The Beginning

5 0 0
                                    

Pagod na pagod akong humiga sa kama ko. Kararating ko lang galing sa isang job interview, nag aapply na kasi ako dahil baka matanggal na ako sa work sa sobrang tamad ko.

I was about to close my eyes when my phone rang. Tamad kong kinuha sa bag at sinagot ang tawag without looking who the caller is.

Pag itong taong 'to hindi importante makakarinig siya sakin!

"Hello?! What do you want?!" Galit kong sabi.

"Why are you shouting at me?! Aba't 'tong batang 'to! Im still your mother!" So, it's her. My oh so good and sweet mom.

"Yes, ma. Ano na naman ba?" Tamad kong sabi.

"Hay nako Iya! Ang bata bata mo pa makakalimutin ka na. It's my wedding tomorrow!" Mom said.

"Ah. Sorry I forgot. Hindi naman siguro bongga yan para paghandaan ko talaga 'no?" Hindi ko pinahalata na ayokong pumunta. Ang totoo, I didn't forgot. I just don't want to remember.

"Iya, please. Don't be rude. This is my special day. Please be presentable and don't be late. Gonna call you later madami akong aasikasuhin. Bye sweetie!Love you!"

"Okay, ma." The call ended.

Simula nung mawala si dad, lumayo na ang loob ko kay mama.  Umasa akong matagal siyang makakalimot pero bakit ganun? After a year, pinakilala niya sakin si Tito Ali. I was in my last year in college that time. I was twenty, now I'm 23.

Siguro hindi ko rin masisisi si Ma kasi before dad passed away, they were drifting apart. He passed away nung nalaman namin ni Ma na he was diagnosed with Lung cancer. He didn't told us, instead, he kept it by himself. And I hated him for that kasi if only I knew, sana nakapagbonding pa kami.

And now, ikakasal na sila ni Tito Ali. Can't call him Pa or Dad. I just can't. I don't want to.

When I graduated, umalis ako sa bahay. Hindi ako nagrerebelde or what, gusto ko lang sanayin ang sarili ko na magisa. Dun ako sa taas ng coffee shop ng bestfriend ko, si Tyron. May coffeeshop kasi siya na business, and he offered me the upper part of the building for free pero ayoko kaya I am paying him. Nakakahiya naman kasi.

Ayoko magstay sa hotel kung saan magaganap ang ceremony kaya I told ma na may work pa ako at importante iyon kaya hahabol nalang ako bukas ng umaga. Hapon naman yung kasal nila.

Habang nakahiga, iniisip ko kung matatanggal ba ako sa work and iniisip ko kung kaya ko ba pumunta sa kasal ng mama ko. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiisip.

Kinaumagahan....

"Oh shit!" Halos makalkal ko na lahat ng gamit ko kakahanap kuny saan ko nalagay yung Invitation. Ang tanga ko! Hindi ko pala alam kung saang lugar yun hotel lang ang alam ko.

"Hotel Le Duc, Laiya, San Juan, 4226 Batangas." I read it aloud as I found it.

So kailangan kong mag bus? I don't have a car. I can't afford. Nagiipon pa lang ako. What if magpahatid ako kay Tyron? Huwag na pala. Busy yun and duh? Ayokong sumakay ng motorbike. Nakakahaggard.

Nagmamadali akong pumunta sa bus terminal ng papuntang Batangas. Daming pasahero, summer na kasi. Uwian na naman.

Kailangan kong magmadali, kaya agad agad akong pumila para makakuha ng ticket.

Bus No. 208158. There you are! Sumakay na ako. Mukhang puno naman! Dumiretso pa ako hanggang gitna dala dala ang maleta ko hanggang sa likod para makita kung may upuan pa.

Mukhang wala na. Paano na 'to? Jusko.

Longing Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon