"Hon kailangan na nateng bisitahin ang hacienda napag iiwanan na naten ito ." Si Maricel ina ni Georgia .
" tama ka hon. Nakakalimutan na naten ang hacienda " si Gregorio
Nagpapasya ang mag asawang pumunta sa probinsya at bisitahin ang kanilang hacienda .
" Georgia anak kailangan na namin bisitahin ang ating hacienda sa probinsya gusto lang namin na makita ang kalagayn at kung anong na itsura ng hacienda " si Maricel
" sige po Mom basta po lagi lang kayo mag iingat ni daddy kahit saan kayo pumunta " si Georgia ..
" okey anak lagi ka rin mag iingat ahh " si Maricel
" anak !" Si Gregor boses pa lang parang kailangan mong sumunod sa lahat ng sasabihin niya sayo ..
" yes dad ! " si Georgia
Alam naman naman niya kung ano na naman ipapakilala sa kanya ng dad niya .
" wag kang mag uwi ng babae sa bahay anak please kung mag uuwi ka lang ng babae dito eh yung pang habang buhay mo ng iuuwi dito aah " si Gregor .
Sa araw araw ng ginawa na diyos wala pa akong naalalang nag uwi ako ng babae dito kasi wala ding araw na hindi niya saken yan pinapaalala .
" yes dad alam ko po " kahit nakakarindi pero deadma na lang saken
" Maiwan ka na namin baka gabihin kami sa daan anak " si Maricel
" sige po mag iingat po aah "
Umalis na ang mga ito . At naiwang mag isa si Georgia wala ng bago sa kanya ang pagiging mapag isa .
Makikipag karera na lang siya ng motor ngayon . Kaya nag mamadali siyang umalis .
Siya yung taong laging nag mamadali at ayaw ng body guard . Sino ba naman ang may gusto ng body guard ultimo pag ihi mo kulang na lang samahan ka nila .
------------------------------------------------
Katelyn POV
" tay ako na lang po magmamaneho ng jeep mag pahinga na lang po kayo tay " si Katelyn
" sigurado ka ba anak .. isang byahe na lang naman yun anak papuntang bayan kaso anak ikaw na lang mag isang uuwi " si Tatay Nestor
" Ayos lang po Tay " si Katelyn
Tama kayo ng naiisip nag eextra ako sa pagiging driver ng tatay twing hapon kaso ang uwi ko mga 2 ng madaling araw kasi bayan pa ang binabyahe dahil sa mga taong luluwas papuntang manila .
" sige heto ang susi hindi ka ba muna kakain ?" Si tatay Nestor
" hindi na po pag uwi na lang siguro " si Katelyn
" sige anak mag iingat ka ha !" Si Tatay Nestor
Sa kilos ko hindi ko masasabi lalaki ako kumilos dahil sobrang hinhin ko . Sa pananamit lang kasi baka mabastos ako kaya ganito ako manamit .
Jeans na sira sira naka sneakers at sombrero at may towel na nakasampay sa balikat ko sa unang tingin mapagkakamalan niyo akong tomboy pero sorry STRAIGHT AKO mas straight pa ako sa bagong rebond na buhok .
" oh ! Baby girl karelyebo ka na naman ng tatay mo aah " si Mang Berting
" opo para makapag pahinga naman po siya " paliwanag ko ..
" tapos kana agad magtinda sa palengke ?" Si Mang Berting
" oho maaga po naubos ang yung paninda ko pong itlog " si Katelyn
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?