HSLT 79

44 1 0
                                    

•Narrative•

Sa mga ganitong pagkakataon na hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko, namiss ko bigla na magkaroon ng kaibigan. Oo, nandiyan naman sina Mama, Papa at Kionne. Pero iba pa rin talaga kapag kay Arrow ako nagkukwento, lalung-lalo na kay Larrent na matagal ko nang bestfriend.

Binuksan ko ang rectangular box na nasa study table ko sa aking kwarto. Napangiti ako nang makita ang ibinigay ni Larrent sa akin na Snoopy Watch. Isinuot ko ito at bigla kong naramdaman na parang kasama ko ulit ang bestfriend ko.

Lunch time. Dahil Forever alone na yata talaga ako, mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang Canteen. Nang bigla kong nakasalubong sina Tenecius at ang mga kabarkada niya.

'Yong simpleng pagkakita ko lang kay Ten, napapangiti na agad ako ng wala sa oras. Para hindi mapagkamalang baliw, pigil na pigil ako sa pagsilay nito. Magdidire-diretso na sana ako ng lakad nang bigla akong pinigilan ng isa sa barkada na si Yuko. Iniangat niya ang kaliwang braso ko at gayundin ang ginawa niya kay Tenecius.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng lahat sa aming dalawa at saka sabay-sabay na napangiti.

"Yiee. Kayo ha, may pa-Couple Watch kayo? " ani Yukoryll na mas lalong nagpalakas sa panunukso sa amin ni Ten. Nakita ko naman na wala man lang karea-reaksyon si Tenecius, baka ayaw niyang tampulan kami ng asaran.

Binawi ko na ang braso ko at saka nagsalita. "Bigay sa'kin 'to ni Larrent, 'yong bestfriend ko. "

Natahimik naman ang lahat. Nakita kong sumulyap pa si Ten kay Jeron at tila ba nag-uusap gamit lang ang kanilang mata. Pero pakialam ko ba!

Pagkatapos ng ilang segundo ay nagpulasan na ang barkada nila at pumunta na sa dapat nilang pupuntahan. Si Yukoryll naman ay nagpaiwan at kinausap pa ako.

"Tuwing magkikita kayo, parehas kong nakikita na nangingiti kayo na parang mga baliw. " pagsisimula niya.

"Huh? Sino? " pagmamaang-maangan ko kahit alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Si Tenecius kako. Kayong dalawa. "

Pinilit kong magmukhang convincing ang tawa ko. "Weh? Hindi naman, ha! "

"Hindi niyo nakikita, pero kami naoobserbahan namin. "  napangiti siya at pabirong sinasanggi ang siko ko. "Aminin niyo na kasi, may gusto kayo sa isa't isa. "

Alam ko naman sa sarili ko na mayroon nga akong gusto kay Tenecius. Pero syempre... hindi ko sasabihin 'yon.

"Imposible naman 'yan. Saka si Kuya Ten, magkakagusto sa'kin? Sus, malayo sa katotohanan! "

"Kung walang gusto sa'yo si Tenecius, bakit ka niya binibigyan ng kung anu-ano? Halos hindi ka na nga gumagastos araw-araw kakalibre niya..." tumigil siya pansamandali at saka nagpatuloy. "Saka hindi mo ba napapansin na kinukuha niya ang loob ng kapatid mo pati na rin ng mga magulang mo? Lagi kapang sinasamahan hanggang sa bahay niyo tuwing pag-uwi. Ngayon mo sabihin sa'kin ang salitang imposible. "

Actually, naisip ko na rin ang mga bagay na 'yan. Pero ayoko nang mag-assume katulad ng nangyari kay Arrow. Dahil ngayon hindi lang ako mapapahiya... masasaktan din ako.

Pagkabalik ko ng room ay kinuha ko na lang ang notebook ko at nagdrawing ng maraming Pana. Doon ako sa corridor sa tapat ng room tumambay. Namiss ko tuloy bigla si Arrow. Kung dito lang sana siya hanggang ngayon nag-aaral, e 'di sana may makakausap ako.

Hay.

Natigil ako sa pagd-drawing nang biglang sumulpot si Tenecius sa gilid ko.

"Ano ba, Kuya! Nagulat ako. "

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito dulot ng pagkagulat, dulot ito ng sobrang kaba ko dahil ang lapit ni Tenecius sa'kin.

"Arrow ka pala, ha. "

Napataas ang kilay ko. Is he pertaining to Arrow Winchester?

"Baliw! Wala akong gusto sa Mokong na 'yon. May Tori na 'yon. "  lumayo muna ako ng kaunti sa kanya dahil sa pagkailang at saka nagsalitang muli. "Bakit ka nga pala nandito? "

"May sasabihin sana ako sa'yo, e. "

Lubdub. Lubdub.

"H-ha? Ano 'yon? "

Mas lumakas ang pintig ng puso ko dahil nakatingin lang siya ng mataman sa'kin.

"A-ano, kasi Kiyarah... "

Lubdub. Lubdub.

"Ang totoo kasi niyan may—"

"NANDIYAN NA SI SIR! PAAKYAT NA RITO SA THIRD FLOOR! " malakas na sigaw ng kaklase ko kaya nagpanic ako. Ayaw kasi ni Sir na nakikita kaming nakatambay sa labas ng room.

Binalingan ko si Tenecius. "Ano nga ulit 'yong sasabihin mo? "

Nakita ko ang pag-iling niya sabay sabi ng, "W-wala. Sasabihin ko lang sana na sabay tayong umuwi mamaya. "

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Talaga namang araw-araw kaming nagsasabay sa pag-uwi, ha?

Ang gulo mo talaga, Tenecius.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon