Jasmin's POV
Kainis talaga ang Robbie na yun. Hindi ko man lang naramdaman ang buong araw ko sa school dahil palagi na lang akong nagtatago.
Kung pwede lang talaga akong mag-iba ng mukha, ginawa ko na para hindi na ako guluhin pa ng lalaking yun.
"Jaja, nandito ka na ba?" Narinig ko ang boses ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo kuya" sagot ko naman sa kanya. Nakita ko na binuksan niya ang pinto para makita ako. Pumasok siya at pumunta sa akin sa higaan ko.
"Are you alright?" Tanong niya sa akin.
"Yeah, why wouldn't I be?" Patanong na sagot ko rin sa kanya.
"Lately kasi parang lutang ka. Is everything alright at school? Binubully ka pa rin ba?" Pagtatanong uli ni kuya.
"Everything's fine" sagot ko naman, pero hindi ko na siya tiningnan pa sa mata.
"You sure? Basta, kapag may problema ka, don't forget na nandito lang kami ni mama para sa'yo" saad naman ni kuya bago umalis. Bakit parang ang weird niya ngayon? May nangyayari din ba sa studio?
♡Kinaumagahan♡
Robbie's POV
"Mee, alis na po ako" pagpapaalam ko naman kay mommy, dahil papasok na ako.
"Nak, may bisita ka. Nandun siya sa garden" narinig kong sagot sa akin ni mommy.
"Si Leech na naman kuya. Make sure na hindi siya tatagal dito ah" bigla namang sumulpot sa harapan ko si Flair. Siya ang nakababata kong kapatid. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw na ayaw niyang nagkakagirlfriend ako, specially si Steph. Ayaw niyang nadidikit ako kay Stephanie, pero wala siyang magagawa, eh mahal ko yung tao. Kaya ngayon, iwas-iwas lang siya.
Pumunta na ako sa garden para makita si Steph. Baka magalit pa yun kung hindi ko siya puntahan. Nakita ko na siya na nakaupo sa bench namin doon. Pinuntahan ko siya pero hindi ko muna siya kinausap.
"So, aren't you going to say something?" Tanong niya habang nakakrus ang mga bisig sa harap niya.
"Like what?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong umiba ang expression ng mukha niya.
"Aren't you going to say sorry or something?!" Tanong niya uli, pero ngayon ay tumataas na ang boses niya.
"You said I should talk to you when I stop being a weirdo. Well, as for now hindi pa naman ako nakakabalik sa sarili ko" I honestly said. Totoo naman kasing naweweirduhan din ako sa sarili ko ngayon. Tyaka parang hindi ko pa siya kayang harapin ngayon dahil sa nangyari kagabi.
Marahas siyang tumayo at lumapit sa akin.
"There's something strange about you. At hindi ako titigil hangga't hindi ko yun nalalaman. Kilala mo ako Robbie, I will find out... eventually" madiin niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko. Pagkatapos nun ay umalis na siya ng padabog.
Talagang hindi ko lang kasi feel na magsorry sa kanya ngayon. At baka nabigla rin ako sa nakita ko sa kanya kahapon.
Jasmin's POV
Pumasok na ng classroom si Sir Pan Oath. Tumingin ako sa upuan ni Robbie at wala pa siya. Malelate kaya siya?
(>_<)
Ba't ko pala siya iniisip? Mas mabuti nga ito na wala siya para walang nagpapasama ng araw ko. Makikinig na lang ako kay sir Pan Oath at inalis na lang ang atensyon ko sa taong wala naman dito.
"So let us start off to where we—" naputol ang sasabihin ni sir nang bigla namang pumasok si Robbie. Akala ko hindi na siya papasok.
"Sorry sir, I'm late. May emergency lang po sa bahay" palusot niya naman.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Roman pour AdolescentsHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...