Parang kahapon lang nung umamin ako,
Na nasabi kong ikaw ay aking gusto
At ganun din ang nararamdaman mo.
Naaalala mo pa ba yung araw na tinutukoy ko?Araw na kung saan masaya tayo,
Magkasama buong araw at di tumitingin sa relo,
Nagmamahalang tunay at walang halong laro,
Yung pagmamahal na tiyak ang isa't isa ang sasalo.Mga sandali na tanging boses mo ang aking naririnig,
Bawat salita mo'y nagmimistulang magandang himig
Dulot nito sa akin ay masidhing kilig
Kung saan masisigurado mong ako ay umiibig.Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat,
Magagandang memorya natin na ang hirap isulat
Pagmamahal ko sayo na alam kong sapat,
Pero bakit yung sayo tila nagkalamat?Segundo,Minuto,Oras,Gabi at Araw,
Linggo,Bwan at taon na umaapaw.
Kulay ngayon ay itim dati ay dilaw,
Puso mong ako ang hiyaw ngunit ngayon iba ang sigaw.Dating kasiyahan,
Napalitan ng kalungkutan.
Pagmamahal mo sakin,
Tuluyang kinalimutan.Bakit ang dali ng lahat para sayo?
Umabante ng parang walang pake sa mundo.
Hindi mo ba inaalala ang naiwan mo?
Yung panahong nakaraan at magkasama tayo.Ilang beses ko ba dapat ipaalala sayo?
Sa nakalipas na taon, Ako ang kasama mo.
Mundo mo dati sa akin umiikot ng husto.
Hindi mo ba talaga ako kayang balikan sa nakaraan mo?
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan