"Kailan ka ba mag-aasawa? "
"May boyfriend ka na ba, Iha? "
"Ilang taon ka na nga ulit? 29?"
Jusko po, oo! Ako ay walang asawa, walang boyfriend, at ni ka-MU wala! Kahit daig pa ako ng ibang Elementary students na may jowa na agad kahit may gatas pa sa labi, I. DON'T. CARE!
And excuse me, I'm only 28 YEARS OLD at this moment! Asarness.
Puro 'yan lang naman ang narinig ko sa nagdaan na Family Reunion namin kahapon, which is araw ng Linggo. Bawat may makikita akong kamag-anak ay puro iyan ang sinasabi sa'kin, to the point na hindi man lang nila ako nagawang kamustahin.
Nang hindi na ako makatiis kahapon ay sumabay na lang ako sa maagang pag-uwi nina Kionne at Laurrence na ngayon ay nakabuo na ng isang masayang pamilya. Naka-dalawa nang anak ang mga iyon.
Sa totoo lang, nangangamba na rin ako. Alam ko naman sa sarili kong hindi na ako pabata at malapit nang mawala ang edad ko sa kalendaryo. Pero... ayoko lang talaga na pumasok na lang basta-basta sa isang relasyon just for the sake of may maiharap lang na "asawa" sa mga relatives and friends ko. 'Di bale nang tumandang dalaga at least hindi naman ako napunta sa maling tao.
Pero biro lang, gusto ko magkaroon ng asawa at magkaroon ng mga anak! Ayokong maging mag-isa kapag tumanda na ako.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang may maglapag ng tasa ng mainit na kape sa table ko. "Coffee pampagising ng diwa, Ms. Cariesa. "
'Shit ang pogi talaga, mabait pa!' sabi-sabi ko sa aking isip. Ayoko namang sabihin ng malakas 'yon lalung-lalo na't Department Head LANG naman namin ang kaharap ko. Behave, Kiyarah!
"Thank you po, Sir Ybardolaza. " ani ko habang kiming ngumiti.
"Ang sabi ko sa'yo, Anthony na lang. Ito talaga... " sagot niya at napakamot ng batok na tila ba nahihiya. "S-sige Kiyarah, marami pa akong gagawin. "
Habang tinatanaw ko ang papalayong pigura niya, bigla akong napatanong sa aking sarili. Bakit nga ba hindi ko pa 'to sinagot?
Halos tatlong buwan din akong niligawan ni Anthony—I mean ni Sir Anthony. Pumayag ako dahil sa totoo lang, siya na talaga 'yong maituturing kong 'The man of my dreams'. Perpekto na siya kung tutuusin—Mayaman, matalino, gwapo, then under ng gwapo category ay 'yong matangkad niyang height, makinis na balat, mapupungay na mata, magkabilaang dimples, angelic face, magandang built ng katawan at syempre, ehem, abs. Kung paano ko nalamang may abs siya, pwes hindi ako nanilip! Tuwing Friday kasi dito sa opisina namin ay Fitness Day, pumupunta kami sa Gym para mag-ehersisyo at syempre, sagot ito ng kompanya. E 'di ko naman sinasadyang makita ang walong pandesal...
At maiba ako! Hinding-hindi mawawala sa listahan ng mga good attributes niya syempre ay ang pagiging mabait at gentleman niya. Pero...
I think that's not enough for me to have a relationship with him.
Ang sarap nga niyang kantahan ng Na sa'yo na ang lahat kaso... kulang e. Dahil hindi niya hawak ang puso ko.
Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, siguro siya pa rin talaga. Leche naman kasi, may pa-promise-promise pa siya na huwag muna ako magb-boyfriend, ayan tuloy! Isinasagawa ko.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Novela JuvenilPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...