Nagising ako ng maramdaman kong may nakadagan sa tyan at paa ko. Binuksan ko ang mga mata ko.
Nagulat ako dahil nakahiga na ako sa kama. Ang alam ko sa sofa ako nakahiga kanina pagkatapos kong kumain.
Tiningnan ko kung ano yung nakadagan sakin.
Halos manlaki ang mata ko ng makita ko na kamay ni Kim ang nakadagan sa tyan ko at ang paa niya sa paa ko.
Pano ko napunta sa tabi niya. Anong akala niya unan ako para dantayan.
Lumingon ako sa side niya. Napaurong ako bigla dahil sobrang lapit ng mukha niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Inalis ko ng dahan-dahan ang kamay niya saka ako umupo at unti-unting inalis ang paa niya na naka dantay sakin.
Tumayo ako ng dahan-dahan saka hinawakan yung noo niya. Hindi na siya sobrang init unlike kanina.
Bigla kong naalis yung kamay ko nung bigla siyang dumilat. Nataranta ako kaya humarap na lang ako sa side table.
"K-kumain ka na. Hindi na kita nagising kaninang lunch dahil ang himbing ng tulog mo"
Umupo siya sa kama nya kaya nilagay ko don yung tray/mini table para makakain siya. Pinapanuod ko lang siya habang dahan-dahang kumakain.
"Kumain ka na ba?"
"Oo. Kanina pa... Paano nga pala ako napunta sa kama mo?"
Umiwas muna siya ng tingin saka nagsalita.
"Binuhat kita kanina dahil mukhang hindi ka komportable sa sofa"
"Dapat hinayaan mo na lang ako. Baka mabinat ka pa niyan"
"Nope. Your not that heavy"
Namula ako sa sinabi niya. Feeling ko tuloy pinupuri niya ako.
"Uhm Idol mo ba ang Exo?"
Pagiiba ko ng topic.
"Uh. Yeah. How about you, are you a kpop fan?"
"Yes. Im an ELF. Super Junior's fan"
"Sino bias mo?"
"Lee Donghae"
"I see. Ako bias ko sa Exo si Chanyeol"
"Owh ang astig niya kapag nagra Rap siya. Exo nga pala ang second kpop group na nagustuhan ko because of Luhan"
"Bakit Exo ang gusto mo?"I thought ang isasagot niya gwapo ang Exo pero iba ang sagot niya. Yung totoo bakla ba talaga siya.
"Ang astig kasi nila kapag sumasayaw tapos nagustuhan ko din ang style nila sa pananamit"
Nagkwentuhan lang kami hanggang matapos siyang kumain. Nagpasiya narin akong umuwi dahil hapon na. Nag prisinta siyang ihatid ako pero I refused dahil baka mabinat siya kaya hinatid nya na lang ako sa labas nila at pinahatid ako sa driver.
But before that
"Gely... Thank you"
"For what?"
"For taking care of me"
"Ah wala yon"
"Hindi. Salamat parin. Kung hindi mo ako inalagaan, hindi ako makakalabas bukas para makakita ng mga fafa kagaya ng sabi mo"
Natawa ako sa pagkakasabi nya ng fafa. Akala ko pa naman hindi na siya bakla. Pero may naalala ako.
"Huwag kang magsalita at kumilos ng ganyan dito. Baka andyan na ang dad mo"
Bulong ko sa kanya.
"Oo nga pala. Buti na lang pinaalala mo. Sige na, baka nagaalala na si tita"
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...