"Ang prinsipe ay para lamang sa prinsesa kaya wag ka na mangarap na iibigin ka ng kamahalan." Mapait na salitang binitawan ko sa aking kaibigan na si Haya.
"Hindi naman masamang mangarap. Bakit ba parang masama ang loob mo sa mga dugong bughaw ha, Nera?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Haya. Kahit kailan hindi ko magugustuhan ang mga dugong bughaw. Dahil sa kanila nawala ang pinakamamahal kong ina.
Narining namin na tumunog na ang dambana hudyat na kailangan na kami sa pagsusulit.
"Tara na, Nera. Baka mahuli pa tayo." Nagmamadali kaming tumakbo. Mabigat kasi ang parusa sa mahuhuli sa pagsusulit. Isang makapal na libro ang dapat mong sauluhin sa loob ng isang araw lamang.
"Mabuti nalang madaling natapos ang pagsusulit." Ngumiti ako sa sinabi ni Haya. "Nera, mauna na ako sayo, Pupunta pa kasi kami nila ina sa pamilihang bayan. Bukas nalang ulit ha?"
"Oo. Mag iingat ka."
"Ikaw din. Paalam, Nera."
Nilanghap ko ang sariwang hangin habang pauwi sa aming bahay. Nakalungkot isipin na kailangan ko parin magpabalik balik sa palasyo. Pangarap ni ina na makapag aral ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang mag aral sa loob ng kaharian at paglingkudan parin sila balang araw.
Napatigil ako ng maramdaman kong may paparating. At hindi nga ako nagkamali tumalon ako sa puno sa tabi ko. Buti nalang mabilis akong kumilos kung hindi tatamaan sana ako ng palaso. Tumama ito sa ... baboy ramo? Hinihingal na napa upo ako sa sanga. Muntik na yun.
"Magaling! Naiwasan mo ang palaso ko." Nag init ang ulo ko ng makita ang lalaking estranghero na sa tingin ko'y matanda lamang saakin ng dalawang taon. Bumaba ako at hinarap sya.
"Hindi tama ang ginawa mo, Hindi laro ang palaso. Maari kang makapatay dahil sa ginagawa mo."
"Ikaw pa ang may ganang magalit, Mabuti nga at niligtas kita sa baboy ramo na iyon eh. Magpasalamat kana lang kesa makipagtalo kapa sakin." Tumaas ang dalawang kilay nito habang nakikipag usap sakin. Hindi ko maitatangging magandang lalaki ang kaharap ko ngayon.
"Eh di salamat! Sa susunod wag mo na ulit gagawin iyon. Paano kung hindi ako nakaiwas?Eh di ngayon patay na dapat ako."
"Wag kang mag alala, Ako ang pinakamagaling pagdating sa palaso dito sa bayan. Kailangan ko na umalis. Mag iingat ka." Tila ba tumigil sa pag ikot ang mundo ko ng ngumiti sya sakin.
Sino kaya ang estrangherong iyon?
"Nera, nabalitaan mo ba? Dadating na ang limang prinsipe." Nangingiting sabi ni Haya.
"Saan ba sila galing?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa Kaharian ng Apoy."
Limang Prinsipe iba't ibang kaharian. Prinsipe ng Apoy, Tubig, Hangin, Lupa, At ang pinakamalakas sa lahat ang Prinsipe ng lahat ng elemento. Hindi ko kilala ang lahat ng prinsipe. Sa bayan na ito ako lang siguro ang hindi nakakakilala sa Lima. Minahal ng aking mahal na Ina ang Hari ng Apoy. Si Haring Rigor. Ngunit sa kadahilanang isa lang tagasilbi ang aking Ina ipinapatay sya. Lumaki ako ng walang Ina. Naikwento lang lahat saakin ng aking Ama bago sya pumanaw noong nakaraang taon lamang dahil sa isang karamdaman.
"Pagsisikapan ko talaga ang pagsusulit sa palasyo. Nabalitaan ko kasing pipili ang mga Prinsipe ng magiging personal na tagasilbi nila." Malaki ang ngiti ni Haya. Napatitig lang ako sa nakangiti nyang muka. Kailan kaya ako ngingiti ng ganyan. Nababalot parin ng kalungkutan ang aking puso.
"Nera, tama na yan. Kanina kapa nag eensayo." Hawak ko ang espada na pamana saakin ng yumao kong ama. Inihagis ko ito sa malaking puno. Nang tumusok na ito sa butas sa loob ng puno. Ginamitan ko ito ng mahika upang hindi makita. Isang malaking sikreto sa pagkatao ko ang kakayahan kong gumamit ng mahika.
Malakas na tunog ng dambana ang aming narinig pagkapasok palang namin sa palasyo.
"SALUBUNGIN ANG PAGDATING NG ATING LIMANG PRINSIPE!!" Malakas na sigaw sa loob ng palasyo.
"MAGSITABI ANG LAHAT! BIGYANG DAAN ANG LIMANG PRINSIPE!"
Napatabi kami ni Haya sa kumpol ng mga tao. Malalakas na yapak ng kabayo ang aming naririnig. Kasabay ng pagputok ng mga paputok ang syang pagpasok ng Limang naggagandahang kabayo ay Limang nagkikisigang mga lalaki. Kasunod nila ang Libo Libong kawal. Isa isa kong tiningnan ang Limang Prinsipe. Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ang isa sa kanila. Ang lalaki sa kagubatan. Isa pala syang prinsipe.
Biglang nagsalita si Haya sa tabi ko. "Ang prinsipe ng Apoy. Si Prinsipe Saryo. Ang pinaka mainitin ang ulo sa lahat." Turo nya sa lalaking nakapula.
"Si Prinsipe Eliot, Ang Prinsipe ng Tubig. Ang Pinakamasayahin sa Lahat." Nakaasul na prinsipe.
"Si Prinsipe Alre, Ang Prinsipe na pinakamagaling humawak ng palaso." Turo nya sa lalaking nakasalubong ko sa kakahuyan. Prinsipe Alre..."Prinsipe ng Lupa. Si Prinsipe Lupien. Ang pinakabata sa lahat ng prinsipe."
Turo nya sa Prinsipe na sa tingin ko'y kasing gulang ko lang."At ang pinakahuli sa lahat. Ang Prinsipe ng lahat ng elemento. Si Prinsipe Kaliv. Misteryoso at tahimik."
Napatitig ako sa huling Prinsipeng nabanggit nya. Sya ang pinakamakisig sa lahat. Hindi nakangiti at tahimik lang na nagmamasid. Hindi sinasadyang nagawi ang tingin nya saakin. Parang hinihigop nang Asul nyang mga mata ang kaluluwa ko. Wala akong mabasang kahit anong emosyon sa malamig nyang tingin. Kung hindi pa ako hilahin ni Haya. Hindi pa ako magigising sa katotohanan.
"Tara na, Nera! Mahuhuli na tayo sa pagsusulit. Ngayon mamimili ang mga Prinsipe ng kanilang Tagapagsilbi." Nagpatangay ako sa paghila ni Haya. Paglingon ko. Wala na ang mga Prinsipe.. Anong kalokohan ang nangyari kanina ...