"I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health, for richer and for poorer..till death do us part."
Ako yung tipo ng tao na hindi nagpapaniwala sa mga kwentong kababalaghan. Para sa akin, guni-guni lamang ang mga iyon at dala lamang ng nakaririnding takot na dahil sa mga kwento. Gayumpaman, hindi ko akalaing sa isang iglap, mapapaniwala ako sa bagay na kahit kaila'y hindi ko pinaniniwalaan.
~~~
Nagbakasyon kami sa Maynila. Halos magtatalon ako nang malamang sa wakas ay natuloy na ang laging napapakong pagbabakasyon namin. Kumuha kami ng apartment sa ******.
Malayo ang parteng yun ng lugar. Mataas na hagdan ang kailangang akyatin para marating ang address ng apartment na aming uupahan. Halos mapaupo ako nang marating namin ang bahay dahil sa pagod at ngalay ng paa.
Maayos naman ang unang gabi namin doon. Mapayapa naman kaming nakatulog. Kinaumagahan, dumating ang tita namin sa side ni mama kasama ng dalawang pinsan namin. Ang isa'y Grade 9 na habang ang isa'y mag-g-grade one pa lang. Inglisero ang batang ito. Bata pa lang kase ay puro na english ang mga video na pinapanuod. Mabuti na lang medyo bihasa rin ako sa pagsasalita ng lenggwaheng iyon. Hahaha.Dumating ang gabi. Bumaba sina mama at ang isa ko pang kapatid para bumili ng ulam. Sina tita at tito naman ay pumasok sa trabaho. Ang mga pinsan ko'y naiwan sa bahay kasama ko. Nakaupo ako sa sala at nanunuod ng TV habang nasa CR naman si Erika(Yung babaeng pinsan ko) tapos mag-isa naman sa loob ng kwarto si Shan(yung ingliserong batang lalaking pinsan ko) at naglalaro sa tablet niya.
Abala ako sa panunuod ng TV noon nang biglang lumabas ng kwarto si Shan at patakbong sumunggab sa akin. Galit na galit siya.
"Ano ka ba?" Medyo slang pa siyang nagsalita. Pinalo niya ako sa hita saka humawak sa bewang niya.
"Bakit? Inaano ba kita?"
"Why do you a--iyon a-bulong in my ears?" sabi niya na nagkandabulol pa at salubong ang mga kilay.
"Huh? When did I?" nagtaka na rin ako nun. Pano ko naman siya bubulungan eh, nasa labas ako ng kwarto habang nasa loob naman siya.
"Just now! Halika. Let's go inside."
Hinila niya ako papasok sa kwarto. Madilim dahil naka-off ang mga ilaw. Sanay kase ang batang ito na madilim lang at tanging liwanag lang ng tablet na hawak niya ang maaaninag. Maliit lamang ang kwartong iyon subalit kakasya naman kami dahil wala naman doong gamit maliban sa double-decked na kama at isang drawer na gawa sa plastic.
"Jan!" itinuro niya ang itaas na parte ng kama. May bintanang malaki roon na umaabot sa taas ng kama hanggang sa baba. Sliding ang estilo ng kahoy na bintanang iyon.
"I was just sitting there tapos may bumulong here in my ears." sinabi niya yun habang hinahawakan pa ang tenga niya kung saan bumulong raw ako.
"What did it say?" tanong ko na nakatingin sa bintanang iyon.
"Haaaaaaaaa." ang ginawa niyang tunog ay parang dahan-dahang huminga ng pabuga. Sa pagkakataong ito'y kinilabutan ako. Pero sa huli ay dinedma ko ang kilabot na yon dahil malamang dala lang iyon ng kaadikan ni Shan sa mga videos na pinapanuod on Youtube kaya nakakaimagine na siya ng kung anu-anong bagay.
Ikinuwento ko iyon kina mama at tita pero kagaya ko'y isinawalang-bahala nila yon.
Kinabukasan, nilagnat si Shan. Tumagal iyon ng dalawang araw.
Kinagabihan, maagang nakauwi si mama galing sa trabaho kaya kasama namin siya.
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
HorrorI just wanted to remember the sweetest day of my life with you. HIGHEST STORY RANKING ACHIEVED: #7 with the tag #gown