HSLT 77

47 1 1
                                    

•Narrative•

Shems, this is wrong... this is wrong...

This is plain stupidity!

AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!

Pinipilit kong sumigaw nang walang tunog habang nakahiga sa aking kama. Ayoko talagang parte ng araw ang gabi, especially bago ako matulog. Just because...

Weird thoughts are running on my mind.

Akalain mo nga namang maiisip ko—I mean, ng utak ko lang(ha!) na may gusto raw ako kay Kuya Ten?

HECK NO!

Pero kung hindi, bakit siya na lang lagi ang laman ng isip ko for two freakin' months? Hindi lang tuwing gabi, pati na rin sa umaga. Madalas na nga akong mahuli nina Mama na preoccupied at tulala, e. Mas nabother naman ako nang sinabi sa akin ni Kionne na, "Ganyan din ako dati nang marealize ko na tinamaan na ko kay Laurrence Ganda ko. "

At doon ako napa-Shet.

Pero ang PINAKA-PACKING tape sa lahat ay 'yong patuloy na pagiging sweet sa akin ni Tenecius, mas matindi pa sa mga naranasan ko kay Larrent at Arrow na mga kaibigan ko.

Katulad nito ngayon, lagi niya akong sinasamahan tuwing uwian hanggang sa kanto ng street namin, o kaya naman doon mismo sa may bahay. Tapos magmamano siya sa Nanay ko, tapos makikipaglaro siya kay Kionne. Minsan may pa-pasalubong pa! PARA SIYANG NALILIGAW PERO HINDI NAMAN TALAGA!

Kakababa lang namin ng jeep at naglalakad na patungo sa bahay namin. Sabi ko nga ay huwag na niya akong samahan dahil may tinatapos pa kaming research, syempre buhay Grade 12, pero nagpumilit pa rin siya. Kailangan niya raw akong bantayan dahil Kuya ko siya. K. Kuya pa more. Ginusto ko 'to, e.

Nang nasa kanto na kami, sinabi ko na hanggang doon na lang. Mabuti naman at pumayag na siya. Pero bago siya umalis ay may pahabol pa siya.

"Kiyarah, may sasabihin ako sa'yo mamaya. "

And those words made me puzzled.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon