oo nga Carmela! Kaka-announce lang, congrats! Nagtaka ka pa kung sino top one eh ikaw lang naman madalas nakakakuha ng matataas na grades sa section natin maliban kay Tristan!"

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now