Pilit

115 1 0
                                    

Pinilit kong kalimutan ka, 
Pero bakit ikaw parin? 
Pinilit kong ibaon ka sa limot, 
Pero bakit nandito ka parin? 
Pinilit kung ituon ang atensyon ko iba, 
Pero bakit ikaw parin ang hinahanap-hanap nitong isip at puso ko? 
Ikaw lang ba ang lalake sa mundong 'to? 
Na kahit anong gawin at pilit ko ang hirap mong pakawalan.

Ni hindi naman sa nagsisi ako
Sadyang Ayoko ko na dahil sobra na ang sakit binibigay nito. 
Sa una, ang sarap pa sa pakiramdam
Pero nagsawa na sa bandang hulihan. 
Sa una, gusto kitang alagaan, mahalin at ipaglalaban,
Pero ngayon, gusto na kitang isuko at ipagtabuyan.

Mahal kita, pero di ko na kaya. 
Mahal kita, pero ngayon hindi na kita kayang ipaglalaban pa. 
Mahal kita, pero wala akong magawa dahil hanggang diyan lang ang lahat. 
Simple lang naman eh! 
Hinding-hindi ka magiging akin. 
At sa bandang huli, ako lang ang maghihirap at magdusa. 
Bakit kaya no? May puso ka diba? 
Pero bakit ang hirap sayong mahalin at tanggapin ako? 
May puso ka kaya sana naman pakinggan mo ang lahat ng tinitibok nitong puso ko.

Kaya hanggang dito na lang talaga ang lahat. 
Hinding-hindi na ako magpakahirap para lang makuha ka. 
Nanghihina rin ako at napapagod. 
Kaya ito na lang ang huling habilin ko, 
"Mahal kita pero di na tulad nung dati. 
At Salamat sa inspirasyon dahil naging tulong ito upang ako'y maging matatag na ngayon. "

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon