•Narrative•
Graduation day na. Finally! Nakaraos na ng anim na taon ng High School. Thank you po, Lord at ginabayan Niyo po ako. Kahit na mahirap, kinakaya dahil sa mga blessings na binibigay Mo po!
Nang matapos ang program at magpicture-picture, nilapitan ako ni Tenecius at may sasabihin daw siya sa akin—na naman. Kunot noo ko siyang hinarap. "Pinagt-trip-an mo ba ako, ha? Ilang buwan mo na 'yang sinasabi, wala ka namang sinasabi! Hindi mo ba alam kung ilang beses na akong nafrustrate dahil sa'yo?! "
"Basta, h-huwag ka muna magb-boyfriend ha? "
"Palagi niyo na lang 'yan sinasabi! Kung mga magulang ko nga hindi naman ako pinagbabawalan, bakit kita susundin? " napapikit ako dahil sa halu-halong nararamdaman. "Magb-boyfriend ako kung kailan ko gusto! Buhay ko 'to, Tenecius. Hindi porket kuya-kuyahan kita e palagi na lang kitang susundin. "
"Kiyarah... "
"Bigyan mo nga ako ng valid reason kung bakit ako bawal magboyfriend? "
"K-kasi... "
Napatigil siya ng biglang nilapitan siya ng mga magulang niya. At kita ang gulat sa mukha niya nang makita na nandoon ang Tatay niya, na sa pagkakaalam ko ay matagal nang nasa ibang bansa. Sa sobrang saya niya e nakalimutan niya na nandito pa ako... naghihintay sa sasabihin niya. Ilang buwan na akong naghihintay...
Umalis na lang ako nang mapagtanto na wala na naman pala akong silbi rito. Nilapitan ko na lang ang mga magulang ko pati si Kionne at saka sila niyakap.
Bahala ka, Tenecius.
Sana... makalimutan ko na ang nararamdamaman ko para sa'yo. Dahil alam ko namang wala akong mapapala sa isang Tenecius Alta Miranda.
°|Δ|Δ|Δ|°
Mensahe ni DulceSerendipia:
This is the last chapter of HSLT. *umiyak*
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa nito! Very thankful ako na 1k reads and counting na ito ❤
Next na po rito ang Epilogue. Halaaaaaaaaaaaaaa. Thank you, thank you po ulit!

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...