Prologue

3 0 0
                                    

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo
Isa, Dalawa, Tatlo

Nasa itaas ako ng puno at masayang pinagmamasdan ang aking prinsipe na naglalaro. Flynn Touchard. He has almost everything. Ang singkit niyang mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi, ang kanyang inosenteng mukha na kay sarap pagmasdan at ang kanyang kagandahang panloob. Hindi ko maipagkakailang may gusto ako sa kanya. How I wish he likes me too.

"Aray!" sigaw ko ng hindi namalayan na nahulog na pala ako sa puno. "Chloe? Are you okay? May sugat ka ba? I thought you don't wanna play with us but why are you there?" wika niya. Kung alam mo lang kung gaano kasaya ang pagmasdan ka kaysa makipaglaro sa inyo. "Keep calm Flynn okay? I'm fine may kaunting galos lang ako sa paa pero malayo ito sa bituka," sagot ko. It really hurts I know but I don't wan't to tell them the truth I don't wan't them to call me weak. Should I already call myself a great-pretender?  "Sumama ka sa akin prinsesa ko, gagamutin natin ang sugat mo" wika niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam na tatawagin kang prinsesa sa taong gusto mo.

"Matutuloy ba ang inyong pag-alis bukas?" tanong niya habang nilalagyan ng band-aid ang aking sugat. "Oo, pero wag kang mag-alala babalik rin naman kami hindi ko nga lang alam kung kailan" sagot ko. Sana pagbalik ko ako pa rin ang prinsesa mo aking prinsipe. "Basta babalik ka ha, mamahalin at po-protectahan pa kita. Huwag mo akong kalimutan, sana pagbalik mo ako pa rin ang prinsipe mo at ikaw pa rin ang aking prinsesa. Huwag kang iibig sa ibang lalaki ha at sabihin mo sa akin kung may aaway sa iyo." wika niya. My heart melts when I heard those words. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Siya ang tanging kumo-kumpleto sa buhay ko. Yung mga pagkukulang ng aking mga magulang ay pinupuno niya. "Pangako aking prinsipe, babalik ako at hindi na ako muling aalis pa. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit sino man. Ipapangako ko rin na sa huli tayo ang magkakatuluyan." wika ko.

"Chloe, umuwi kana gabi na." tawag sa akin ni nanay Tea. "Bago ka umalis may ibibigay ako sa'yo" wika niya at ipinakita niya sa akin ang isang kwintas. "Ang kwintas na ito ang siyang magiging saksi sa ating mga pangakong iiwan. Hanggang sa muli aking prinsesa." wika niya at tuluyan na akong umalis sa tabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Into You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon