•Narrative•
Hindi pa rin matigil ang iyak ko.
Nanakaw ang phone ko!
Nang makarating sa bahay at naisip ko na ichacharge ko sana ang phone ko, doon ko narealize na nanakaw pala kanina sa jeep dahil hindi ko ito mahanap. Kaya pala todo usad sa tabi ko 'yong katabi ko. Huhu I'm so dead.
Mas lalong nagpabigat sa kalooban ko ay syempre dahil napagalitan ako ni Mama at Papa. Napakapabaya ko kasi! Ang masaklap pa riyan, nakikisawsaw pa si Kionne na akala mo naman ay siya ang bumili ng cellphone.
Sa kalagitnaan ng paggawa ko ng research sa laptop namin habang umiiyak, biglang pumasok ang balasubas kong kapatid. "Tumawag sa'kin si Kuya Tenecius. May sasabihin daw siya sa'yo. Binalita ko na nawala mo 'yong cellphone mo kanina sa jeep dahil sa kapabayaan mo. "
Dahil wala na akong ganang makipagtalo pa, sinamaan ko na lang siya ng tingin. Bahala siya sa buhay niya.
Sa sinabi niyang 'yon, biglang nadagdagan pa lalo ang palaisipan ko. Ano nga ba ang sasabihin sa akin ni Tenecius?
Time Check: 8:30 PM.
Narinig ko ang pagkatok mula sa pintuan ng kwarto ko. Sinave ko muna sa flashdrive ang file na naglalaman ng research namin at saka ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Kionne.
"Ate... sorry na. Masama na nga ang loob mo, inaway pa kita. " aniya sabay kamot ng batok. Nahiya pa ang loko. "Nga pala, may bisita ka. Nandoon sa labas. "
Napadaan ako roon sa full body length mirror namin at nakita na mukha akong basura at halatang kaiiyak lang dahil namumugto pa ang mata. Lumabas pa rin ako ng bahay kahit ganoon ang itsura. Bahala na, madilim naman sa labas. Baka naman hindi na makita ng maayos ng makakausap ko ang itsura ko.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si Tenecius na may hawak pang folder at nakaupo sa sidewalk. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.
"Hi, Kuya Ten. " bati ko at saka tumungo.
Napaangat naman ang tingin ko nang sanggiin ni Ten ang balikat ko. Nakita ko sa aking harapan ang isang plastic labo na may lamang Flat Tops. "Condolence nga pala dahil sa nawala mong cellphone. "
Napangiti naman akong bigla at hinampas ang braso ni Tenecius. "Grabe ka! Pamilyar 'yong sinabi mo, ha. "
He chuckled. "Sinabihan mo rin ako dati noon. "
"Ouch. Karma strikes really hard. " ani ko at napahawak sa dibdib ko. Kinuha ko naman ang balot ng Flat Tops mula sa pagkakahawak niya. "Salamat dito. "
"Welcome. "
"Ano nga pala 'yang hawak mo? Research? " ani ko sabay turo sa hawak niya.
"Ah oo. Nasira kasi ang printer namin kaya sa comp shop pa ako dumayo. "
"Ahh. " binuksan ko ang isang Flat Tops, kinain at saka nagtanong. "Nga pala, ano nga 'yong sasabihin mo sa'kin? "
"A-ah ano... "
Tinaas ko ang isa kong kilay, expecting for his answer.
Tiningnan ko siya at siningkitan ng mata. "Ano 'yon? "
"Ah... " umiling siya at bahagyang napangiti. "Wala. "
Tumayo na siya sa pagkakaupo at nagpaalam. "Sige Kiyarah, alis na ko. 'Wag ka na masyadong malungkot sa pagkawala ng cellphone mo. Kapag may nawawala, may dumarating namang panibago. " aniya at saka ako tinapik sa balikat.
Iyon na nga ba talaga 'yon, Tenecius? Sa totoo lang kasi... umaasa pa akong may iba ka pang sasabihin, e.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Подростковая литератураPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...