WITRH15

19 9 0
                                    

"Kelan nga pala uuwi si Kuya Charles?" - Anthony

"Two days daw bago mag new year"

"Malapit na pala ah"

"Yeah. Namimiss ko na nga yung mokong na yon eh"

"Hahahh. Uhm baby san ba yung room ko para maakyat ko na yung mga gamit ko"

"Ay oo nga pala. Don yung kwarto mo sa tabi ng kwarto ko. Tara tulungan na kita"

Umakyat na kami para ayusin yung mga gamit niya. Dito muna siya magi-istay dahil ayaw niyang mag isa sa bahay nila dahil nasa Taiwan pa ang parents niya para sa business nila don.

Pumunta na ako sa kwarto ko, at hinayaan munang magpahinga si Anthony. Nagulat ako ng biglang nag vibrate yung phone ko sa bulsa ko.

Tumatawag si Saira.

"Hellow?"

"Hi Gely. Musta na?"

"Okay naman. Merry Christmas nga pala"

"Merry Christmas din. Ay Gely may tatanong pala ako"

"Ano yon?"

"Kelan nga pala uuwi yung kuya mo?"

"Two days before new year. Bakit?"

"Sabay pala sila ng Kuya ko uuwi, sabay ako sa inyo pag sundo sa airport ah?"

"Sige. Yung mag bestfriend talaga na yon hindi mapaghiwalay haha"

"Oo nga eh hahahh sabi nga pala ni Kuya ipapakilala nya samin yung girlfriend niya. Susunduin din daw siya sa airport"

"Bagong girlfriend? Si Kuya naman sabi kakabreak lang daw nila ng girlfriend niya. Naaawa nga ako sa mokong na yon eh, kahit mokong yon mahal na mahal ko yon"

"Awh sweet little sis eh? Haha. May dahilan lahat ng nangyayari at for sure may mas deserving para sa kanya. Sige na baba ko na to ah? Bye"

Tama naman si Saira pero ano naman kaya ang dahilan kung bakit nangyari yon. Nakakaawa naman si Kuya.

Sa pag singhot pa lang niya nung tumawag siya habang nagkwe kwento alam ko na umiiyak siya non kahit sabihin niya na sinisipon lang siya.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng may nagtext.

From Jane. "Hi Gely. Merry Christmas. Sama ko sa inyo ni Saira sa pagsundo kay Kuya Charles at Kuya Bryan sa airport ah? Geh yun lang night!"

Nireplyan ko lang siya na okay at nag nag good night din. Dahil inaantok na ko, ginawa ko na ang routine ko pag gabi saka nahiga sa kama.

Nandito na kami sa airport nila Mama, Papa, Anthony, Saira at Jane. Nagpahuli kami sa paglalakad nila Saira at Jane at nagkwentuhan nang may napansin ako.

"Guys si Kim ba yon?" Tanong ko sa kanila.

"I think so. Kim!!" -Jane

"Makasigaw Jane. Ikaw lang tao dito?" -Saira

"Hahah okay lang yan"

Lumingon samin yung lalaki. Si Kim nga. Simula nung nakita niya si Anthony hindi na kami nagkita at hindi rin siya nagtext o tumawag.

Lumapit kami sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko lang si Ate" -Kim

"May problema ba?" Parang ang cold ng tingin niya.

"Wala" -Kim

"LQ ba kayo?" -Jane

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now